Galit ng mga Dela Fuente

1.3K 17 1
                                    

*HellInMansion*

Part4

Moriah*
POV

Umiiyak tuloy ang Lola Maria ko habang yakap-yakap nya ko tapos nakatingin kameng Dalawa kila Don Damian, Donya Agatha at Kuya Adam na nakasimangot naman samen.

Yumuko ako saka pumikit habang humahagulgol ako ng iyak.

"Tigilan nyo na yan. Bumalik na kayong mag Lola dun sa Likod Bahay." Sabi ni Don Damian.

"Hindi Damian!! Hindi sila Babalik dun! Dapat tapusin na naten yang Batang yan! Hindi na dapat pinapalaki at inaalagaan yang Kriminal na yan! Hindi ako papayag hangga't hindi nabibigyan ng Hustisya ang Bunso kong si Faith!" Sigaw ni Donya Agatha.

"Wag kang mag-alala... Hinihintay ko lang na dumating sa Tamang Edad si Moriah at ipakukulong naten sya." Sabi ni Don Damian na nagpalamig sa buong Katawan ko.

Nag-iiiyak ako habang yakap-yakap ng mahigpit tong Lola Maria ko.

"A'Ayaw ko pong makulong Lola!" Iyak ko.

"Maawa Ho kayo Don Damian. Wala naman Ho kayong ebidensya na si Moriah ang may Gawa nun kay Faith. Nakikiusap Ho ako. Wag nyong gawin sa Apo ko yun. Wag nyong ipakulong ang Apo ko." Iyak ni Lola.

"Kumilos na kayong mag Lola... Bumalik na kayo sa Likod Mansion at wag na wag kayong magtatangkang Tumakas dito sa Poder ko dahil kahit magtago kayo gagawa ako ng paraan para mahanap kayong Lahat!" Sabi ni Don Damian.

Napakasakit nitong nangyayare samin.
Bakit kailangan nilang idiin saken yung Bagay na hindi ko naman talaga ginawa.

"Kilos na!!" Sigaw ni Don Damian.

Inakay na ko ni Lola Maria tapos lumabas kame dito sa Kwarto ni Faith.

*
Pagbalik namin dito sa Bahay.

Sinalubong ako ng yakap ni Ate Marie habang umiiyak kame nila Lola Maria.

"Bakit nangyayare saten to mga Apo. Bakit nila pinagbibintangan si Moriah... Hindi ako makapaniwala na gaganituhin nila tayo." Iyak ni Lola.

"Moriah! Magpakatatag ka ha? Makaka-alis din tayo sa Impyernong Lugar na to. Wag ka ng Umiyak. Hihingi ako ng tulong Bukas pag papasok na ko sa Eskwelahan. Sa ngayon hindi kase ko makakalabas at ayaw ng mga Guwardya. Utos raw ng Don at Donya yun." Iyak ni Ate Marie.

"Ate. Ayokong makulong." Iyak ko.

Niyakap ako ni Ate ng mahigpit.
Nilapitan na din ako ni Lola Maria tapos pinilit ni Marvin na makabangon sa kinahihigaan nya para mayakap din ako.

Napakahirap ng sitwasyon naming ganito.
Buti pa si Ate Miriam naka-alis na dito tyaka Sana manlang naisama nya si Marvin na may Sakit na nga ngayon.
Naaawa din ako sa Sitwasyon ng Bunso naming Kapatid kase palala ng palala yung pagpayat ni Marvin na pati yung pagkilos nya hindi na nya magawa.
Hirap na hirap na itong Kumain at Dumumi mag-isa.

Kaya sana.
Sana naisama ito ni Ate Miriam kesa madamay pa ito sa Galit ng mga Dela Fuente saken.

"Hihingi ako ng tulong sa kakilala ko. Bukas na bukas. Sana lang talaga magawan yun ng paraan." Iyak ni Ate.

"Sana nga Apo. Kailangan nating iligtas si Moriah kase baka kung ano ng gawin ni Señorito Adam sa kanya." Iyak ni Lola Maria.

Grabe tuloy ang panginginig nitong Katawan ko sa takot na baka mamatay na ko sa susunod na pagtangkaan ulit ako ni Kuya Adam.

**
Napakasakit nito para saken.

Hindi na kase ko nakapag-aral dahil hininto na ni Don Damian yung pagtulong nya saken.

Hell in Mansion (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon