Chapter 5

1.2K 41 0
                                    

CHAPTER 5

Khianna Haiden’s Point of View

Hayy, isang buwan na rin pala ang lumipas mula nang maglayas ako sa bahay namin at isang buwan ko na ring hindi nadadalaw si Mam at Papa. Dati kasi tatlong beses sa isang linggo ko sila dinadalaw. Namimiss ko na ang puntod nila.

Puwede kayang mag-day off ako para mapuntahan ko sila? Gusto ko na silang madalaw. Baka madami na naman damo ang nakapalibot sa puntod nila. Alam ko namang  hindi pupunta sila Tita sa puntod na iyon kasi nga wala silang pakialam doon.

Talagang bahay lang namin ang habol nila at isa pa. Paniguradong busy ang mga iyon. Si Tita na nagsusugal. Si Tito na nagsasabong at si Danica na hindi ko alam kung nag-aaral ba talaga dahil kadalasan ay nagka-cutting-class lang ang isang iyon.

Sayang lang ang panahon at oras kung hindi nila gagamitin sa tama ang buhay nila. Puro na lang bisyo. Samantalang wala naman silang nakukuhang maganda roon.

Bakit nga kaya may mga taong ganoon? Sinasayang ang kanilang mga oras para sa isang bagay na wala namang katuturan. Nakakaawa ang mga taong iyon. Panigurado kasi na sa huli ay pagsisisihan din nila ang mga nagawa nila. Magsisisi sila kung kailan huli na.

Kumusta na kaya sila Tita? Ano na kaya ang kalagayan nila ngayon? Masaya ba sila na wala ako? Nagbago na kaya sila? Mababait na kaya sila? Pero mukhang malabo lahat ng tanong ko. Ramdam ko na masaya sila nang mawala ako sa puder nila. Alam kong hindi nila ako hinahanap dahil sa paningin nila ay wala akong kuwentang tao. Na kasangkapan lang ako para makuha ang bahay na dapat ay sa akin.

Gusto kong bawiin ang bahay namin ngunit hindi ko naman alam kung papaano. Amin iyon, ipinundar iyon ni Papa. Ipinangako niyang sa akin na paglaki ko ay magiging akin ang bahay na iyon ngunit hindi natupad. Hindi ko alam na may mga kamag-anak pala tayo na kahit sariling kadugo ay magagawang dayain.

Ang alam ko ay wala ng bahay sila tita dahil pinalayas na sila sa rati nilang inuupahan. Hindi na kasi sila nagbabayad ng renta. Maaari naman silang makitira sa bahay namin kung wala silang matutuluyan. Maaari silang doon na lang din manirahan kasi wala naman akong magiging kasama roon. Ngunit sakim sila at inangkin ang bahay, sarili lang nila ang iniisip nila.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko. Bakit kaya ganoon? Sinaktan na nga nila ako pero hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang kalagayan nila. Kahit naman kasi papaano ay nakasama ko sila, ngunit sa hindi magandang pakikisama. Gusto ko silang magbago kasi iyon ang makakabuti sa kanila, kasi iyon ang tamang gawin.

Pero siguro malabong mangyari ang gusto ko, ilang beses ko na rin kasing pinagsabihan ang mga iyon ngunit tinatawanan lang nila ako at kung minsan pa ay sinasampal. Hindi pa naman huli ng lahat pero kung ganoon na talaga sila ay wala na akong magagawa.

“Haide.”

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at si Ate Rill lang pala. Humihikab ito habang papalapit sa akin kaya nginitian ko siya na agad niya rin naman sinuklian.

Nandito kasi ako ngayon sa balkonahe at nagpapahangin. Hindi ako makatulog kaya naisipan kong lumabas muna. Magpahangin at baka makaramdam ako ng antok ngunit ilang oras na ako rito ay hindi ko pa rin magawang antukin.

“Ikaw pala, Ate Rill.”

“Ano ang ginagawa mo rito sa terrace? Gabi na, dapat matulog ka na. May pasok pa tayo bukas, baka malate ka ng gising niyan.”

“Hindi po ako makatulog, Ate. At tiyaka nagpapahangin lang naman po ako rito. Nagpapaantok lang ako rito, Ate. Mamaya ay matutulog na rin ako. Ikaw ba, Ate? Bakit nandito ka?”

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon