Mabuhay!

798 8 2
                                    

*HellInMansion*

Part19

Moriah*
POV

Nang tawagin ako ni Marvin iniwan ko nang nakatayo si Kuya Ken sa Labas nitong Apartment.
Dali-dali kong nilapitan ang Kapatid kong nag-iiiyak nanaman dahil sa Namimiss na nya si Lola Maria.

"Marvin, tamana. Halika na kase baka mahuli ka pa sa Eskwela." Sabi ko.

Buti at may pampa-aral pa ko kay Marvin.
Galing ang Perang yun kay Kuya Adam na naitabi ni Lola Maria na Tinubo ng Tindahan.
Maganda at nagamit ko naman yun sa Mabuti gaya ng Pangkain namen at pambili sa mga Kailangan namin gaya ng Sabon Panligo, Toothbrush, Toothpaste, Shampoo, Sabon Panlaba tyaka ng pambili ko ng Napkin bilang Babae ako.

"Hays. Marvin, bilisan mo nang maglakad. Malapit na tayo sa Eskwelahan. Mag-aral kang mabuti ah? Magtatrabaho si Ate at susunduin ka mamayang Alas Singko." Sabi ko.

Naglalakad na kame ni Marvin papunta sa Eskwelahan nya ngayon.
Pinagtitinginan ito ng mga Kapwa nya Estudyante na nakakasabayan namin sa paglalakad.
Hindi na ko magtataka at may Itsura kase ang Kapatid kong si Marvin.
Sa madaling Salita ay Gwapo ang Kapatid ko saka Lapitin ng mga Babae at Binabae.

Pero ayaw nya sa Kanila.
Natatakot sya kaya puro Lalake lang talaga ang Kaibigan nya.

"Ate, ayan nanaman sila. Siguro pinag-uusapan nila ko?" Sabi ni Marvin.

"Wag kang matakot... May mga Gusto kase sila sayo kaya ganyan. Basta yung sinasabi ko ah. Mag-aral kang maigi." Sabi ko.

Ayan at malapit na kame sa Gate ng Eskwelahan.
Inakay ko na agad si Marvin tapos dire-diretso lang sya ng Lakad papasok.

Kitang-kita ko yung mga Babaeng nakatingin sa kanya tapos para bang mga Kinikilig.
Ayaw ni Marvin ng ganyang klase ng Tao sa paligid nya kaya nakayuko lang sya palagi.

"Hays." Bulong ko.

Umatras na ko saka naglakad pabalik na sa Apartment.
Kailangan kong Maligo at magbihis saka maghahanap ng Trabaho dito sa Maynila.

Tama.
Nandito na kame ni Marvin ngayon sa Maynila.
Umalis kame sa Batanggas kase iniwan na namen si Ate Marie na Putak ng putak at panay ang pagsumbat saming mga Kapatid nya.

"Jusko, buhay. Lola, lagi nyo po kaming babantayan ni Marvin. Sana po makakita ako ng Trabaho." Bulong ko.

*
Pagdating dito sa Apartment.
Naligo na ko saka nagbihis.

Lumabas dito sa Apartment at sumakay ng Trycicle.
Pagdating sa Kanto nag Jeep naman ako.

Bumyahe.

Hanggang sa makarating na dito sa Lugar na Matao.
Palakad lakad ako habang hawak-hawak itong Bio Data na laging kinakailangan sa pag a apply sa Trabaho.

"Jusko,saan ako magsisimula nito." Bulong ko.

Palingon lingon ako sa Paligid.
May nakita akong nagtitinda ng Fishball.
Nakaramdam ako ng Gutom kaya nilapitan ko na yun.

"Pabili Ho ako ng Sampung Piso ng Fishball." Sabi ko.

Tumango-tango itong Matandang Lalake tapos sinimulan na nya kong tuhugan ng binibili ko.

"Hmm." Huni ko habang tinitignan tong mga bumibili.

Karamihan ng bumibili dito Puro Lalake.
Nakaka ilang sila kung makatingin saken at mga mukhang Manyakis pa ang mga ito.

"Hays. Buhay." Bulong ko.

"Eto Hija oh." Sabi ng Matandang Lalake habang inaabot nya saken tong binili ko sa kanya.

Hell in Mansion (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon