KABANATA 16

50 1 0
                                    

May nahulog na papel at kinuha ko iyon.

Saan ka pupunta?

"Sa bahay ng kaklase ko." Sagot ko nalang at tumingin sa anino.

Nakajeans at v-neck white shirt and sneakers ako ngayon. Ayaw pa akong payagan ni mama na magpunta kay Jennie kaso mapilit ako kaya hinayaan nalang niya ako. Doon nalang daw ako matulog kana Jennie na bahay kase wala na daw akong sasakyan pauwi.

Nakarating na ako sa Amoingon. Doon ang bahay ni Jennie eh. Pinagtanong-tanong ko nalang kung saan ang bahay niya at natagpuan ko naman agad 'yun. Parang wala namang party kase walang tao.

Ang creep ng bahay nila Jennie. Ancestral house siya at ginagapangan na ng halaman. Parang walang nakatira doon. Kinatok ko ang pintuan.

"Tao po. Jennie, Alice?" Tawag ko sa kanila at kusang bumukas ang pinto. Naramdaman ko ang hangin na dumaan sa gilid ko. Ang tahimik ng loob ng bahay at wala akong napapansin na party dito. Diba kapag party, malakas ang tugtog, maraming tao na nagsasayawan, mausok dahil sa sigarilyo at maraming alak. Ganito ba talaga ang party sa probinsiya? Tahimik? Kase sa manila, 'yung mga club at disco na pinupuntahan ko e maingay eh pero bakit ganito dito?

"Irithel!" nagulat ako sa biglang pagtawag ng pangalan ko. Kita ko ang pagkain ng dilim sa araw. Sinarado ni Alice ang pintuan at lumapit siya sakin.

"Masaya akong nakarating ka." Sabi niya at may inilabas siyang itim na tela. Nagtungo siya sa likod ko at inilagay niya ito sa aking mata.

"T-teka. Ano 'to?" Tanong ko.

"May surprise kami para sa'yo at magiging isa ka ng ganap na miyembro sa grupo namin." Sagot niya.

"Ha? Anong grupo."

"Basta. Kung anong ipagawa sa'yo ng pinuno, gawin mo nalang."

"Ano?" Nagtataka kong tanong.

"Wag ka ng maraming tanong." Sabi ni Alice at inalalayan niya ako. Paakyat kami ng hagdan at maya-maya'y tumigil na kami. Dinig ko ang pagbukas ng pinto at wala akong naririnig pero pakiramdam ko ay mainit sa loob at amoy kandila.

Pinalakad niya lang ako ng konti at pinaupo na. Maya-maya, dinig ko ang paghymm nila ng sabay-sabay. Ang creepy ng mga boses nila kaya napatayo ako bigla at bigla namang may nagpwersa sa akin paupo ulit. Halos matumba ako sa lakas ng pagkatulak nila sa akin sa bangko.

Sunod kong narinig ay nagsasalita sila ng lengwahe na hindi ko alam. Para siyang latin at para silang nagdadasal. Inalis ko ang itim na tela na nakatabon sa aking mata at tumambad sa akin ang mga taong nakapalibot sa akin. Nakaitim silang belo at napapalibutan din ako ng kandila. Pawis na pawis na ako sa mga oras na iyon at nanginginig na ang aking pagkatao dahil sa takot.

"Alice? Alice?" Tawag ko sa pangalan ni Alice subalit hindi ko siya makita. Patuloy sila sa pagsasalita ng latin habang nakapikit sila. Para akong statwa na nasa gitna at nanginginig sa takot. Bumukas na ang kanilang mga mata at gumawa sila ng dalawang linya. Nakahilera sila habang ako ay nasa gitna.

Napatingin ako sa taong biglang dumating. May kasama siyang tao at ang ulo niya ay may balot na itim na plastic. May hawak na kutsilyo ang babae na wari ko'y nasa edad sisenta na. Maputi ang kanyang buhok at kulubot na ang kanyang balat. Nanginginig at ang lakas ng tibok ng puso ko sa aking nakikita. Itinapat nung babae ang kutsilyo sa apoy ng kandila. Atsaka dinilaan niya ito ay parang may binulong siya. Dumating naman ang isang tao na nakabelo din, hindi ko makita ang kanyang mukha. May dala siyang maliit na tasa at nakatapat iyon sa leeg nung tao na may tabon ang ulo na kulay itim.

Biglang tinusok nung matanda ang leeg nung lalaki kaya tumulo at sumirit ang dugo nito sa kanyang mukha. Sinahod nung nakabelo 'yung tasa na hawak niya. Pagkatapos ay bumagsak na 'yung tao na pinatay nila. Ibinigay nung nakabelo ang tasa na may lamang dugo doon sa matandang babae. Dinilaan niya ang dugo na umaapaw sa tasa. May binulong-bulong muli siya at uminom. Ipinasa niya ito sa iba nilang kasamahan na nakabelo din atsaka uminom ng dugo. Tng ina. Napapamura nalang ako sa aking isip. Ito na yata ang katapusan ng buhay ko. Ganoon yata ang gagawin nila sa akin. Sht. Kailangan kong makaalis dito. Pero paano ako aalis dito kung parang nagyelo na ang aking katawan dahil sa takot.

Hindi party ang pinuntahan ko. Nilagay ko lang sa panganib ang buhay ko. Kailangan kong makaalis dito pero paano? Pagkatapos nilang uminom ng dugo ay tumingin na sa akin 'yung matandang babae. Maya-maya ay may dumating na kabaong na kulay itim. Tng ina talaga. Ano 'tong pinasok ko? Napatulo nalang ang luha ko dahil sa takot. Papalapit na sa akin 'yung matandang babae nang biglang mamatay ang mga kandila. Ang dilim ng paligid kaya't agad akong tumayo. Paano ko hahanapin ang pintuan kung ang dilim at wala akong makita?

May nakita akong maliwanag, hugis tao siya at ang puti niya. Sinundan ko siya nang sinundan. At ang mga nadadaanan kong kwarto ay puno ng kabaong, may mga kandila at itim at pulang tela na nakalawit sa ceiling. Hindi ko alam kung ano itong mga nakita ko. Nakahinga na ako ng maluwag nang makalabas na ako ng bahay. Subalit, nakita ko ang mga taong lumabas ng bahay at parang hinahanap nila ako. Inalis nila ang kanilang mga belo at sila ay mga lalaki. Nang makita nila ako ay agad akong nagtatakbo papalayo sa kanila. Sobrang dilim ng paligid at walang buwan. Pero may pangilan-ngilang bituin. Ang ingay ng mga aso at patuloy lang ako sa pagtakbo. Halos maputulan na ako ng hininga dahil sa pagod. Sa malaking puno ng acacia ako tumago at ramdam ko ang paghahanap nila sa akin. Napatabon nalang ako sa aking bibig dahil baka pati paghinga ko ay marinig nila. Maya-maya ay wala na sila. Umalis na ako sa acacia at nagsimula ng maglakad papunta sa sakayan ng tricycle subalit malalim na ang gabi para magkaroon pa ng tricycle. At sa paglalakad ko, napamura nalang ako dahil makakasalubong ko sila. Agad akong nagtatakbo sa kahit saan man ako mapunta, ang putik na ng aking sapatos at ang bigat na nitong dalhin. Agad ko itong hinubad. Nasa palayan yata ako. Kita ko sa aking paligid ang mga mapupulang mata na humahabol sa akin at sa pagtatakbo ko, hindi ko namalayang nakarating na ako sa paraiso.

Bumagsak ako sa damuhan dahil sa pagod. May araw at maliwanag ang kaharian niya. Para akong nabunutan ng malaking bala sa katawan dahil nakarating ako dito. Akala ko, doon na matatapos ang buhay ko.

"Hindi ko hahayaang sa kanila ka mapunta." Napatingin ako sa lalaking humiga sa tabi ko at ibinalik ko ang tingin ko sa langit.

"So, ikaw pala 'yun." Sabi ko. Siya pala 'yung nagturo sa akin ng daan palabas.

"Oo. At dito, hindi ka na nila makukuha. Hindi ka na nila masusundan pa." Sagot niya at napapikit ang aking mga mata.

"Ilang araw nalang magiging prinsesa na kita." Sabi ni Elfren subalit hindi ako sumagot.

"Sino sila?" Tanong ko.

"Sila ay mga kulto."

"Bakit ako? Bakit ako ang gusto nilang kunin?"

"Dahi nakakaiba ang dugo mo." Sagot niya at napatingin ako sa kanya.

"Oras na mainom nila ang dugo mo. Lalakas sila at sasakupin nila ang lugar niyo." Dagdag niya.

"Kaya't hangga't maari, sa akin kana sumama para maligtas ang lugar niyo pati na ang pamilya mo."

"Ha?" Nagtataka ako sa sinasabi niya.

"Kapag naging prinsesa na kita, hindi kana nila masusundan. Ligtas ka sa kaharian ko." Sagot niya at nakakunot pa rin ang noo ko.

"Balang araw. Malalaman mo din." Sabi niya at hinipan niyang muli ang mukha ko at nawalan na ako ng malay.

"Irithel.." namumungaw-mungaw ang aking mata at naririnig ko ang boses ni mama. Umaga nap ala at ramdam ko ang sobrang lamig.

"Anong nangyari sa'yo at dito ka nakahiga? Akala ng mga tao patay kana. ANg dami mong naabalang tricycle driver." Sabi ni mama at napahawak ako sa sumasakit kong ulo.

"Bakit ang putik ng damit mo? Saan ka nagsususuot?" Tanong ni mama at hindi ko agad nasagot. Nakatingin ang mga tao sa akin at hindi ko nalang sila pinansin. Sumama na ako kay mama pauwi. At pagkarating sa bahay ay agad akong nagpalit.

"Sumagot ka, Irithel. Saan ka galing?" Tanong ni mama.

"Sa bahay ng kaklase ko." Sagot ko dahil ayokong makipagsagutan kay mama. Napapagod ako.

"Eh bakit ganyan ang itsura mo? Para kang naligo sa putikan at bakit naka paa ka lang?" Tanong ni mama.

"Eh basta ma. Gusto ko munang matulog, mamaya ko nalang sasabihin sa'yo." Sabi ko at nahiga na sa aking kama. Wala namang nagawa si mama kaya lumabas nalang siya ng kwarto. Tumingin ako sa anino na nasa may gilid ng pinto.

"Salamat." Sabi ko at natulog na muli.

////////////////////

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon