Wakas

1.6K 33 5
                                    

*HellInMansion*

Part40
SPG
F I N A L E

Moriah*
POV

Naluluha akong isa-isa tinitignan yung mga Letrang hawak-hawak nila kasama pa ang ibang Staff sa Kainang to.

Si Kuya Adam lang tong nakaluhod at may Hawak na Puting Box tapos may Makinang yun na Laman.

Lumuluha sya ganun din ako habang nakatingin kaming dalawa sa Mata ng isa't isa.

"W'Wow." Iyak ko.

W I L L  Y O U  M A R R Y  M E  M O R I A H

Yan ang salitang nabasa ko sa Letra na hawak nila.
Nagsimula na kong mag-iiiyak.
Hindi sa Lungkot kundi naiiyak sa sobrang Tuwa at Saya.

"Hi Mahal. Matagal ko nang pinagpaplanuhan tong ganito kaso nga tuwing aayain kita na magpunta tayo sa ganitong Lugar ayaw mo... Salamat kase sumama ka na saken ngayon at eto na, nagawa ko na tong Plano ko na Alukin ka... Ria, maraming maraming salamat kase pinatawad mo ko. Salamat kase hinayaan mo kong Mahalin ka. Sobrang Mahal na mahal kita Moriah. Mahal, Will you marry me?" Iyak ni Kuya Adam.

Hindi ako makasagot kaya tumango-tango ako habang Umiiyak, ayan at tumayo na sya sa pagkakaluhod nya at dali-dali na nya kong nilapitan saka hinawakan sa magkabilang Pisngi tapos sinunggaban ng Madiin na Halik sa Labi.

"Oh god i love you so much Moriah." Iyak nito.

"I love you too." Iyak ko.

Niyakap nya ko saka hinalikan sa Noo.
Nangiti na ko at ginantihan na din sya ng mahigpit na yakap.

*
Sobrang saya ni Marvin sa Balita na sinabi ko sa kanya ngayon.

"Congrats Ate!" Iyak ni Marvin.

Para itong Batang inagawan ng Candy.
Nakangiti akong niyakap sya ng mahigpit ganun din si Kuya Adam.

Nagyayakapan kaming Tatlo dito sa Sala ng Apartment naming magkapatid.

"Hmm. Ang saya-saya ko. Excited na kong maging Mrs. Dela Fuente." Sabi ko.

"Excited na din akong maging Misis ka. Mas excited na din akong mag ka Baby na tayo." Sabi ni Kuya Adam.

Nakangiti kaming pareho habang kayakap si Marvin.
Sobrang saya na eto at malapit na kaming maging Isa.

**
Kaya Makalipas ang isang Taon.

Ginanap ang Kasal namin ni Kuya Adam.
Masaya ako at nandito lahat ng mga Mahal namin sa Buhay.

Nakasuporta sila Don Damian na Daddy na ang tawag ko ngayon at si Bro Edison.
Nakakatuwa lang na may Date si Marvin.
Masaya akong naging si Thalia at Marvin tapos nagpropose na din ang Kapatid ko sa Girlfriend nya na sinagot naman sya ng "Oo."

"Jusko. Eto na yun." Bulong ko habang naglalakad palapit kay Kuya Adam na lumuluha pero nakangiti habang pinagmamasdan nya ko.

Ngumiti na din ako sa kanya.
Naka-alalay sya sakin at agad nya kong hinawakan sa Kanang kamay ko.

"Halika na Mahal ko. Gusto na kitang maging Misis." Sabi nito.

"Tara na... Gusto na din kitang maging Mister." Sabi ko.

Natawa sya na may halong Kilig.
Masaya kaming umakyat sa Altar na to habang nakahanda na ang Pari para sa gaganaping seremonya.

"Sisimulan na natin ang Seremonya." Sabi ng Pari.

Nagtinginan kami ni Kuya Adam habang nagsasalita itong Pari.

Nakangiti kaming parehas hanggang sa paluhurin na kami at magpatuloy pa ang seremonya ng Kasalang ito.

Hell in Mansion (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon