Chapter 23

1K 35 1
                                    

CHAPTER 23
Khianna Haiden’s Point of View

“Sigurado ka bang papasok ka sa school, Haide? Baka mapagod ka lang doon. Dito ka na lang at huwag ka na umalis. Baka mapano ka pa roon,” sermon sa akin ni Ate Rill.

Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko talagang pumasok pero ayaw niya naman akong payagan. Hindi naman ako magpapagod sa school.

“Ate Rill, huwag ka na po mag-alala sa akin kasi nandoon naman po ang mga kaibigan ko.”

“Haide, hindi mo kami mapipigilan na mag-alala sa iyo. Please, Haide, dito ka na lang sa bahay,” pilit ni Ate Cole.

“Ate Cole, nabo-bored na po ako rito sa bahay. Wala naman po akong magawa rito sa bahay kaya papasok na lang po ako sa school.”

“Dapat lang na wala kang gawin, Haide, kasi bawal sa iyo ang magpagod,” sabi ni Ate Vann.

Bakit ba ayaw nila akong payagan? Naroon naman ang mga kaibigan ko at for sure ay hindi nila ako papayagan na mapagod.

“Please po, mga ate. 3 weeks na po akong hindi pumapasok. Susulitin ko lang po ang one month ko. Gusto ko rin naman makasama ang mga kaibigan ko sa huling araw ko rito sa mundo.”

Sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin sa akin. Alam ko na nasasaktan na naman sila dahil sa kalagayan ko. Hindi ko na kasi matutupad ang lahat ng pangarap ko sa kanila dahil iiwan ko sila. Hindi ko naman gusto na mangyari ito pero ano ang magagawa ko nangyari na. Ito na kami at hindi na namin mababago na malapit na talaga akong mawala. Hindi ko na rin kasi kaya. Ayaw ko na rin at gusto ko na rin magkasama kami ng mga magulang ko.

“Oh, sige. Papayagan ka na namin pero ipangako mong mag-iingat ka roon, ah. Huwag na huwag kang magpapagod,” sabi ni Ate Dein.

Napangiti na lamang ako habang parang bata na tumatago.

“Yes! Thank you, mga ate. Pangako ko po na hinding-hindi ako magpapagod sa school. Naroon din naman sina Jiji para bantayan ako kung sakali mang atakihin ako sa puso.”

“Siyempre hindi ko rin iyon papayagan.”

Napalingon kaming lahat sa nagsalita at doon ay nakita namin si Gil sa pinto at naka-uniform na. Napangiti na lamang ako nang makita siya. Nag-chat kasi ako sa kaniya kagabi na sunduin ako ngayon at buti na lang ay napapayag ko sina Ate ngayon.

“Jhairrus, ano ang ginagawa mo rito?” tanong ni Ate Jei.

“Katulad n’yo ay ayaw ko rin na magpagod itong si Khianna kaya willing akong maging driver niya araw-araw. Nag-chat din siya kagabi sa akin na sunduin ko raw siya,” sagot ni Gil.

“Ehem. Driver nga lang ba talaga o mas gusto mong higit pa?” natatawang tanong ni Ate Vann.

Napangiti na lang si Gil at parang nahihiya na nagkamot ng batok. Napasimangot na lamang ako dahil hayan na naman sila sa pagbibiro kay Gil.

“Ah, mga ate, aalis na po kami ni Gil. Bye po.”

“Sige, Haide. Mag-iingat ka. Huwag na huwag kang magpapagod. Naku, kapag nagpagod ka lang ay babatukan talaga kita,” sabi ni Ate Rill.

“Opo, Ate Rill.”

***

“Kyaaahhhhhhh, Khianna!”

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon