*HellInMansion*
Part38
Moriah*
POVTakot at Kaba ang nararamdaman ko ngayon habang tinitignan si Jake na nakatayo sa labas ng Gate.
May dala-dala syang Bouquet ng Rosas at malungkot syang nakatingin sakin."J'Jake? Anong k'kailangan mo?" Sabi ko.
"Wag kang matakot Ria. Gusto ko lang mag-sorry... Uhm, hindi ako nagpunta dito para guluhin ka o pilitin ka pa sa Bagay na alam kong hindi ko naman makukuha sayo... Okay na saken kung si Kuya Adam yung pinili mo... I'm so sorry kung sinaktan kita. H'Hindi na yun mauulit. Please. Tanggapin mo sana tong Flowers na binibigay ko sayo. P'Pagkatapos nito... Aalis na ko. Inaya ko nang magpakasal si Kyla nung isang Gabi. Sa Amerika nalang kame maninirahan." Mahinahon na sabi nya.
"Oh, c'congrats sa inyo ni Kyla. Uhm, salamat naman at hindi ka na manggugulo pa... J'Jake." Sabi ko.
"Tumigil na ko sa bisyo ko... Alam mo. Nung nangyare yung insidente nung Birthday ni Ed... Hindi ko alam kung anong nangyayare saken. Basta hinahanap hanap kita. Simula nung isoli ko si Marvin sa inyo nalungkot ako ng Sobra kase... Wala nang pag-asa na maging saken ka. Naglalasing ako, gabi-gabi. Iniisip ko kung bakit kase sinaktan kita kaya, ayan... Ayaw mo na saken? I'm so sorry Ria. Hindi ko intensyon na Saktan ka. Dala lang ng impluwensya yata ng Alak at Droga kaya nagkaganon ako. I'm really really sorry. Please, tanggapin mo sana tong Bulaklak." Iyak nya.
Kinakabahan akong hindi maipaliwanag ang nararamdaman kong Umiiyak si Jake habang nakatingin sakin.
Sobrang lakas tuloy ng tibok nitong Puso ko.
"Ria, simula nung... Nung nakita kita sa Club. Dun sa taas nakita kita na iniwasan mo ko ng tingin... Sinundan kita hanggang sa makalabas ka sa Club. Sobrang nag-interes agad ako sayo. Hindi ko alam pero First Time kong makakilala ng kagaya mo na Ubod ng Hinhin. Magalang. Ramdam kong masarap kang maging Asawa kaya g'gusto ko tuloy agad na ikandado ka saken. Grabe, ngayon lang nangyare saken yung ganun na sobra akong nag-interes sa Babae." Iyak nya.
Napayuko lang ako.
Pumikit ako habang pinapakinggan si Jake.
Sobrang nakakapanghina na bakit sya nagkagusto sa Gaya ko o baka naman nagpapa-awa lang ito."Sorry Ria... Sorry kung sinaktan kita. Basta sorry kung binugbog kita... Pero seryoso, may nararamdaman ako para sayo. Selos na selos ako nung nasa Sinehan tayo. Hindi nyo alam na hindi na ko nakatutok sa pinapanood ko nun. B'Basta sayo ko nakatingin buong ilang oras at minuto nung Movie na yun... Ikaw ang pinapanood ko. Masayang masaya ka na nagyayakapan at nagbubulungan kayo ni Kuya Adam... Alam mo yung hinihiling ko na Sana. Ako nalang yung kayakap mo nun. Kasama... Tyaka, nakaka-lambingan." Iyak nya.
Humahagulgol si Jake.
Nakakabigla ito at hindi ako makapaniwala.
Tinignan ko kagad sya na nakayuko habang nakapikit na Umiiyak."J'Jake... Wag mong sayangin ang Luha mo sakin. Sana maintindihan mong hindi Tayo para sa isa't isa... Si Kuya Adam ang Mahal ko... Masaya ako at humingi ka na ng tawad sakin ngayon. Nakakabigla lang kasi may nararamdaman ka pala sakin kaso, hindi mo naman mapipilit kung anong mararamdaman ko pabalik sayo. Masaya ako kasi magsasama na kayo ni Kyla." Sabi ko.
"A'Ako... Hindi ako masaya. Napipilitan lang ako kase Buntis sya at saken yun... Napakahirap. Ikaw ang gusto kong maging Asawa. Pero paano kung wala na tayong pag-asa." Iyak nito.
Nagtinginan kaming Dalawa ng Mata sa Mata habang Umiiyak sya at naluluha lang akong nakikipag titigan sa kanya.
"Jake. Wag mong saktan si Kyla. Kawawa naman sya kasi dinadala nya yung magiging Anak mo. Dapat makuntento ka. Hayaan mong matahimik na tayong Pareho sa mga Taong kasama natin ngayon." Sabi ko.

BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
RomanceR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...