Ingat

822 9 4
                                    

*HellInMansion*

Part21
Warning!!

Moriah*
POV

Pinatahan ko na si Marvin saka inakay sa Taas.
Dinala ko tong Kapatid ko sa sarili nyang Kwarto saka pinahiga sa Kama.

"Tamana, bukas na bukas sige aalis na si Ate dun sa Trabaho na yun ah. Wag ka ng Umiyak." Sabi ko.

Kinumutan ko na to saka tinabihan at niyakap ng mahigpit.
Salamat at kumakalma na si Marvin at mukhang patulog na ito.

"Good night Ate... Wag ka ng babalik dun. Good night." Bulong nito.

"G'Good night." Sabi ko.

Tumayo na ko ng Diretso saka binantayan si Marvin hanggang sa humimbing na ang Tulog nito.

"Hays." Bulong ko.

Binuksan ko yung Aircon nya.
Pagkatapos pinatay ang ilaw at lumabas na ko dito sa Kwarto nya.
Nagpunta naman ako sa Kwarto kong kaharap lang ng Kwarto nya tapos nag Halfbath at Natulog na din ako.

*
Kinabukasan

Bumangon ako ng 7:28am.
Nagluto ako ng Agahan naming magkapatid.
Naluluha ako pag naiisip kong binubully kaya si Marvin sa Eskwelahan kaya...

"Sabihin mo saken... Binubully ka ba dun sa School nyo?" Sabi ko kay Marvin na nandun sa Sala at naka-upo sa Sofa habang nanonood ng T.V.

Tinignan nya ko saka inilingan.

"Marvin, sabihin mo kay Ate kung may bumubully sayo? Ayokong matulad ka saken." Sabi ko.

"Ate, walang bumubully saken dun lalo't sa Taas kong to. Malakas din ako kaya walang magtatangkang Bullyhin ako. Isa pa, pinag-uusapan lang naman sa School yung tungkol sa Trabaho mo pero hindi ko sila pinapansin kase nga alam kong hindi ka naman nagpapagalaw e." Sabi nya.

Yumuko lang ako saka tinignan tong piniprito kong Hotdog.
Nalulungkot ako pag naaalala ko yung Dati na binully ako ni Kuya Adam pero Wala naman na yun at hindi na mauulit.

"Ate, wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi ko naman hahayaan na may mambully saken. Yes, pinag-uusapan ka nila pero behind my back. Yun lang at naririndi na ko sa mga Sumbong saken ng mga Kaibigan ko. Gusto kitang pahintuin sa Trabaho mong yun. Para matigil na yung Usapan sa School. Unti-unti na din akong natatakot sa Teacher kong Bakla e... Pinag-iinteresan yata ako. Baka akala e Pokpok ako." Sabi nya.

Nilapitan na ko ni Marvin saka niyakap.

"Ate, basta please... Wag ka ng bumalik dun ah. Para hindi ka na umuuwi ng Madaling Araw. Natatakot kase ko. Baka mapano ka. Tyaka kahit hindi mo sabihin alam kong nababastos ka dun." Mahinahon na sabi nito.

Naluha na ko.
Mas hinigpitan pa ni Marvin ang pagkakayakap nya saken.
Nagsimula na kong Humagulgol ng iyak ganun din sya.

"Sorry Marvin. Kung pinagtsitsismisan ka sa Eskwelahan. Pinasok ko yung Trabaho na yun kase nga gipit na gipit na tayo masyado tyaka kailangan na kailangan na nateng magbayad ng Upa kay Aling Valencia nung nakaraan Taon." Iyak ko.

"Ate, naiintindihan naman kita kaya pumasok ka dun e? Ang masakit lang saken e hindi naman desente yung Trabaho mo? Sana manlang yung Matino na kahit na Mahirap lang tayo mas Importante para saken na Ligtas tayong Dalawa tyaka magkasama." Iyak nito.

"Hayaan mo... Lilipat na ko ng Trabaho." Sabi ko.

Niyakap nya ko ulit.
Ikinakalma ko na din tong sarili ko.

Makalipas ang ilang Minuto

Pagkatapos kong magluto.
Naghain naman ako saka kame Kumain ni Marvin.

Hell in Mansion (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon