*HellInMansion*
Part16
Moriah*
POVHindi na nakasagot si Kuya Adam.
Lumuluha lang ito habang nakatingin saken.
Pagpasok nila Lola Maria, Ate Marie at Marvin inasikaso na nila yung mga ginamit namen sa Ospital.Tinitigan ko lang si Kuya Adam na malungkot at tahimik nalang na umiiyak ngayon.
"Maupo ka." Sabi ko.
Naupo sya sa Bangkuan ganun din ako tapos parehas na kaming kumakalma ngayon habang pinapanood sila Lola, Ate at Marvin.
"Sorry ulit Moriah." Sabi ni Kuya Adam.
"Tamana, masaya na po ako na tinutulungan nyo ang Pamilya ko. Salamat." Sabi ko.
"Salamat din kase kinakausap mo na ko. Salamat kung hindi mo na ko ipapakulong." Sabi nito.
Yumuko nalang ako saka tumingin dito sa magkabilang Hita ko.
"Mag-iingat ka palagi Moriah." Sabi nito.
"Kayo din po." Sabi ko.
"Uhm, bali sa America ako magpupunta. Siguro mga ilang Taon muna kong magbabakasyon dun." Sabi nito.
Tinignan ko si Kuya Adam na nakayuko na ngayon at nakatingin sa mga Sapatos nya.
"Maganda po yun. Parehas tayong matatahimik." Sabi ko.
Umiyak nanaman sya.
Ako nakatingin lang sa kanya at kinokontrol na tong Lungkot na nararamdaman ko.Ayokong Umiyak.
Ayokong makita nyang Malungkot ako kase Aalis sya."S'Sorry ulit." Sabi nito at tinignan na nya ko.
Tumango-tango lang ako sa kanya tapos hinawakan na nya tong mga Kamay ko saka hinalikan.
Nakaramdam ako ng paghigpit dito sa Dibdib ko.
Gusto kong humagulgol pero Hindi ko magawa.Seryoso lang Ako habang sya Umaagos ang Luha sa mga Mata nya.
Pareho kaming nakatingin sa Mata ng isa't isa.Makalipas ang ilang Minuto
Binitawan na nya tong mga Kamay ko tapos dun na kami tumingin kila Lola.
"Ayan, tapos na tong inaayos namin. Maiwan na muna namin kayong Dalawa dito. Mamamalengke lang kame nila Marie at Marvin." Sabi ni Lola Maria.
"Sige po Lola." Sabi ko.
Naglakad na silang Tatlo palabas dito sa Bahay.
Sinusundan ko lang ng tingin sila Lola, Ate at Marvin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.Palayo na silang Tatlo.
"Hmm." Huni ko.
"Moriah, may itatanong ako?" Sabi ni Kuya Adam.
Nilingon ko agad sya na dito sa Kanan banda ko nakapwesto ng Upo.
"Ano po yun." Sabi ko.
"Uhm, pag ba may nanligaw sayo. Sasagutin mo? I mean... Papasok ka ba sa Relasyon?" Sabi nito.
Nakakapagtaka naman ang Tanong nito tyaka bakit nya natanong ang Bagay na yun.
"D'Depende po siguro sa Lalaking makikilala ko. Pero, ang una kong gagawin muna kase e magtatrabaho po. Saka na yang relarelasyon na yan. Bakit nyo po naitanong?" Sabi ko.
Bakit namumula yata ang magkabilang Pisngi ni Kuya Adam tapos napapalaro sya sa magkabilang Daliri nya sa Kamay na hindi manlang ako tinitignan.
"Kuya Adam? B'Bakit po ba namumula kayo." Mahinahon na sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/254827290-288-k501778.jpg)
BINABASA MO ANG
Hell in Mansion (COMPLETE)
RomanceR🔞 Sa Edad na Tatlong Taon gulang (3YearsOld) natuto ng magtrabaho ni Moriah sa Mansion ng mga Dela Fuente. Dela Fuente ang pinaka Mayaman sa kanilang Lugar. Dela Fuente ang pinaka Masasamang Tao at Dela Fuente ang mga kinatatakutan sa kanilang Lug...