*HellInMansion*
Part31
Adam*
POV
Nakakatuwa naman si Moriah.
Takot na takot ito habang nakatingin sya dun sa Pintuan nitong Kwarto.
"Hays. Ang sakit na ng lalamunan ko." Sabi nito.
"Ako din." Sabi ko.
*knock knock!
"Hoy! Ang ingay nyong Dalawa! Natutulog ako." Boses ni Marvin yun.
Nagtinginan kami ni Moriah saka natawa.
Bumangon na nga kame paupo tapos ako na tong tumayo saka lumapit sa Pintuan.
Binuksan ko to at bumungad si Marvin na sumisilip silip pa sa Loob ng Kwarto ko.
"Gara, akala ko po may ginagawa kayo dian. Hehe." Sabi nito.
"Nanonood kase kame. Hmm. Sige na, matulog ka na." Sabi ko.
"Oh, osha osha. Akala ko talaga nag a Ano kayo." Sabi nito.
"Bastos, dun ka na nga." Sabi ko.
Natatawa tawa syang naglakad pabalik sa Kwarto nya.
Sinara ko na nga tong Pinto tapos nilingon ko na si Moriah.
"Akala ko may Multo na." Sabi nya.
Nangiti lang ako habang papalapit sa kanya.
Tinabihan ko ulit ito saka kame nahiga at nagyakapan.
Nagpatuloy kame sa panonood.
"Hmm. Tumili ka. Nahawa tuloy ako sayo." Sabi ko.
"Hala. Ikaw din po e? Ikaw nga nauna nahawa lang ako sayo." Sabi nito.
Nakangiti kaming nanood habang magkayakap.
Makalipas ang Isang Oras
Bagsak na si Moriah.
Tulog na ito habang nakayakap saken.
Inayos ko tong Blanket tapos pinatay ko na yung T.V. gamit ang Remote Control.
Pati Cellphone ko pinatay ko na din.
**
Makalipas ang ilang Araw
Habang nag-aayos ayos ako ng mga Paper Works ko dito sa Opisina katawagan ko si Moriah.
Mas lalong napapadalas tong pag-uusap namen.
Halos Oras-oras nag-uusap na kame.
May suot-suot na din akong Head Phones o Headset araw-araw.
Para habang nagsasalita ako patuloy naman ang pagkilos ng mga Daliri ko sa pagtatype dito sa Laptop.
*
Patuloy ang panliligaw ko kay Moriah sa Loob ng Apat na Buwan.
Gumawa na din ako ng paraan para magkasama kame sa Trabaho kaya...
"Congrats Moriah. Parte ka na ng Kumpanya." Sabi ko.
"Salamat po. Excited na kong magtrabaho dito sa Kumpanya nyo. Hmm. Medyo napapa-isip lang ako kung paano si Marvin sa Maynila? Maiiwan sya dun." Sabi ni Moriah.
"Hmm. Pwede mo naman kausapin si Marvin na dito nalang sya manirahan sa Batanggas? Okaya e pagkatapos nyang Gumraduate pwede na syang mag-stay dito." Sabi ko.
"Tama. Malapit naman na syang matapos sa pag-aaral. Aayain ko na syang manirahan dito tapos ibebenta ko nalang yung Bahay namin sa Maynila." Sabi nito.
Ngumiti ako ganun din sya saken.
Nandito kame ngayon sa Opisina ko tapos pinapaliwanag ko sa kanya yung mga Dapat nyang Gawin bilang magiging isa sya sa mga Call Center Agents ko.
Kailangan pa nya ng Training.
"Nakaka-kaba po pero kaya ko naman to." Sabi nito.
"Basta pag-aralan mo muna yang mga intro intro na yan... Then, pag Okay na pwede ka ng magsimula. Si Jessie ang tutulong sayo. Tatanungin mo sya kung anong mga kailangan mo or hindi mo alam. Sya ang magtuturo sayo." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
RomansaR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...
