Ang Simula

3.9K 31 1
                                    

*HellInMansion*

Part1

Moriah*
POV

Namulat ako sa Edad kong Tatlong Taon gulang dito sa Malaking Bahay ng mga Dela Fuente.
Dito nagtatrabaho ang Lola Maria ko bilang Kasambahay.
Si Lola Maria ang Nanay ng Nanay kong Naglayas at sumama sa ibang Lalake.
Ang Tatay ko naman e sumama na din sa ibang Babae.

Iniwan nila kameng Apat na magkakapatid dito sa Poder ng Lola Maria namen.

"Osha, Ria. Magpunta ka na sa Mansion kase inaantay ka na ni Faith." Mahinahon na sabi ng Lola ko.

Nakangiti akong Tumango-tango sa kanya tapos naglakad na ko palabas dito sa Kubo.
Kubo ang tinutuluyan namen nila Lola at ng mga Kapatid ko dito sa Likod ng Mansion.

Pasalamat na din ako sa mga Dela Fuente dahil pumayag silang patuluyin kame dito ng mga Kapatid ko.

May kapalit nga lang.

"Hmm." Huni ko.

Nakangiti yung mga Kasambahay saken.
Sinalubong ako ni Aling Dolores saka hinawakan sa Kaliwang kamay at inakay papasok dito sa Bahay.

"Kanina ka pa hinihintay ni Faith. Hmm. Bakit ba ang tagal tagal mo? Alam mo naman na Alas Syete kailangan nyong maglaro kase papasok sya sa School diba?" Sabi ni Aling Dolores.

"Pasensya na po kayo Aling Dolores. Inipitan pa po kase ko ni Lola." Sabi ko habang tinitingala itong Ale.

"Osha, osha. Basta simula bukas agahan mo na ah?? Sige ka. Alam mo naman kung papano magalit si Donya Agatha." Pananakot nito saken.

Alam ko namang Bata lang ako.
Pero hindi ako mangmang para basta-basta nalang Matakot at paniwalaan ang sinasabi nito dahil Sabi ni Don Damian saken e sya ang Bahala kay Donya Agatha pag sinaktan o Sinigawan ako.

"Ria!" Masayang hiyaw ni Faith ng makita nya ko na kakapasok lang dito sa Kwarto nya.

Nakangiti akong papalapit sa kanya tapos nagsimula na kaming Dalawa sa paglalaro dito sa Barbie Doll.

"Ang Ganda ganda talaga nito Faith. Kamukha mo sya." Sabi ko.

"Naku?! Tigilan mo ko ah. Mas kamukha mo sya!" Sabi nito.

Dito kame madalas maglaro ng Barbie sa Kwarto nya.
Ito ang gawain ko simula ng tumuntong ako dito sa Mansion ng mga Dela Fuente.

Ito kase ang gustong mangyari ni Donya Agatha para tanggapin nya kame ng mga Kapatid ko para makitira dito e dapat raw magtrabaho ako bilang Kalaro ni Faith na kaedad ko.

"Uhm, Ria? Kelan ka nga pala papasok sa School?" Sabi ni Faith.

Tinignan ko ito sa mga Mata nya tapos sumagot ako na..."Uhm, hindi ko alam e? Sabi ni Lola mag-iipon pa daw sya ng pampaaral ko. Alam mo naman na pinag-aaral nya yung mga Ate ko diba... Kaya, eto. Maghihintay nalang ako." Sabi ko.

"Oh, sayang naman kase pwede tayong maging Classmate. Hmm. Kakausapin ko si Daddy. Sasabihin ko na pag aralin ka nya para magkasama na tayo kahit sa School!" Sabi nito.

Nabigla kaming parehas ni Faith ng marinig ang Malakas na Yapak na parang Pares ng Takong.
Nanla-laki ang mga Mata ko ng pumasok dito si Donya Agatha.

Ang Mommy ni Faith at Asawa ni Don Damian.

"Faith! Anong sinasabi mo sa Hampaslupa na to. Hindi mo pwedeng pakiusapan ang Dad mo para pag aralin to dahil hindi na dapat naten maging Sagutin yon. You should behave!" Galit na sabi ni Donya Agatha sa Anak nyang si Faith.

Tahimik lang ako habang salit salitan na tinitignan ang mag-ina na to.

"Mom, you don't have to be soooo Rude kay Ria! She's my Bestfriend! Bakit sinisigawan mo ko! Isusumbong kita kay Daddy!" Iyak ni Faith at kita kong may Luha ang mga Mata nito.

Hell in Mansion (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon