"Ano bang dapat kong gawin para hindi siya mamatay?" umiiyak na tanong ni Alucard at napaiyak na rin ako. Ano nga ba ang dapat gawin ng taong nagmamahal? Sakripisyo. Isakripisyo ang sarili o isakripisyo ang buhay.
"Tahan na." Sabi ni Karina at pinunasan niya ang luha ng kapatid ko kahit na siya ay nanghihina.
"Magpapahinga na ako, baby." Dagdag ni Karina. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanila bilang ate nila. Ayokong umanib ang kapatid ko sa kanila lalo na't alam kong demonic ang gawain nila at ayoko rin namang mamatay si Karina dahil alam kong malulungkot ang kapatid ko at alam ko ang pakiramdam ng mamatayan. But everything is out of my decision.
"kuya Martis, may iba pa bang paraan para mabuhay siya?" tanong ni Alucard at napatingin sakin si Martis. Naisip ko na sana pinatay nalang ni Martis 'yung lola niya, kaso kung nagkataon na pinatay niya 'yun, wala na talagang pag-asang mabuhay si Karina.
"Kausapin mo si Erlinda." Napatingin ako kay ina.
"Anak ni lola si tiya." Sagot ni Karina habang nakatingin sakin.
"S-sabi sakin ni lola, maghihiganti siya sa inyo dahil hindi siya ang pinili ng lolo mo." Dagdag ni Karina. At doon ko nakumpirma na ang kinukwento ni lolo na Erlinda ay ang lola nilang demonyo.
"Sabi niya rin sakin, ikaw ang papatay sa kanya kaya hindi siya titigil hangga't hindi ka niya napapatay." Dagdag pa nito at napatingin ako kay Martis.
"Paano ko siya kakausapin?" singit ni Alucard. Hindi ko kayang sabihin sa kapatid ko ang narinig kong pag-uusap kanina ni Martis at ng ina ni Karina.
Kung ako ang nasa posisyon ng kapatid ko, pipiliin ko 'yung choice na mabubuhay pa rin ang taong mahal ko. Sa tingin ko 'yun ang totoong kahulugan ng pagmamahal. Handa tayong isakripisyo ang ating sarili para sa ikabubuti ng taong mahal natin.
Lumapit si Martis kay Alucard. "Nasa kamay mo ang desisyon Alucard. Kailangan mong maging katulad nila Karina para maalis ang itinanim na sugat ni lola sa kanya."
"Kailangan kong maging asuwang? Uminom ng dugo? Umanib sa kulto? Sambahin ang mga sinasamba nila?" Tanong niya at tumango si Martis. Wala na bang ibang pagpipilian ang kapatid ko? Ayoko siyang mapahamak. Siya lang ang kapatid ko at ayaw ko siyang mawala. Ayokong mapariwara ang buhay niya. Ayokong maging masama siya. Napapunas nalang ako ng luha na tumulo sa aking mata.
"Gagawin ko para sa mahal ko." Sagot ni Alucard at tila ba walang pag-aalinlangan sa kanya.
"Hindi ka ba nagdadalawang-isip sa sinasabi mo?" Tanong ko
"Wala namang ibang pagpipilian diba?" Sagot niya.
"Wag." Napatingin kami kay Karina na umiiyak.
"Hindi mo 'yan kailangang gawin para sakin." Sabi ni Karina.
"Mahal na mahal kita, Karina. Handa kong gawin ang lahat para sa'yo." Sagot ni Alucard.
"Pwedeng ako nalang? Ako nalang ang sasalo sa gagawin ng kapatid ko." Sabi ko at napatingin silang lahat sakin. Hindi ko alam kung tama ba 'yung sinabi ko.
"Hindi. Ako nalang." Singit ni Martis.
"Ako dapat." Sagot naman ni Alucard.
"Hindi, Alucard. Ako ang may kasalanan ng lahat na ito. Ako ang kakausap kay Erlinda tutal ako naman ang gusto niya simula't-sapul pa." Sabi ko at lumapit sakin si Alucard.
"Hindi, ate. Ako na. Ako ang gusto ng lola niya na umanib sa kanila. Ako ang kailangan niya." Sabi ni Alucard habang nakahawak sa balikat ko.
"Ako dapat ang gumawa niyan dahil ako ang ate mo." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasíaHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.