Malamig

900 15 1
                                    

*HellInMansion*

Part17

Moriah*
POV

Pagdating ng araw na hinihintay namin.
Lunes na at ipapakilala na kame ni Kuya Adam sa Doctor na kakilala nya para mapagamot na si Marvin.

"Sisimulan na po naten ang Xray ni Marvin." Sabi ng Babaeng Doctor.

Sya si Doc Nora Dela Cruz. 42 Years Old at kaibigan nya si Kuya Adam tapos mukhang Mabait naman tong Doctor base sa pananalita at kilos nya.

Nandito kame ngayon nila Lola Maria, Ate Marie, Marvin at Kuya Adam sa Clinic ni Doc Nora.
Sinisimulan na nilang asikasuhin si Marvin.
Naka-upo lang kame nila Lola, Ate at Kuya Adam dito sa isang Gilid habang hinihintay sila Marvin at yung Doctor na lumabas sa pinasukan nilang Kwarto.

"Maraming salamat Señorito Adam. Salamat Ho at gagaling na ang Apo kong si Marvin." Sabi ni Lola.

"Walang anuman po Aling Maria... Basta alam nyo na po kung paano magpupunta dito. Wag nyo nang intindihin ang Gastusin kase sagutin ko na si Nora. Ako ng bahala basta magpupunta kayo at sya na ang Bahala kay Marvin." Sabi ni Kuya Adam.

Tumango-tango si Lola Maria.
Tahimik lang akong nakikinig sa Usapan nila ngayon na Aalis na si Kuya Adam sa Sabado.

Ilang Araw nalang.
Hindi na kame magkakilala.

"Excited na po akong umalis. Tyaka may naghihintay saken dun. Bali, may nakakachat na ko na pwede kong maging Tour Guide pagpunta ko dun." Sabi ni Kuya Adam.

"Nakakatuwa naman Ho at baka dun kayo makakilala ng mapapangasawa nyo." Sabi ni Lola.

Ngumiti si Kuya Adam.
Mukhang Masaya sya sa sinabi ni Lola Maria.
Tahimik lang kami ni Ate Marie habang nakikinig sa Usapan ng Dalawa.

"Sana nga po dun ko makilala yung Babaeng mapapangasawa ko. Depende din pala kung makakasundo ko yung nakakachat ko or baka nga iba pa pala talaga yung makikilala ko." Sabi ni Kuya Adam.

"Mukhang pagbalik nyo Ho dito sa Pinas ay may Asawa na siguro kayo Señorito. Maganda ang Bunga na maibibigay mo sa magiging Asawa mo. Maswerte yung Babaeng yun." Sabi ni Lola.

Bakas sa Reaksyon ni Kuya Adam ang Tuwa at Saya.
Mukhang hindi na ito makapaghintay na makarating sa America at makilala ang Babaeng mapapangasawa nya.

Makalipas ang ilang Minuto

Lumabas na sa Kwarto yung Doctor at si Marvin.
Tinawag na kame nung Doctor tapos si Lola, Ate at Kuya Adam ang nakipag-usap sa kanya.

Wala naman kase kong alam sa nangyayare kay Marvin kaya nagpaiwan na ko dito sa Labas.

"Hays." Bulong ko.

Hihintayin ko nalang sila dito hanggang sa matapos na yung mga kailangan nilang pag-usapan.

*
Maganda ang Balitang sinabi ng Doctor.

May mga kailangan palang inumin si Marvin na Gamot para sa Buto tapos ay kailangan din nyang mai Confine.

"Sa ngayon pag-isipan muna nating maigi kung kelan natin pwedeng ipa Confine si Marvin. Mahirap kung ngayon kase nagpapahinga pa si Moriah tapos e nagtuturo si Marie sa Batanggas. Ako naman e inaayos pa yung nasa Tindahan. Paano naten mababantayan si Marvin sa Ospital lalo't dito pa sya dapat maconfine sa Maynila." Sabi ni Lola.

"Uhm, excuse me Aling Maria... Bali pag naconfine naman po si Marvin e my magbabantay naman po sa kanya sa Ospital. Sinabihan ko na si Nora tungkol dun." Sabi ni Kuya Adam.

Nagtinginan kaming Lahat kay Kuya Adam.

"Señorito Adam. Maraming maraming salamat po sa Tulong nyo. Hayaan nyo Ho at pag-iisipan namin maigi ang tungkol sa pag Confine ni Marvin." Sabi ni Lola.

Hell in Mansion (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon