*HellInMansion*
Part2
Moriah*
POVWala akong kalaban laban sa kanila.
Kahit si Lola Maria at mga Kapatid ko walang magawa kundi tanggapin ang Desisyon ni Don Damian bilang parusa saken."Simula ngayon, magiging Kasambahay na si Moriah dito sa Mansion... Hanggang sa paglaki nya dito lang sya sa Mansion na to maninilbihan. Wag nyo ng subukan na Kalabanin ako Maria." Gigil na sabi ni Don Damian.
Nag-iiiyak ang Lola ko pati ang mga Ate ko habang nakatingin saken na nakaluhod kame dito sa Sahig na to.
Nagmamakaawa kame kay Don Damian na wag itong gawin saken dahil hindi ko naman talaga sinaktan si Faith pero nanindigan ito.Kahit anong paliwanag ko hindi nya ko pinaniniwalaan.
"Kahit na anong iyak ang gawin nyo... Yun ang napagdesisyunan ko. Maria, turuan mong magdilig itong Apo mo. O baka naman gusto mong idamay ko din yang Dalawang Dalaga na Apo mo? At pati yung Sanggol na Alaga nyo e antayin ko lang na lumaki at pagtatrabahuhin ko din dito." Sabi ni Don Damian.
"Maawa kayo Don Damian. Mabait si Moriah! Hindi nya magagawa kay Faith yun lalo't matalik silang magkaibigan." Iyak ni Lola Maria.
"So, anong gusto mong palabasin ngayon?! Na sinungaling ang Anak ko!" Hiyaw ni Donya Agatha.
Hindi na sumagot si Lola.
Yumuko nalang ako habang Umiiyak.**
Bumalik kame dito sa Kubo.Galit na galit sila Ate saken at parehas silang nagsasanib para Sabunutan ako.
Ako na walang Laban e nag-iiiyak lang sa Sakit na pinaparamdam nila saken.
Sinasampal nila ko't sinasabunutan.
Umaawat si Lola Maria at sinisigawan ang mga Ate ko."Miriam!! Marie! Tamana! Maawa kayo sa kapatid nyo! Wala syang kasalanan at Alam ko yun! Tigilan nyo yan! Wag nyong saktan ang Kapatid nyo lalo't wala namang Laban yan sa inyo!" Sigaw ni Lola.
Tumigil nga sila Ate pero nagkanda Lagas lagas itong Buhok ko dahil sa pananakit nila.
Hindi rin nila matiis na makita akong ganito.Kaya niyakap nila kong Dalawa.
"Bakit kase nangyayare saten to!" Iyak ni Ate Marie.
"Jusko Ria! Patawarin mo si Ate. Hindi ko alam kung bakit kita nasaktan ng ganyan." Iyak ni Ate Miriam.
Ako.
Tahimik lang habang dinadamdam yung pangyayare.Makalipas ang ilang Oras
Gabi na at madilim dilim na sa Labas.
Nakatulog na sila Lola Maria, Ate Miriam, Ate Marie at Marvin sa Papag na napapalibutan ng Kulambo.Naisipan kong lumabas dito sa Kubo.
"Hmm." Huni ko.
Lumabas ako dito sa Kubo tapos naglakad lakad at lumapit sa isang Malaking Puno ng Chico.
Naupo ako sa Ugat nito dito sa ibaba tapos nagsimula na kong Umiyak.Humahagulgol ako at inilalabas lahat-lahat ng Sama ng loob ko dito.
"Moriah? What are you doing? It's late na ah." Boses ni Kuya Adam yun.
Lumingon ako sa Kaliwang banda ko kung san ko narinig yung Boses na yun.
Tama at si Kuya Adam nga ito.
Nilapitan nya ko saka tinabihan."Your crying." Bulong nito.
Nagpunas ako ng Luha tapos may nilabas itong Panyo sa Bulsa nya saka ginamit para punasan tong Luha ko.
Binulungan ako nito na..."Tahan na... Magbabago din isip ni Daddy. Ganun lang yun sa Una. Makakalimot din yun."
BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
عاطفيةR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...