Chapter 14

814 30 0
                                    

CHAPTER 14
Khianna Haiden’s Point of View

Hays, nakaka-boring magturo si Prof. Palagi na lang sulat nang sulat pero hindi dini-discuss. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi trabaho niya na ituro sa amin kung ano ang mga sinusulat niya sa board. Paano kami matututo nito kung patuloy lang siyang magsusulat sa board? Wala naman, ‘di ba?

Nakita ko pa ang bahagyang paghikab ni Jaja at si Jiji naman papikit-pikit na. Si Gelo ay nakayuko na at hindi nagsusulat. Kahit nga ako ay inaantok na pero pinipilit ko lang imulat ang mga mata ko, kailangan ko kasi itong isulat lalo na kapag finals.

*TOK. TOK. TOK*

Napalingon kaming lahat sa pinto dahil may kumatok and doon ay nakita namin si Zhane na may dalang gitara at may hawak na tatlong blue na tulip. Ngumiti ito sa Prof bago tumingin sa akin.

Ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge ngunit hindi ko na lang ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Ramdam ko rin ang mga mapanuksong tingin ng aking mga kaklase.

“Yes, Mr. Laxamana? What do you need and what are you doing here in my class?” mataray na tanong ni Prof.

“Good morning, Prof. Sorry for disturbing your class. I’ll just serenade someone here and gusto ko lang siyang makita ngayong umaga,” sagot niya na nakatitig sa akin.

Ramdam ko ang lakas ng pagtibok ng aking puso dahil sa mga sinasabi niya ngunit hindi ko na lamang ito pinapansin.

“Aayyyyiiiiiieeeeee.”

Hindi na pinasagot ni Zhane si Prof at pumunta na lang siya sa harapan. Inilagay niya muna ang mga tulip sa lamesa at nag-strum sa gitara. Lahat ay tutok sa ginagawa niya, kahit ang mga kaklase ko kanina na inaantok ay parang biglang nabuhayan ng dugo matapos makita si Zhane na narito sa aming classroom.

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Bakit ba ang ganda-ganda ng boses niya? Lahat kami ay natulala sa kaniya at inaamin kong sobrang galing niya talaga at napahanga niya ako. Sobrang smooth lang ng mga galawan niya, pati ang pa-strum sa gitara. Karamihan sa mga babae rito ay kinikilig na sa boses niya.

Nakisabay na ring kumanta ang kalalakihan sa kaniya samantalang ang mga kababaihan naman ay iwinawagay-way ang mga kamay sa ire.

Pagkatapos niyang kumanta, ngumiti siya sa mga kalalakihan dahil sila ang nagmistulang second voice samantalang ang kababaihan naman ay kani-kaniyang tilian.

Kinuha niya ulit ang mga tulip sa lamesa at lumapit sa akin ng nakangiti. Ang guwapo niya. Wait, what!? Sinabi ko ba talaga iyon?

“3 blue tulip for my one and only anae and that means I love you. Bye, anae ko. See you later. By the way, I want you to call me nampyeon ko.”

Wala na akong nagawa kung hindi kunin ang tulip sa kamay niya. Napangiti naman siya nang malawak at umayos ng tayo pero bago siya umalis ay hinalikan niya muna ako sa pisnge dahilan kung bakit mamula ang buo kong mukha. Nakakahiya. Sa mismong harap pa talaga ng aking mga kaklase. Paniguradong ako na naman ang magiging topic ng kanilang chismisan. Sa totoo lang ay ayaw ko sa mga ganitong bagay. Iyon bang harapang ginawa ang gusto nila at walang pakialam kung makita ng iba ngunit si Zhane iyon, kilalang tao kaya hindi ko mapigilan.

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon