CHAPTER 26
Khianna Haiden’s Point of ViewLahat sila ay nakaalalay lang sa akin. Lahat sila ay tinutulungan ako at kulang na nga lang ikain na lang nila ako para wala akong gawin. Masaya ako dahil sa ginagawa nila.
Nakakalungkot lang kasi wala akong magawa. Kahit nga maglakad lang ako ay halos buhatin na nila ako sa kaaalalay nila. Wala akong magawa para sa kanila. Hindi ko sila mapasaya. Kasi ako mismo sa sarili ko ay sumuko na.
Ngayon ay nandito ako sa garden at nagpapahangin. Tumitingin sa mga bulaklak at nagliliparang paro-paro. Hindi ko kasi alam baka ito na ang huli kong makikita ang garden na ito. Tatlong linggo na lang at aalis na ako kaya sinusulit ko na talaga. Gusto kong maging masaya kapag umalis ako at gusto kong matanggap nila nang bukal sa puso nila na lilisanin ko na ang mundo.
Alam kong salungat sila sa desisyon ko. Alam kong gusto nilang sabihin sa akin na lumaban pa ako pero hindi ko na kaya. Kung ano man ang kahahantungan ng desisyon ko ay iyon na iyon. Sumuko na ako. Masyado akong nasaktan ng taong hindi ko aakalaing sasaktan din. Akala ko siya na. Akala ko magiging masaya ako sa piling niya pero akala ko lang pala.
“Khia.”
Napalingon ako sa aking likod at doon ay nakita ko si Zhane. Wala akong makita ni isang emosyon sa kaniyang mga mata.
“Z-Zhane.”
“Yeah, it’s me,” aniya at lumapit sa direksiyon ko.
“Ah, sige. Aalis na ako.”
“Wait, Khia!” tawag niya nang akmang aalis na ako. Nilingon ko siya at nagtatakang tinignan.
Hindi ko na siya kayang tignan ng matagal kaya ako na rin ang kusang umiwas ng tingin. Kapag tinitigan ko siya ay feeling ko anytime ay tutulo na lang bigla ang luha ko. Hindi ko alam, halos gabi-gabi na lang akong umiiyak pero hindi pa rin maubos ang luha ko.
“Bakit?”
Mula nang maghiwalay kaming dalawa ay hindi na kami nag-usap pa. Palagi ko siyang nakikita rito sa school at kasama niya si Callie. Inaamin ko na maganda si Callie at halatang mayaman ito kaya hindi ko rin masisisi si Zhane kung bakit mas pinili niya si Callie kaysa sa akin. Simple lang ako at mahirap, walang-wala ako kompara kay Callie. Bagay naman sila. Minsan nga ay nakikita ko pang nakangiti siya kay Callie. Nakangiti siya habang ako ay nasasaktan na nakatingin sa kanilang dalawa.
“Puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya.
“Sige. Ano bang pag-uusapan natin?”
“I just want to say sorry,” aniya at yumuko. Tumawa ako ng mahina.
“Bakit ka naman nagso-sorry?”
“Because I hurt you. I’m sorry for breaking up with you and I’m sorry for breaking my promises,” saad niya at inangat na ang ulo. Nagbabadya na naman ang mga luha ko ngunit pinipigilan ko ito.
“Itis okay, Zhane. Sabi ko naman kasi sa iyo na promises are meant to be broken, huwag kang mangako dahil alam kong iyan ay mapapako.”
“Nagu-guilty ako, Khia. Sana mapatawad mo ako. Hindi ko kasi napigilan ang nararamdaman ko sa kaniya. Akala ko kasi nakalimutan ko na siya, iyon pala ay hindi pa. Akala ko ikaw na pero hindi. Siya pa rin talaga,” aniya.
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Teen FictionA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...