*HellInMansion*
Part3
Moriah*
POVNagdatingan yung mga Guwardya kaya nagtakbuhan naman itong mga College Student isa na si Kuya Adam sa kanila.
"Aw." Bulong ko.
Iniinda ko tong sakit ng Kanan tagiliran ko dahil sa pagkaka Balibag ni Kuya Adam saken.
Nilapitan agad ako ni Hazel saka inalalayan makatayo."Ria. Hindi na Tama tong ginagawa ni Adam sayo... Dapat ireklamo mo na sya ng Child Abuse e. Nasa tamang Edad na sya para makulong." Sabi ni Hazel.
Naluha naman ako.
Papano ko gagawin yun kung napakabuti ni Don Damian samen nila Lola at ng mga Kapatid ko.Utang na loob ko kay Don Damian kaya patuloy parin kameng nag-aaral nila Ate Miriam at Ate Marie.
Pati si Marvin pinag-aaral na din ni Don Damian ngayon.
Magkaka-iba pa kame ng Eskwelahan na pinapasukan.Dati Kubo ang tinitirhan namen pero nagpatayo na ng Bahay si Don Damian sa likod ng Mansion nila para lang may matirhan kameng Matino nila Lola Maria.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Hazel. Si Don Damian mabait sya samen e." Iyak ko.
Naiyak din ito sa pagkaka-iyak ko.
Kumbaga nahahawa ito pag nasasaktan ako at kung anong nararamdaman ko nararamdaman din ni Hazel.*
Nagpunta na kame sa Classroom tapos saktong nagsisimula na yung Teacher namen sa pagtuturo."Hays." Bulong ko.
Nakakalungkot talaga na bakit pa kailangan mangyare kay Faith yung Bagay na yun tapos ako pa tong nagdudusa.
Pinagbibintangan nila ko sa pagkamatay nya e hindi naman ako ang may Gawa nun sa kanya kundi ang nag Akyat Bahay sa mga Dela Fuente."Castro?!"
"Miss Castro!"
"Ria? Ria... Tinatawag ka ni Ma'am Janelle." Boses ni Hazel.
Tumingin agad ako sa paligid ko tapos pinagtitinginan ako ng mga Kaklase ko ganun din si Ma'am Janelle.
"Answer this!" Galit na sabi ni Ma'am Janelle saken.
Napalunok ako kase hindi ko naman naintindihan yung sinabi nya isa pa e natutulala ako kase nasaktan ako ni Kuya Adam kanina.
Tumayo si Clint at tumingin pa saken tapos tumingin na sya kay Ma'am Janelle at sinabing..."Ma'am, pwede po bang ako nalang ang sasagot? Hindi po kase makakasagot si Moriah lalo't nabully sya kanina nila Adam Dela Fuente. Injured po si Moriah." Sabi ni Clint na Kaklase ko.
Nagtinginan sila kay Clint tapos saken at kay Ma'am Janelle.
Ako naman at si Hazel e nananahimik lang."Osha osha, go Clint. Answer this." Sabi ni Ma'am Janelle.
Lumapit si Clint dun saka sinagutan yung Number 1.
Pagkatapos nyang sagutan yun umatras na sya saka bumalik sa Upuan nya.
Nilingon pa nya ko na dito sya nakapwesto sa Kanan banda ko.Nginitian nya ko.
Ako naman nalungkot kase para bang napahiya ako dahil sa Sigaw ni Ma'am Janelle.
"It's okay." Sabi ni Clint.
"T'Thank you." Sabi ko.
Tumingin na ulit si Clint dun sa harapan tapos ngayon nakinig na ko kay Ma'am Janelle.
Makalipas ang ilang Oras
Uwian na kaya nagsipag tayuan na kameng Lahat ng mga Classmate ko tapos inakay na ko ni Hazel.

BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
RomanceR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...