*HellInMansion*
Part10
Moriah*
POVHinarap ko ulit tong Lalake.
Bakas sa mukha nito na desidido syang ihatid ako kahit na Muchacha lang ako sa paningin nya.Yun kase ang Sabi nya kanina.
"Sir, hindi na po. Salamat nalang po sa Alok nyo pero Kaya ko po ang Sarili ko." Mahinahon na sabi ko.
"Hmm. Gusto ko lang kase makasigurado na Ligtas kang makakabalik sa inyo kaya inaalok kita... Well, kung Kaya mo naman yang Sarili mo. Edi okay. Mag-iingat ka Moriah." Sabi nito.
"Salamat po Sir." Sabi ko at tinalikuran na sya kaso...
"Uhm, Moriah? Ayaw mo ba talaga na ihatid kita?" Sabi nya.
Napapakamot Ulo nalang tuloy Ako sa kakulitan nya kaya eto at hinarap ko nanaman sya.
"Sir, ilang ulit ko po bang sasabihin sa inyo na Kaya ko po ang Sarili ko." Sabi ko.
Nakangiti lang ito saken.
Humakbang ito ng isa palapit saken tapos umayos ng pagkakatayo nya sa Harapan ko."Alam mo Moriah... Ngayon ko lang napansin na kakaiba ka pala sa mga Babaeng nakilala ko sa Buong Buhay ko... Hindi ko alam kung nagpapa Hard to Get ka or sadyang nagpapakipot lang sa Una... Tsk, ngayon naiintindihan ko na kaya binobossy Bossy ka lang ni Adam. Kaya Patay na patay si Adam sayo... Your too lovely." Sabi nito.
Hindi ko alam kung Minamaliit ba ko neto o Inaasar na Pinupuri.
Inalis ko nalang yung tingin ko sa kanya tapos tinalikuran sya't naglakad nalang ako dire-diretso.
"Hey Moriah! Nag-uusap pa tayo!" Sigaw nya.
Hindi ko nalang sya pinansin basta binilisan ko nalang tong Lakad ko para makalayo na ko sa Lalaking yun.
Pakiramdam ko hindi ako Ligtas sa Taong yun dahil base sa Tingin at Pananalita nya saken e pinagnanasaan lang nya ko.Kumbaga inuunti-unti lang nya ko para Matikman.
"Hays. Saan kaya ako pupunta neto. Hindi ko alam ang Lugar na to." Bulong ko.
Tumakbo na ko hanggang sa bigla nalang bumuhos ang Malakas na Ulan.
Madilim na yung Kalangitan.
Sobrang Dilim na Gabi na nga tapos Umuulan pa."Jusko, saan ako pupunta." Iyak ko.
Basang-basa na ko pero patuloy pa rin Ako sa pagtakbo.
Itong suot kong Pantalon at Long Sleeve e Basang-basa na.
Pati panloob ko ngayon Basa na rin kaya naiiyak na ko sa Hirap at Takot na hindi ko maintindihan kung paano ako makakaligtas sa ganitong Sitwasyon."Moriah!"
Ayan nanaman yung Lalake.
Hangga't maari ayokong sa kanya humingi ng Tulong dahil ramdam kong hindi ako ligtas sa kagaya nya."Moriah! Wait!" Sigaw nya habang minamaneho yung Malaking Kotse.
Pagod na ko pero patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa Makita ko na yung isang Kainan.
"Tama, dun ako papasok para makasilong." Bulong ko.
Hinahabol habol ko ngayon tong hininga ko habang patakbo akong pumunta sa Kainan na yun.
"Wooh. Jusko, hinihika na ko." Bulong ko.
Pumwesto ako dito sa Silungan ng Kainan na to habang pinagtitinginan naman ako ng mga Lalaking Kumakain dito.
"Hija, basang-basa ka ah. Gusto mo ba ng tulong?" Sabi ng isang Lalaking mukhang nasa Edad 40+.
Mukhang mga Bastos yung mga Lalake dito tapos nagtatawanan sila habang pinagmamasdan nila tong Dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
RomanceR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...