Alas dose na ng tanghali pero ang lakas pa rin ng ulan. Wala ng pag-asa. Bukas nalang ulit ako magbabasa. Tumayo na ako at uminom ng tubig sa kusina. Bigla akong nabilaukan sa aking pag-inom.
Sabi sa libro "Ang pagbubuklod ng araw at buwan ang nagbubukas ng daan patungo sa hinaharap."
Kaya pala noong nakipagsex ako kay Martis noong inalis niya ang ala-ala ko. Nagkaroon bigla ng eclipse. Pero bakit wala akong nakitang pangitain para sa hinaharap namin? Siguro dahil sa nakasulat na sa libro? Paano yung time na pinanganak ako simula 1 year old hanggang 20 years old, nakasulat din kaya sa libro yung mga nangyari sakin nung time na yun? Ughhh. Ginulo-gulo ko ang buhok ko.
Sabi sa libro ,"Sa iyong muling pagkabuhay, mag-iingat ka sa iyong kaibigan ngayon sapagkat traydor siya at may lihim na pagtingin sa isa mo pang kaibigan. Hahanapin ka niya hanggang sa kailaliman ng iyong hukay masigurado lang na utas kana."
Ibig sabihin, si Erlinda ang tinutukoy niya diyan. Si Erlinda ang taksil na may gusto kay lolo na galit sa akin na gusto akong patayin. Kung gusto niya ako patayin, eh diba ang dugo ko ang nagpapabata sa kanya? Bakit gusto niya pa ako patayin kung nakinabang naman siya sa dugo ko? Di ko magets.
"Ang lalim ng iniisip mo." natauhan ako bigla sa tanong ni lolo. Inubos ko na ang iniinom kong tubig.
"Kilala mo si Solharaya?" tanong ko kay lolo
"Bakit tinatanong mo pa ako eh alam mo naman na ang sagot." sagot ni lolo. Ehhh?
"Bakit siya namatay? Anong kinamatay niya? Bakit niyo tinago sakin ang lahat? Bakit ako? Bakit ako...siya?"
"Yun ang tadhana mo, apo." sagot ni lolo
"At hindi ko na yun matatakasan?" wika ko
"Kahit saan ka man magtago, hahabulin ka pa rin ng iyong kapalaran. Mangyayari at magaganap ang dapat maganap. Ang kailangan mo lang gawin, maging handa ka." sagot ni lolo
"Ikaw lang ang makakaunawa sa iyong sarili. Dahil ikaw ang nagsulat niyan." dagdag pa ni lolo
"A-alam mo na, lo?"
"Nakita kitang nagbabasa."
"Hindi ka galit?"
"Mangyayari ang dapat mangyari, Irithel. Sino ako para pigilan ang kapalaran mo? Nandito lang ako para tulungan ka." sagot ni lolo at umalis na.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti hindi nagalit si lolo. Akala ko papagalitan niya ako. Nagtungo ako sa sala at masayang nagkukwentuhan sina mama, Noah at Monica. Lumapit ako sa kanila at umupo sa sofa subalit tumayo na si mama at umalis. Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi niya ako tinitingnan.
"Ano yun? I mean, parang magkagalit kayo ni tita?" tanong ni Noah
"Nagkasagutan kami kagabi ehh. Basta mahabang kwento." sagot ko
"Natitiis mo si mama mo na ganyan kayo?" tanong ni Monica at napatingin ako sa kanya.
"Syempre, hindi. Hindi ko lang alam kung pano iaapproach si mama ehh." sagot ko
"Kausapin mo o humingi ka ng sorry kung nagkamali ka o kaya bigyan mo ng bulaklak, ipagtimpla mo ng kape o kaya ipagluto mo ng paborito niyang pagkain." suggest ni Monica
"Sige gagawin ko yan." sabi ko
"Asan si Alucard? Kanina ko pa siya hindi nakikita."
"Ah. Nasa kwarto niya lang yun. Wag mo na hanapin. Okay lang yun." sagot ko
Hindi na talaga tumigil ang ulan. Sama-sama kaming kumain ng hapunan. Hindi man lang ako tinitingnan ni mama.
"Bakit wala si Alucard?" tanong ni Noah
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasiHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.