Patawad

1K 10 2
                                    

*HellInMansion*

Part14

Moriah*
POV

Natatakot ako na hindi ko maipaliwanag.
Ang mangyayare kase e Uuwi si Lola Maria ko tapos si Kuya Adam raw ang magbabantay saken.

"Lola, a'ayoko pong Umalis kayo." Iyak ko.

"Apo. Gustuhin ko man na bantayan ka kaso paano si Marvin? Tyaka wag kang matakot kay Señorito Adam. Hindi ka na nya sasaktan. Nakikita kong pinagsisisihan na nya yung mga ginawa nya sayo. Saka, sya ang sasagot ng Bayarin naten dito sa Ospital. Magtiwala ka saken Apo. Naniniwala akong hindi ka na nya sasaktan." Mahinahon na sabi ni Lola Maria.

Hindi ko alam ang isasagot ko basta bumuhos nalang ang Mainit na Luha ko.
Nilapitan ako ni Lola saka tinabihan.
Dito sya naupo sa Kaliwang banda ko tapos niyakap nya ako ng Mahigpit.

"Apo, tamana. Wag ka ng umiyak. Maniwala ka saken ngayon. Hinding-hindi ka na nya sasaktan pa. Alam ko yan. Maniwala ka Apo. Nakikita ko nang gusto lang bumawi ni Señorito Adam sa mga Maling nagawa nya kaya eto at gagamutin nya yung Kapatid mo. Sasagutin din nya tong pang Ospital mo. Apo, kung magmamalaki tayo ngayon si Ate Marie mo kase ang mahihirapan. Nakita kong malaki ang Gastusin mo dito sa Ospital lalo't nakaka ilang Araw ka ng naka Confine dito. Malaki yun at hindi kaya ng Ate mo kaya hangga't maari kinapalan ko na yung Mukha ko kanina... Hindi ako nagalit kase iniisip ko na Walang wala tayo ngayon para magmalaki." Mahinahon na sabi nito.

Tinignan ko si Lola Maria.
Gamit ang mga Kamay nito pinunasan nya ang magkabilang Pisngi ko na basang-basa ng Luha.

Kita ko din na lumuluha ito pero hangga't maari nagpapakatatag sya.

"Natatakot po kase ko Lola. Hindi ko makakalimutan yung mga pinagdaanan ko sa kanya... Sobrang hirap... Sobrang sakit... Tuwing pipikit ako sya yung nakikita ko. Tuwing pipikit ako. Nakikita ko kung paano nya ko Saktan at Babuyin... Kaya, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iniisip ko din po kayo nila Ate Marie at Marvin kaso. Sobra po akong nasaktan Lola. Kung pwede lang sana umalis nalang po tayo dito. Ayoko pong makasama si Kuya Adam sa iisang Kwarto. Hindi ko po Kaya Lola." Iyak ko.

Naiyak na din ito saka nya ko niyakap ng mahigpit.
Humahagulgol kameng Parehas ni Lola Maria na saktong...

*knock knock!

Bumitaw kaming dalawa sa pagkakayakap tyaka nagtitigan.
Tinignan namin ng sabay yung pintuan tapos may Pumasok ang Taong hindi ko inaasahan.

"Don Damian." Iyak ko.

"Hi Hija." Sabi nya.

May dala-dala syang Bulaklak tyaka mga Prutas.
Pumasok sya dito tapos may kasunod syang Dalawang Nurse na Babae.

Nilapitan nya ko saka nito inabot saken tong Bulaklak.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ito o matutulala nalang.
Tinignan ko si Lola Maria ko na nakayuko.
Bakas dito ang Lungkot lalo't ang Huling pag-uusapan pa naman nila ni Don Damian e nung pinag tatadyakan sya.

"Magandang Gabi sayo Maria... Gusto ko lang humingi ng Tawad sa ginawa ko sayo Noon. Patawarin mo ko Maria." Mahinahon na sabi ni Don Damian.

Ang Lola ko nakayuko lang at hindi tinitingala ang Don tapos sabi ni Lola Maria..."Wala na Ho yun Don Damian. Kinalimutan ko na Ho iyon."

"Hindi Maria, maling-mali ang ginawa ko sa inyo ng mga Apo mo. Ikaw ang pinakamatagal ng Kasambahay sa Mansion. Nang dahil lang sa kagagawan ni Agatha nagkagulu-gulo tayo. Pasensya na kayo. May gusto sana kong hilingin sa inyo. Kung papayag ka lang naman Maria." Sabi ni Don Damian.

Tinignan namin ni Lola ang Don.
Tiningala namin ito habang magkayakap kameng Dalawa.
Nilapag ni Don Damian yung mga Bulaklak sa Gilid ko tapos tumayo na ito ng Diretso.

Hell in Mansion (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon