Masaya na Malungkot

1K 14 1
                                    

*HellInMansion*

Part15

Moriah*
POV

Nagulat ako sa pagluhod ni Kuya Adam dito sa Kanan banda ko tapos nakatingin sya saken habang Umiiyak.
Nakakabigla ang ginagawa nya ngayon pero para saken, Kasalanan na nya yun at Kailangan nya talagang pagdusahan ang Ginawa nya saken.

"I'm sorry Moriah. Hirap na hirap ka pag nakikita mo ko. Alam ko yan... Hayaan mo pag Magaling ka na hindi mo na ko makikita. Ako na yung lalayo para hindi ka mahirapan. Pero, ngayon. Hayaan mo kong bantayan ka. Gusto kong makasiguro na Magaling ka na bago ko Umalis." Iyak ni Kuya Adam.

Hindi ako sumagot.
Basta nakatingin lang ako sa kanya habang umaagos ang Luha ko sa magkabilang Mata ko.

"Walang kapatawaran yung mga ginawa ko sayo at naiintindihan kita kung hindi mo ko mapapatawad. I'm really really really sorry Moriah kung naranasan mo yung Bagay na yun... Sana, makalimutan mo yun pag handa ka na. Pagkatapos nito, sana makilala mo yung Lalaking magmamahal sayo Habang Buhay. Yung mag aalaga sayo. Patawarin mo ko kung nasaktan kita." Iyak nya.

Inalis ko na tong tingin ko sa kanya tapos yumuko nalang ako at tumingin dito sa magkabilang Binti ko.
Pinupunasan ko tong Luha ko tapos narinig kong bumukas yung Pintuan.

Tinignan ko agad kung sino yung Pumasok.

"Ay, e'excuse me po Sir Adam, Ma'am Moriah. Kailangan ko pong icheck ang BP nyo Ma'am." Sabi ng Babaeng Nurse.

Nakaluhod parin si Kuya Adam sa Sahig.
Nakayuko habang Umiiyak.
Nagtitinginan kame nung Nurse at hindi alam kung paano patatayuin si Kuya Adam sa pagkakaluhod nya.

"Sige na Nurse... Gawin mo na yung dapat mong gawin. Hayaan nyo kong lumuhod dito. Para to kay Moriah." Iyak ni Kuya Adam.

Dinaanan sya nung Nurse at dumiretso ito saken ng paglapit.
Inasikaso na nitong Nurse ang pagtingin raw saken dito sa Kaliwang braso ko tapos ako naman nakatingin lang kay Kuya Adam.

Umiiyak sya.
Dapat lang ito sa kanya.
Kailangan kong maging Matigas dahil Sobra sobra nya kong Sinaktan.

"Ayan, Normal po Ma'am." Sabi nitong Nurse.

Wala akong alam sa *OverOver* na sinasabi nito lalo't hirap ang isip kong isipin ang mga ganon lalo't hindi naman ako nakapag-aral ng maayos.

"Salamat po." Sabi ko dito sa Nurse.

Naglakad na sya saka lumabas dito sa Kwarto.
Naiwan nanaman kame ni Kuya Adam dito kaya nagsimula nanaman akong lumungkot.

Makalipas ang ilang Minuto

Nakakaramdam na ko ng Antok.
Pinagmamasdan ko lang si Kuya Adam na nakaluhod parin hanggang ngayon tapos Umiiyak sya.

*knock knock!

"Sir? Nandito na po yung Pagkain." Boses Lalake yun.

Bumukas yung Pinto at pumasok ang isang Lalaking may dala na Plastic ng Jollibee.
Gulat ang reaksyon nya ng makitang ganito si Kuya Adam.

"Ilagay mo na sa Mesa yan." Utos ni Kuya Adam dun sa Lalake.

Dali-dali naglakad yung Lalake para ipatong sa Lamesa yung Plastic na dala-dala nya tapos naglakad ulit sya saka lumabas dito sa Kwarto.

Tumayo na si Kuya Adam.
Lumapit sya sa Lamesa saka inasikaso yung Laman ng Plastic.

"Kailangan mo ng Kumain para makainom ka na din ng Gamot. Kailangan mong magpagaling Moriah." Sabi nya.

Tahimik lang akong nag-aabang sa Pagkain na inaayos nya.
Nakakalungkot lang at hindi ko sya kayang kausapin dahil Galit parin Ako tyaka Hinding-hindi ko makakalimutan yung ginawa nya saken.

Hell in Mansion (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon