*HellInMansion*
Part13
Moriah*
POVNagising ako at maliwanag dito sa Kwarto.
Kwartong amoy alcohol at may mga palakad lakad na Taong naka Puti.Ako naman nakahiga lang dito sa Malambot na Higaan.
May Liwanag dun sa itaas."Diyos ko, salamat at tinanggap nyo po ako dito." Sabi ko.
"Gising na sya Doc." Boses ng Babae.
May Lumapit saken tapos tinitigan nya kong Mabuti.
Lalaking Doctor ito na mukhang may Edad na."Kamusta ka Hija. Anong nararamdaman mo ngayon? May Masakit ba sayo?" Sabi nitong Lalake.
"Po? M'Medyo masakit po ang Ulo ko pati Katawan ko." Sabi ko.
"Mmhmm. Kailangan mo pang magpahinga. May ipapainom kame mamaya pagkatapos mong Kumain ah." Sabi nito.
Mukhang Mabait itong Lalake tapos mahinahon sya kung Magsalita.
"S'Salamat po... Ganito po pala sa Langit. May Doctor tyaka Mababait ang mga Tao." Sabi ko.
Nagulat ito sa sinabi ko kaya napatingin sya sa mga isang Babaeng kasama nya.
"A'Akala nya yata Doc, nasa Langit na sya." Sabi ng Babae.
"Nako, kawawa naman pala to. Siguro matindi yung mga pinagdaanan nya kaya ganyan." Sabi ng Lalake.
Tinignan na ko nitong Lalake saka sinabihan na..."Hija, wala ka pa sa Langit o Hindi ka pa Patay. Nandito ka ngayon sa Ospital. Nagpapagaling ka tyaka may mga naghihintay sa paggaling mo." Mahinahon na sabi nito.
"Saken po?" Sabi ko.
"Oo, yung Lola mo tyaka dalawang kapatid mo. Nandun sila sa Labas. Naghihintay lang na magising ka." Sabi nito.
"G'Gusto ko na po silang Makita." Iyak ko.
Nilingon nitong Lalakeng Doctor yung Babaeng kasama nya.
Naglakad naman yung Babae saka lumabas dito sa Kwarto at sa pagbukas ulit nung Pintuan..."Moriah! Apo ko!" Si Lola Maria ko.
Mahina na si Lola sa Kilos nya.
Nilapitan nya ko kasama sila Ate Marie at Marvin.
Nag-iiyakan kameng Apat hanggang sa salubungin na nila ko ng Yakap na Mahigpit."Lola!" Iyak ko.
"Jusko ang Apo ko." Iyak ni Lola.
Tinignan ko si Ate Marie na nakangiti habang Umiiyak.
Ganun din si Marvin.
Masaya sila dahil magkakasama kame ngayon at nagkakayakapan pa na hindi namin magawa nung mga nakakaraang Taon nung nakakulong pa ko sa Mansion ng mga Dela Fuente."Salamat at magkakasama na tayo ngayon! Mag i isang Buwan ka naming hinanap Apo. Hindi ako makapaniwala na ganito ka namin makikita. Ganitong sitwasyon. Jusko, bakit nila to ginawa sayo." Iyak ni Lola.
Humahagulgol ako ng iyak.
Sobrang bigat nito sa pakiramdam na tuwing pipikit Ako.
Dalawang Mukha ang nakikita ko.Si Calyx.
At
Si Kuya Adam."Wag na kayong Umiyak mga Apo... Ang mahalaga ngayon. Buhay si Moriah tyaka makakasama na natin sya." Iyak ni Lola.
Tumango-tango sila Ate at Marvin tapos niyakap nila ko ng Mahigpit.
"Kailangan mo ng Kumain Apo. May iinumin ka daw na gamot e para makakalma ka tyaka kailangan mo parin magpahinga." Sabi ni Lola Maria habang nagpupunas na sya ng Luha sa magkabilang Pisngi nya.
BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
RomanceR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...