KABANATA 7

52 1 0
                                    

Wala namang dugo ang ulo ko kahit na sa bato ako tumama. Nakapagtataka lang, ramdam ko 'yung sakit pero walang dugo. Dapat nga nahimatay na ako sa pagkakabagok ng ulo ko pero wala eh.

"'Yung ating lalagyanan ng mga pagkain." Sabi ni Noah.

"Ngani pala. HAHAHAHA! " Tawanan nilang lahat. Binalikan nila ang lalagyanan ng pagkain na tinakbuhan nila habang kami ay naghihintay dito sa labas. At pagkatapos ay bumalik na kami. Nanguha muna sila ng buko at ininom namin. Nangalakyat ng puno ng niyog si Kevin at hanga ako sa kanyang kakisigan sa pag-akyat. Masarap. Ang sarap ng fresh na buko na galing mismo sa puno.

Ngayon ko narealize na ang sarap palang manirahan sa probinsiya. Nagiging kaclose ko na ang mga kabataan na taga dito sa barangay namin. Tapos, mababait pa sila. Sariwa ang hangin at dito mo talaga mararanasan ang tunay na kaligayahan. I mean, maraming adventure dito sa probinsiya. Hindi katulad sa Manila na puro malls and club lang ang pinupuntahan ko. Napaka mysterious manirahan dito.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad akong nahiga.

"Oy, Irithel, tumayo ka diyan." Suway sakin ni Noah.

"Bakit?" Tanong ko.

"Bawal mahiga ang pagod. Gusto mo bang mamatay?" sagot niya at agad naman akong tumayo.

"Irithel, nabagok daw ang ulo mo?" Tanong sakin ni mama at tumango ako.

"Wala naman ng masakit. Okay na ako." Sabi ko. Actually, kumikirot pa ang ulo ko pero sinabi ko lang na okay na ako para hindi mag-alala si mama.

"Sinabi na at delikado ang pag-akyat ng kweba na 'yan. Wag ka ng pupunta doon sa susunod. Teka? Asan 'yung pangontra na binigay sa'yo ng lolo mo?" Tanong ni mama at nagtaka ako kase nawala nga.

"Ewan ko. Baka naalis." Sabi ko at kinapa ko sa bulsa ko pero wala naman. Imposibleng mawawala 'yun kase nakaperdible 'yun sa damit ko. Maalis lang 'yun kung may ibang tao na mag-aalis.

"Hayae at ipapagawa nalang kita ng bago." Sabi ni mama. Napatayo ako sa bangko.

"May kalendaryo ba dito?" Tanong ko habang naghahanap sa sala.

"Nasa kusina." Sabi ni mama. Nagtungo ako sa kusina at tiningnan kung kailan ang full moon. Bukas. Bukas ang full moon. Makikipagkita kaya ako sa kanya? Hindi ko naman kilala 'yung lalaki na 'yun eh kaya bakit ako makikipagkita sa kanya? Pero gusto ko ulit maamoy ang pabango niya.

Kinagabihan, nahiga na ako sa kwarto. Sinarado ko ang bintana at binuksan ang electric fan. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko ang mga pinicturan ko kanina. Sa isang picture ay may nakacapture ako na maliwanag. Hugis tao siya pero ang liwanag niya. Zinoom ko ito ay may korte ng mukha ng lalaki. Bigla akong kinalabutan kaya agad ko itong dinelete at itinabi na ang aking cellphone. Ipinikit ko na ang aking mga mata at maya-maya'y nakatulog na ako. Siguro kaya madali akong nakatulog dahil sa pagod at sakit ng ulo ko.

Naglalakbay ako sa paraiso, mala-berdeng halaman, mataas na puno at maraming bulaklak. May batis at naririnig ko ang mga nagtatawan na grupo ng mga babae. Ang daming bila-bila na nagkalat at mula sa malayo ay may natatanaw akong lalaki. Nakaputing damit at nakaputing malambot na pants. All white ang suot niya. Lumapit ako sa kanya at nakangiti siya sa akin. Kulay puti din ang kanyang buhok. Gwapo, maputi, matangos ang ilong at matilos ang kanyang tainga. Hindi ko mapaliwanag ang kabuuang mata niya, basta kulay pula ito.

"Maligayang pagdating sa aking kaharian, Prinsesa." Sabi niya at napakunot ang aking ulo.

"Prinsesa?"

"Simula ngayong araw, ikaw na ang aking prinsesa. Sumama kana sakin." Wika pa nito at inilahad ang palad sa akin.

"Hindi. Teka? Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya.

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon