CHAPTER 3
Khianna Haiden’s Point of View“Kuya, dali na kasi. Masarap dito promise. Nakakainis ka na! Sinamahan mo nga ako pero hindi mo naman sinusunod ang mga gusto ko. Nakakainis kana, Kuya!”
Habang naglilinis ako ng isang table ay pumasok ang isang babae at isang lalaki. Pinipilit ng babae iyong lalaki na maupo sa bangko, nagtutulakan pa silang dalawa. Ang cute noong babae habang hinihila niya ang kuya niya, nakakatuwa silang pagmasdan. Sana nagkaroon din ako ng kapatid bago man lang nawala sila Mama at Papa.
“Dhaxine!”
“Kuya!”
“Tsk. Let's get out of this place. Go find another restaurant. I don’t want to eat with this kind of restaurant. It’s cheap.”
“Ano ba, Kuya? Para kang batang maarte, I promise you, Kuya, you’ll love the foods here. Matagal na akong kumakain dito. Kapag natikman mo ang luto nila rito ay makakalimutan mo ang pangalan mo at sinisigurado ko sa iyong lulutang ka sa alapaap.”
“What the heck, Dhaxine? Lulutang sa alapaap? Are you crazy? Let’s get out of this place, I'm suck!”
“Oh, come on. Just give it a try. Please, kapag hindi mo magustuhan ay hindi kita kukulitin ng tatlong araw. 3 days lang kasi baka magkasakit ako kapag hindi kita nakulit.”
“Crazy little bratt. Tsk, fine. Pero kapag hindi ko nagustuhan ay tutuparin mo ang pangako mo? Deal?”
***
Dalton Zhane’s Point of View
“Crazy little bratt. Tsk, fine, pero kapag hindi ko nagustuhan ay tutuparin mo ang pangako mo? Deal?”
“Yehhheeeyyyy! Deal na deal, Kuya.”
Sh*t naman kasi. Bakit ba kasi ako nagkaroon ng kapatid na ganito ang ugali? Napaka-isip bata. Pahirap naman. Ang sarap niyang itapon sa kanal. Kanino ba nagmana ang isang ito at ganito kakulit? Hindi naman makulit si Mom at lalong si Dad dahil seryoso lang palagi ang isang iyon.
“Kuya, you look like ewan diyan. Can you please smile naman kahit maliit lang? Just pretend na masaya kang kasama ako, please? Can you do that, Kuya?”
“Dhaxine Zhai Laxamana. Shut up, I’m trying not to shout at you so shut it up, Dhaxine.”
“Why? Any problem, Dalton Zhane Laxamana? Ayaw mo ba talaga akong makasama, Kuya? You really hate me so much? Nakaka-hurt ang sinabi mo, isusumbong kita kay Daddy mamaya.”
Tinignan ko lang siya ng masama kaya nag-peace sign siya. Tsk, hindi talaga nito natatablan ang kasungitan ko. Ni hindi man lang siya natakot sa akin. Ano ang klaseng nakababatang kapatid ito?
Hindi naniniwala sa kuya niya at palagi rin akong pinagtitripan ng batang ito. Madalas ay asar-talo ako at tuwang-tuwa siya kapag nakikita ang expression kong sobrang dilim. Baliktad yata ang utak ng kapatid ko.
“Umorder ka na nga. Dami mo pang satsat diyan.”
“Hehehe. Okay, Kuya. Waitress!”
“Yes po, Ma’am?”
Napalingon ako sa waitress na tinawag ni Dhaxine and bakit ang ganda niya? Anghel ba siya na nahulog sa lupa? Kailan pa ito nahulog? Bakit ngayon ko lang nakita? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Si San Pedro ba ang nagpadala sa kaniya rito? Ang ganda!
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Teen FictionA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...