*HellInMansion*
Part36
Adam*
POVKaya ko sinusuntok tong Hayop na to e dahil narinig ko syang kinukwento yung tungkol sa ginawa nya kay Moriah Noon.
"Gag* ka! Lakas ng loob mong magkwento ng Malakas e nandito ako!" Sigaw ko.
Yumakap na si Daddy saken tapos hinahatak na ko.
Kamuntikan ko na talagang mapatay tong Jake na to.
Pasalamat sya't hinatak na ko ni Daddy at Edison."Tarantado ka! Sino kamo ulit yung pinagsawaan mo?! Sino! Sumagot ka Jake! Sumagot ka!" Sigaw ko.
"Totoo naman e! Pinagsawaan ko lang si Ria! Tapos pinagtiyagaan mo?! Diba pinagsawaan mo din naman sya!" Sigaw ni Jake.
"Aba, gag* ka talaga ah!" Hiyaw ko at pumipiglas sa pagkakayakap ni Daddy at Edison saken.
"Jake! Tamana! Sumosobra ka naman yata! Binabastos mo na kame sa sarili naming pamamahay... Anong klaseng Tao ka para ipagkalat mo yung kagaguhan mo!" Sigaw ni Edison sa Kaibigan nya.
Naupo si Jake pabangon tapos tinitigan nya ko.
"Isa lang sasabihin ko sayo Adam... Iiwan ka din ni Moriah kase sinaktan mo sya ng paulit-ulit..." Sabi nya.
"Gag* ka talaga!" Sigaw ko.
Tumayo na sya saka dali-daling naglakad palayo saken pero huminto sya nang makita nyang Umiiyak si Moriah.
"Ria, akin ka lang." Sabi ni Jake.
Umatras si Moriah sa kanya saka tumingin saken.
Malungkot akong makita syang ganon na natatakot kaya binitawan na ko ni Daddy saka nilapitan si Moriah na saktong nagpatuloy naman sa paglalakad si Jake palayo dito."Hey, don't cry. Wag kang mag-alala. Ipapakulong naten sya ah? Tamana." Sabi ko at niyakap na to ng mahigpit.
Nanginginig si Moriah dahil sa Takot.
Sobrang nag-aalala tuloy ako sa kalagayan nito."Ate, wag ka ng umiyak. Maganda pa kung ipakulong mo na yung Jake na yun." Sabi ni Marvin.
Umiiyak lang si Moriah habang nakayakap saken.
Inakay ko na to para pumasok sa loob ng Bahay tapos sumunod lang sila Daddy, Edison, Daisy at Marvin samen.*
Pagdating dito sa Sala.
Naupo kaming Lahat sa Sofa tapos nag-utos si Daddy sa isang Kasambahay na ikuha si Moriah ng maiinom na Tubig."Edison, Anak. Bakit naman ganun yung Kaibigan mo? Ano bang nangyayare dun. Akala ko ba mabait yung Jake na yun." Sabi ni Daddy.
"Sorry Dad. Kuya, Ria sorry. Hindi ko ineexpect na gagawin ni Jake yun... Hindi ko akalain na sasabihin nya yun sa mga Kaibigan namen. Ewan ko kung anong nangyayare sa Taong yun pero promise... Mabait yun e. Basta. Kakausapin ko sya." Sabi ni Edison.
"Hmp. Kahit hindi mo na sya kausapin. Ipapakulong ko sya... Gagong yun. Hindi na sya naawa kay Moriah... Pagkatapos ng katarantaduhang ginawa nya dito ngayon Proud pa sya sa ginawa nyang yon." Gigil na sabi ko.
"Sorry talaga Kuya. Kakausapin ko muna si Jake... Baka depress e. Uhm, kakamatay lang kase ng Daddy nya. Please... Kakausapin ko sya. I'll make sure na hindi na mauulit to." Sabi ni Edison.
Hindi na ko sumagot.
Basta yakap-yakap ko si Moriah at pinapakalma."Señorito, eto na Ho ang tubig." Sabi ng Kasambahay.
Kinuha ko sa kanya tong isang Baso na may Malamig na tubig tapos pinainom ko ito kay Moriah.
"Sige lang Mahal. Inom ka pa." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
RomantikR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...