*HellInMansion*
Part8
SPG Warning!!Moriah*
POVKailangan kong kumalma.
Nagkakagulo na yung mga Tao tyaka akala yata nila sinasaktan ko si Ate Daisy kaya umalis na ko sa ibabaw nito.Gumapang agad ako palayo sa kanya.
"Desiree! Saan ka pupunta?!" Sabi ni Ate Daisy.
Naluluha ako kase naaalala ko yung Nakaraan na binully nya ko dun sa Likod ng School nun.
Sinabunutan at kinaladkad nya ko saka sinampal sampal.
Pumapasok yung Sakit ng Nakaraan sa Utak ko kung paano ako pagtawanan ni Kuya Adam nun.Hindi ako makapaniwala na sya yung Babaeng nanakit saken.
"Desiree! Sandali!! Ano bang nangyayare sayo!" Hiyaw ni Ate Daisy saka nya ko inalalayan makatayo.
"Pasensya ka na Ate. May biglang parang pumasok sa Isip ko." Sabi ko.
Nag-aalala ang Reaksyon nito habang nakatingin sya saken.
Inalalayan nya kong maglakad at magpunta sa Gilid nitong Kalsada."Desiree?? Bumalik na ba ang ala-ala mo?" Sabi nito.
"Hindi pa lahat Ate... Uhm, yung pumasok lang sa isip ko e yung Babaeng nanakit saken." Sabi ko.
"A'Anong ginawa nya sayo? Anong itsura nya para magawan naten ng Paraan. Baka isa sya sa n'nakasagasa sayo?" Sabi nito.
Kailangan ko parin yatang magpanggap.
Kaya sinabi ko nalang na..."Malabo yung itsura nya Ate... H'Hindi ko po alam ang Itsura nya... Sobrang Labo." Sabi ko.Tumango-tango ito at inakay nalang ako na pumasok sa Pwesto nila ng Milktea.
"Osha, maupo ka nalang muna dian. Ibibili kita ng Kwek-kwek. Diba yun ang gusto mong Bilhin kanina?" Sabi ni Ate Daisy habang pinapa-upo ako dito sa Bangkuan.
"O'Opo. T'Tyaka Fish Ball po. Salamat po." Sabi ko.
"Basta magpahinga ka lang. Wag mo munang isipin yung Babaeng nanakit sayo. Uhm, Mayeth. Lea. Kayo na munang bahala kay Desiree. May bibilhin lang ako dun sa Tapat. Ibigay nyo yung Gusto nya." Sabi ni Ate Daisy.
Sumagot yung Dalawang Babae na Tindera dito ng..."Opo Ate. Kami na pong bahala.".
Umatras na si Ate Daisy.
Naglakad na sya palabas dito sa Pwesto.
Sinusundan ko lang sya ng tingin tapos iniisip ko kung bakit hindi ko manlang sya namukhaan agad kahit nung Unang Beses palang naming nagkita.
Si Kuya Felix kase agad ang napansin ko kaya siguro hindi ko na pinansin yung patungkol kay Ate Daisy.Hindi ko na pinansin yung pananakit nya saken Noon nung College sya at si Kuya Adam pa ang Boyfriend nya.
"Hmm." Huni ko.
"Uhm, Desiree? Ilang taon ka na ba?" Masayang tanong ni Ate Mayeth.
Nilingon ko sila ni Ate Lea.
Nahihiya ako at napansin nila yun kaya sabi ni Ate Lea saken e..."Wag kang mahihiya samen. Hehe. Mababait naman kame e.""Ah. S'Sige po. Hehe. Nahihiya po akong sumagot kase hindi ko po maalala kung ilan Taon na po ako." Sabi ko.
Nalungkot silang Parehas.
Mukhang mababait ang mga tauhan nila Ate Daisy at Kuya Felix.
Kahit si Ate Greta dun sa Bahay e mabait din.
Kaya siguro bumait na din silang Dalawa.Napapaligiran sila ng mga ganitong Klaseng Tao.
"Nakakalungkot naman." Sabi ni Ate Mayeth.
"Oo nga Desiree. Pano nyan, pano pag hinahanap kana pala ngayon ng mga Magulang mo. Mag i isang Linggo mahigit ka ng nawawala sa Tabi nila." Sabi ni Lea.
BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
RomansaR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...