Chapter 30

1.5K 34 0
                                    

CHAPTER 30
Dalton Zhane’s Point of View

Ilang linggo na rin simula noong dumalaw ako sa burol ni Khia at hindi na ako muling bumalik pa. Hindi ko kasi kaya. Hindi ko kayang tignan siya.

Sobra akong nagsisi. Kasalanan ko lahat, kasalanan ko. Bakit ba kasi kailangang magkaganito? Bakit kailangan niya pang mawala? Bakit kailangang mangyari ito sa kaniya? Bakit kailangang magkaroon siya ng sakit sa puso? Wala akong kuwenta. Ni hindi ko man lang siya natanong kung maayos ba talaga siya.

Nabalitaan ko na lang na inilibing na pala siya noong isang araw. Hindi rin ako pumunta kasi iniisip ko pa ring bangungot lang ito at magigising pa ako. Na gigising ako isang araw na makikita ko siyang nakangiti sa akin. Na makikita kong tumatawa siya.

Ngayon ay anniversary ng school namin kaya kakanta ulit kami. Pero kulang kami. Wala kaming main vocalist. Ilang kanta na rin ang nakanta namin.

“I’ll dedicate this song to the woman I love the most. Anae ko, I’m so sorry for everything. I’m so sorry for hurting you. I’m so sorry for breaking your heart. I’m so sorry because I made you cry. I’m so sorry, Khia ko. I love you so much, Khia.”

I love the way it feels when you touch my hand
Don’t wanna let you go
I love the way you say that I’m your man
Don’t understand why we can’t go on and go on
Don’t understand why
You don’t belong in my arms
Ohh

Feeling ko ay nakatingin siya sa akin ngayon mula sa malayo kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko at inimagine ang mukha niyang nakangiti. Gusto ko ulit siyang makita. Gusto ko ulit siyang makasama. Gusto ko ulit makapiling siya.

And even if I cried a thousand tears tonight
Would you comeback to me
And even if I walked on the water
Would you come out to sea
Now I can’t spend my life standing by
Cause even if I miss you
You’re still not missing me

Damang-dama ko ang kanta kasi lahat gagawin ko para lang bumalik siya pero alam kong imposible kasi wala na siya. Wala na ang babaeng mahal ko.

Inalala ko rin ang mga masasaya naming memories. Kapag kinukulit ko siya habang gumagawa siya ng project niya at magagalit siya sa akin pero hahalikan ko lang siya at kaunting lambing ay bati na ulit kaming dalawa. Kapag inuubos ko ang pagkain niya ay nagagalit din siya pero kapag binilihan ko siya ng donuts ay babalik ang nakangiti na ulit siya.

Hindi ko na siya makikita pa. Hindi ko na makikita ang mga ngiti niya, ang tawa niyang parang musika sa pandinig ko. Ang pagkurot niya sa pisnge ko kapag nanggigigil siya. Lahat iyon ay hindi ko na muling makikita pa.

Nagsimula nang mamasa ang mata ko pero wala akong pakialam. Ang importante ay matapos ko ang kantang ito. Medyo gumagaralgal na rin ang boses ko pero pilit kong inaayos.

Nang matapos kong kantahin ang huling lyrics ay napaiyak na talaga ako. Umiyak ako sa harapan ng maraming tao pero wala akong pakialam kung isipin man nila akong bakla. I miss my Khia! I miss her a lot! Kung puwede lang ibalik ang oras ay sana nagawan ko ng paraan itong problema namin. Sana ay kapiling ko pa siya ngayon. Sana ay hindi ito nangyari sa kaniya.

Hindi ko napansin na nagpapalakpakan na pala ang mga tao kaya napatingin ako sa kanila. Ang iba ay umiiyak din at ang iba ay nagpupunas ng mga luha nila.

“ANAE! NAMPYEON! ANAE! NAMPYEON! ANAE! NAMPYEON! ANAE! NAMPYEON! ANAE! NAMPYEON! ANAE! NAMPYEON! ANAE! NAMPYEON! ANAE! NAMPYEON! ANAE! NAMPYEON! ANAE! NAMPYEON! ANAE!”

Patuloy lang nilang isinisigaw ang endearment naming dalawa kaya kahit papaano ay napangiti ako.

Bumaba na ako ng stage at dumiretso ng uwi sa bahay. Nakita kong nakaupo si Dhaxine kaya lumapit ako sa kaniya. Galit siya sa akin dahil sa ginawa ko. Naiintindihan ko naman siya. Mahal niya si Khia kaya alam kong magagalit talaga siya sa akin.

“Dhaxine.”

“What?” galit niyang tanong at hindi tumitingin sa akin.

Ramdam ko ang galit niya sa akin sa mga nakalipas na araw. Halos ayaw niya na nga akong pansinin at madalas ay awayin niya si Callie. Nagbago na siya. Nagbago siya dahil sa pagkawala ni Khia. Hindi ko na rin siya nakikitang ngumiti kahit kanino.

“I’m sorry.”

“Sorry para saan?” tanong nIya

“Alam mo kung para saan ang sorry ko.”

“Ang t*nga mo, Kuya! Ang t*nga-t*nga mo kasi nandiyan na si Ate Khianna pero ipinagpalit mo pa rin siya! Hindi ka nakontento sa kaniya!” sigaw nIya at kita ko ang luha niyang tumulo.

Wala siyang alam tungkol sa arrange marriage namin ni Callie kaya siya ganiyan.

“Mahal na mahal ka noong tao tapos sinaktan mo lang siya? Ano’ng klase kang lalaki, Kuya? Ano!? Naging masaya ka ba dahil sinaktan mo siya? May napala ka ba noong sinaktan mo siya? Ano!?” galit niyang tanong.

“Dhaxine.”

“Ghaadd, Kuya Dalton! Ano bang ginawang mali ni Ate Khianna at nakipaghiwalay ka sa kaniya? Ano bang wala si Ate na meron si Callie na iyan? Bakit si Callie pa rin ang pinili mo? Kuya, simula pa lang ay alam mo nang ayaw ko sa Callie na iyan,” aniya.

“Dhaxine!”

“Ano!?” sigaw niya.

“You don’t know what happened between us. Huwag mo akong pagsalitaan ng ganiyan. Hindi mo na ako nirerespeto bilang nakatatandang kapatid mo.”

“What!? Ipinagtatanggol mo pa ang babaeng iyon?” tanong niya.

“Dhaxine, hindi iyon ganoon, okay?”

“You’re an ass*hole! You’re a j*rk! You’re a scumb*g! F*ck you, Dalton Zhane,” galit niyang sigaw.

“Shut the f*ck up, Dhaxine Zhai! You know nothing so shut up!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya ko siya nasigawan. Gulat naman siyang napatingin sa akin kasi ito ang unang beses na sinigawan ko siya.

“L-Look, I’m sorry, okay?”

“Don’t talk to me!” sigaw niya.

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Napasabunot na lang ako ng buhok ko at umakyat. Umupo sa study table at nag-isip nang mahagip ng mata ko ang USB na binigay ni Magno.

Message sa akin ni Khia. Bukas ay dadalaw ako sa puntod niya at doon ko ito papakinggan.

Wait for me, my Khia.

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon