CHAPTER 28
Dalton Zhane’s Point of View
Tahimik lang akong kumakain dito sa cafeteria. Wala akong pakialam sa paligid ko kahit nagdadaldalan ang mga kaibigan ko. Simula nang magkahiwalay kaming dalawa ay ganito na ako. Wala rin namang magbabago kung makipagdaldalan ako sa kanila. Ganoon pa rin, hiwalay pa rin kaming dalawa.
“Laxamana!”
May sumigaw ng apelyido ko kaya napalingon ako at saktong lingon ko ay kamao ni Magno ang tumama sa mukha ko kaya napasubsob ako sa sahig. Tang*na! G*go ba ito?
“F*ck! What the heck!? What the f*ck was that for, Magno?”
“Tang*na ka, Laxamana! Tang*na ka talaga!” sigaw niya at pilit na kumakawala sa kapit ni Raven at Brent. Hindi ko alam kung para saan ang galit niya sa akin.
“Tang*na ka rin! Ano bang problema mong hayop ka!?”
“Bakit kailangan mong pahirapan ng ganoon si Khianna? Bakit mo iyon ginawa? Bakit mo siya sinaktan? Bakit mo ipinagpalit si Khianna? Bakit mo pa siya minahal kung sasaktan mo lang din naman siya? Bakit, Laxamana!? Bakit!?” galit niyang tanong.
“Tang*na ka pala! Nakapag-sorry na ako kay Khianna, okay? Ayos na kami. Sa katunayan ay nakapag-usap at nagkaayos na kami noong isang araw pa. Hindi ka yata updated, Magno!”
“F*ck you, Laxamana! F*ck you, man!” mura niya sa akin.
“Manahimik ka nga, Magno! Para kang babae riyan kung makangawa! Hindi mo ba ako narinig? Maayos na kami ni Khianna. Kung gusto mo ay mag-usap ulit kaming dalawa at sumama ka pa. Magso-sorry ulit ako sa kaniya para lang matahimik ka.”
“Tang*na ka pala! Wala na siya! Wala na si Khianna! G*go!” galit niyang saad.
“Paanong wala? Nagkausap pa nga kami noong isang araw, hindi ba?”
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi ni Magno. Ano’ng wala na si Khia?
“Tang*na ka, Laxamana! Wala na si Khianna! Patay na siya! Patay na si Khianna!” aniya.
Ano raw? Did I heard it right? Khianna is dead? N-No! That’s not true! Nagbibiro lang ang Magno na ito. Hindi pa siya patay. Hindi siya puwedeng mamatay.
“What!? Pwede ba, Magno, huwag kang magbiro ng ganiyan dahil hindi ka nakakatuwa.”
“Sana nga ay nagbibiro lang ako pero hindi. Wala na siya, Laxamana! Patay na siya!” mariin niyang sagot.
“W-What? H-How? Nagkausap pa kami noong isang araw at ang lakas-lakas niya pa.”
F*ck. Ewan ko ba pero namamasa na ang mga mata ko. Parang anytime ay luluha na ako. Hindi ito puwedeng mangyari. Hindi siya puwedeng mawala.
“Nang araw na nagkausap kayo ay siya ring araw ng ikinamatay niya. Matapos niyang makipag-usap sa iyo ay nakasalubong ko siya. Umiiyak siya at kasabay ay nawalan siya ng malay. Hindi mo ba alam?” tanong niya.
“H-Hindi alam ang alin?”
“Tang*na ka! Ano’ng klase kang boyfriend noong mga panahong kayo pa? Girlfriend mo siya pero hindi mo alam na may sakit siya?” galit niyang saad.
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Ficção AdolescenteA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...
