*HellInMansion*
Part28
Adam*
POV
Pagkababa ng Tawagan namin ni Moriah.
Si Edison naman ang tinawagan ko.
"Hmm." Huni ko habang naghihintay sa Sagot ng Kapatid ko.
Matagal itong sumagot hanggang sa natapos yung Tawag kaya inulit ko ulit ang pag Dial dito.
'Kuya?' Sabi nya.
"Hello, Ed... Nagpunta raw si Jane sa Maynila. Dun sa Bahay ni Moriah. Hmp. Sabi e Buntis raw sya at saken yon? Pambihira naman Edison, pagsabihan mo nga yung Kaibigan mo. Baka mainis nya ko ah. Nananahimik si Moriah bakit ginugulo nya." Sabi ko.
'Relax Kuya. Grabe naman. Nakakabigla ah. Hindi ko alam na nandito sa Pinas si Jane. Wala namang nababanggit si Jake saken. Well, ako na bahala kay Jane. Wag ka ng magpa Stress.' Sabi nya.
"Hmp. Ge. Sabihan mo yun ah. Ayokong baka bulabugin nanaman nya si Ria. Ay nako Ed. Lagot sya saken pag ganun na ginugulo nya yung Taong hindi naman sya inaano." Sabi ko.
'Oo na. Sige ako na bahala. Nasa Byahe din ako ngayon. Papunta ko kay Jake e. Nagka-ayaan yung Barkada. Ayaw mo bang sumama para naman makilala mo si Jake? Mabait yun. May pagka Gago lang pero promise Kuya Mabait si Jake.' Sabi nya.
"Wala akong panahon makipagkaibigan sa nanakit kay Moriah. Sige na. Mag-iingat ka sa Byahe. Baka naman yang Jake na yan e kinukuntsaba si Jane para guluhin kami ni Moriah. Mananagot saken yung Kaibigan mong yun pag nalaman kong Tandem sila." Sabi ko.
'Hehe. Si Kuya naman. Pero, sa totoo lang. Hindi Close sila Jake at Jane. I don't know why. Basta lagi silang magka-away. Kaya feeling ko walang alam si Jake sa kagaguhan ng Kapatid nya. Hmm. Hays. Osha. Bye na nga. Mahirap makipag-usap ng nagmamaneho.' Sabi nya.
"Sige na... Bye. Tsk." Sabi ko at binaba ko na tong Tawag.
Napabuntong hininga ako sa inis habang iniisip kung bakit nandito si Jane sa Pilipinas.
Tyaka anong sinasabi nyang Buntis sya.
Bakit gumagawa sya ng Istorya tapos bakit ginugulo nya ko.
"Hays. Jane, nakakainis ka naman talaga Oo." Bulong ko.
Nagpatuloy na nga ko sa ginagawa ko.
May mga pinapakitang Papeles saken yung Assistant ko tapos pinipirmahan ko lang pagkatapos basahin.
Halos araw araw ganito ang Trabaho ko.
Naka-upo at kung anu-ano ang binabantayan at pinipirmahan.
Lagi kong Hiling na sana Sabado at Linggo nalang Lagi.
Para *Hayahay Ang Buhay*.
*
Kinagabihan
Inayos ko na nga tong mga Gamit ko para maka-uwi at makapagpahinga na ko.
Excited na kong makita si Moriah bukas.
*
Pagdating dito sa Mansion.
Gumarahe lang ako pagkatapos bumaba na dito sa Kotse dala-dala tong Bag na may Laptop tyaka isang Black Folder na ipapakita ko kay Daddy.
"Hmm." Huni ko ng makita ang isang Pulang Kotse na bago lang sa Paningin ko.
Nakita ko yung isang Kasambahay kaya tinawag ko sya't agad naman syang Lumapit patakbo saken.
"Good evening... Kaninong Kotse yun? Yung Red." Sabi ko.
"Magandang Gabi din po Señorito. Sa Bisita Ho ninyo yung Kotse na yun." Sabi nito.
"Bisita ko? Halos kadarating ko lang ngayon tyaka wala akong ineexpect na Bisita ngayong Gabi ah." Sabi ko.
"Ay, bali Babae Ho kasi yung may-ari nun. Tapos kayo raw po ang pinunta nya dito. Pinatuloy na Ho sya ng Don kase kanina pa po sya natatawag sa Gate." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
RomanceR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...
