ALUCARD POINT OF VIEW
Hindi ko alam kay ate kung bakit bango na bango siya sa pabangi na binigay sa kanya ni Martis. Ang sangsang ng amoy as in sobrang baho. Mas mabango pa ang tae ko.
Bumaba na ako sa tricycle at kinatagpo ko si Karina na nasa gilid ng gate na naghihintay sa akin. Alam kong sinusundan ako ng tingin ni ate.
"Magandang umaga Binibini." Sabi ko at natawa lang si Karina.
"Parang akong isang classic lady dahil sa sinabi mo." Sabi niya at natawa naman ako.
"Ganon dapat ang trato sa mga katulad mong dalagang pilipina." Sabi ko at natawa naman siya.
"Tuloy tayo mamaya?" Tanong niya.
"Saan?"
"Sa bahay."
"Ah. Oo nga pala. Pupunta ako sa bahay niyo."
"Ang bilis mo naman makalimot."
"Sorry. Eh kase sabi ni mama, gusti ka niyabg makilala." Sabi ko habang naglalakad kami sa hallway.
"Talaga?" Hindi siya makapaniwala.
"Baka hindi ako magustuhan ng pamilya mo." Nag-aalinlangan niyang sabi.
"Mababait ang pamilya ko at alam kong magugustuhan ka nila. Wag kang mag-alala." Sabi ko at ngumiti siya.
"Oh pano ba yan? Kita nalang tayo mamaya. Dito na ako." Sabi ko at ngumitu lang siya.
"Ingat ka. Mamahalin at magiging tayo pa." Sabi ko sabay kindat.
"Puro ka kalokohan. Sige na! Late na ako sa klase."
"Bye. Mwuaaaahhh!!!" Sabi ko at natawa lang siya. Bumukod na ako ng daan at nagtungo na sa department namin. Haaaays! Ang ganda niya talaga. Bighaning-bighani ako sa kanya, unang beses ko palang siyang nakita, laglag brief na ako. Gusto niyong malaman kung paano kami nagkakilala? Eto.
Flashback
Kinabukasa noong nagpunta kami sa bahay ni Drew, doon ko siya nakilala. Nasa canteen ako kumakain, madulas ang sahig kase kapupunas lang ng janitor. Kumakain ako ng spaghetti nang makita ko siyang pumasok sa canteen. Nastun ako, napatigil ako sa pagnguya at napanganga ako sa diwatang dumating. Sinundan ko siya ng tingin at nang tumama ang electric fan sa kanya, naamoy ko ang malarosal na bulaklak niyang amoy. Alam kong ang amoy ng rosal kase maraming tanim na ganon si lolo. Nag iislow motion ang pagtitig ko sa kanya at tila ba kami labg ang tao sa canteen.
Tapos na siyang bumili ng pagkain. Saktong papadaa na siya sa gilid ko nang bigla siyang madulas kaya nasalo ko siya at ang spaghetti na dala niya ay natilapon sa ulo ko. Nakanganga siya at shoot sa bibig niya ang spaghetti na nasa ulo ko. Itatayo ko na sana siya nang biglang ako naman ang madulas at bumagsak kami sa semento. Nakapatong siya sa aking katawan at nakatapat ang ilong niya sa bibig ko kaya lasa ko ang maalat niyang kulangot. Dinilaan ko ang ilong niya at sobrang sarap. Hmmmm. Lasang spaghetti. Tinulak niya ako sa sahig, doble-dobleng sakit na ang naramdaman ko dahil sa bwisit na madulas na sahig na iti kaya pati ulo ko nabagok na din. Tumayo siya at inalis ang spaghetti na nakadikit sa uniform niya. Nakatingin pala samin ang ibang estudyante na kumakain sa canteen at pinagtatawanan nila kami.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
خيال (فانتازيا)Hindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.