CHAPTER 9
Dalton Zhane’s Point of View“Uyy, balita ko may bagong chix daw,” sabi ni Brent habang nilalaro-laro ang bola ng basketball at nakaupo sa isang sofa. Agad akong napatingin sa kaniya.
“Oo nga at maganda raw,” dagdag naman ni Hanz habang nguya nang nguya dahil sa kinakain niyang hamburger. May hawak din siyang fries sa kabilang kamay.
“Sexy din, mga p’re. Nakita ko siya kanina sa main gate. Blue jeans at white fitted shirt lang ang suot niya pero kitang-kita ang curves,” sabat naman ni Raven na busy sa paglalaro ng phone niya. Hindi ito nakatingin sa amin dahil focus lang talaga sa phone ang paningin niya. Adik talaga nito sa paglalaro ng online games.
Alam na kaagad nila ang tungkol sa transferee? Balita nga naman, sobrang bilis animo ay isang hangin. At kapag magaganda ay talagang pag-uusapan ng buong campus.
“Ano ang itsura niya, Rave?” tanong ni Hanz.
“Well, maputi siya, kutis mayaman, medyo wavy ang bwonish hair niya na hanggang balakang and sobrang sexy niya talaga,” sagot ni Raven na hindi maitatago ang pagkamangha sa boses habang nagkukuwento.
“What about her face, bro?” tanong naman ni Brent at lumapit pa talaga sa puwesto ni Raven para lang malaman ang mukha ng transferee na iyon.
“Thick eyelashes, perfect shape of nose, rosy cheeks, brown eyeballs and kissable lips,” sagot ni Raven.
“Woah, she's mine na!” pagde-declare ni Hanz na agad namang inangalan ni Brent at Raven.
“Teka lang, mga p’re. Sa akin na lang siya,” sabi ni Brent.
“Ako unang nakakita sa kaniya,” angal naman ni Raven.
F*ck. I know si Khia ang pinag-uusapan nila. Bakit ba parang gusto ko silang sakalin ngayon dahil sa mga pinagsasabi nila? Hindi puwede si Khia. Teka? Bakit nga ba hindi puwede si Khia? Ano bang pakialam ko? Ano namang kinalaman ko kay Khia? Kaibigan lang naman siya ng katapid ko.
“Her name is Khianna.”
Napalingon naman silang tatlo sa sinabi ko at dali-daling nagtumpukan sa harap ko. Para silang mga aso na manghihingi sa akin ng pagkain. Nakangiti na sila na parang tanga. Ano ng problema ng mga ito?
“You know her, bro?” tanong ni Brent na hinawakan ang isa kong kamay kaya napatingin ako roon. Tinabig ko ito nang mahina dahilan kung bakit natanggal sa pagkakahawak sa akin. Sumimangot naman siya ngunit wala akong pakialam. Bakit ba nila tinatanong sa akin si Khia? Ano bang gusto ng mga ito?
“Yeah, she’s a friend of my sister.”
“Damn! Naunahan na tayo ni Dalton, mga p’re,” sabi ni Hanz at parang luging-lugi pa.
“Oo nga, sayang! I like her pa naman,” ungot ni Raven.
“Nahh, she’s not my type.”
Bakit parang hindi ako nasiyahan sa sinabi ko? Parang may mali sa sinabi ko. Hindi ko gusto ang sinabi ko.
“Oh, nice. Well, paunahan na lang kay Khianna,” sabi ni Brent habang nakangisi. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Mukha bang laruan si Khia sa kanila. Kung sapakin ko kaya sila?
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Fiksi RemajaA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...