Chapter 7

1K 36 0
                                    

CHAPTER 7
Khianna Haiden’s Point of View

Sa wakas tapos ko na rin ang exam ko. Grabe, sobrang hirap ng mga tanong pero thank God kasi iilan lang doon ang wala sa na-review ko. Next week ko pa malalaman ang result. Tiwala naman ako sa mga sagot ko. Alam kong marami akong naitamang kasagutan.

Nagugutom na rin ako. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko kaya gusto ko na kaagad umuwi para makakain. Ang sabi nila ate ay pagbalik ko raw ay lulutuan nila ako ng paborito ko, sinigang na baboy na maraming gabi at labanos. Paborito ko iyon dahil kadalasan ay iyon ang nilulutong ulam ni Mama. Paborito ko rin ang gulay na gabi at labanos dahil doon ako ipinaglihi ni Mama. Paborito rin iyon ni Papa kaya palagi kaming magkasundo kapag iyon ang ulam. Palaging taob ang kaldero kapag iyon ang ulam namin kaya dinadagdagan na lang ni Mama ang kaniyang sinasaing.

“Ate Khianna!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin at si Zhai lang pala na may kasamang dalawang cute na babae. Ngumiti ako sa kaniya at siya naman ay kumaway sa akin. Patakbo itong lumapit sa akin habang hila-hila ang dalawang kasamahan. Natatawa ang dalawa dahil sa paghila sa kanila ni Zhai. Halata kasi ang saya sa mukha nito nang makita ako.

Napangiti ako dahil sa inasal ni Zhai. Hanggang ngayon kasi ay tanda ko pa rin ang pagtulong niya sa akin mula kay Danica. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang mangyari iyon at thank God kasi hanggang ngayon ay hindi na bumalik pa si Danica.

Ayaw ko ng gulo, baka malaman ni Ate Sheila at tanggalin ako. Sinabi namin ang nangyari sa kaniya, nag-alala siya sa akin at tinatanong kung ayos lang daw ba ako. Ayaw kong madamay pa ang trabaho ko nang dahil lang sa kagagawan ni Danica. Hangga’t maaari ay gusto kong umiwas sa kaniya o sa kahit ano mang gulo. Ang gusto ko lamang ngayon ay makapag-aral at makapagtapos.

“Hello, Zhai. Magandang tanghali sa iyo.”

“Hi, Ate Khianna. Magandang tanghali rin sa iyo, Ate. Nag-exam ka na po? How’s your exam, Ate? Is it mahirap po ba? Like sobrang hirap?”

“Yup, and katatapos ko lang. Hindi naman. Karamihan kasi ng na-review ko ay nasa exam, may iilang number lang na halos hindi ko alam kung tama ba ang naisagot ko. Hindi ko kasi alam kung tama ba. Hindi mahirap ang isang exam kung nag-review ka.”

“So? Did you pass the exam? Omoo, you will be my schoolmate na po ba? Ghad, I am so excited naman, Ate. I can’t wait any longer. I will tour you around, Ate.”

“Hindi ko pa alam, Zhai. Ang sabi kasi nila sa akin next week ko pa raw malalaman ang result kaya hihintayin ko pa. Hihintayin ko pa ang tawag nila sa akin. I am hoping na makapasa ako sa exam.”

“Oh, okay. Come on, join us na lang. Let’s have a lunch, don’t worry my treat. Let’s eat at our cafeteria. You won’t regret it. Masasarap ang pagkain dito sa amin. In the future, I am sure na matitikman mo rin iyon but I’m so excited na talaga. Kaya let’s go po. Come on, Ate.”

“Nakuu, Zhai, kailangan ko nang umuwi. Sumaglit lang talaga ako rito para mag-take ng exam. Baka inaantay na ako nila Ate Rill. Ang sabi ko kasi sa kanila ay babalik kaagad ako pagkatapos ng exam ko. Sorry, Zhai. Babawi na lang ako sa iyo sa susunod.”

“Hmm, sad naman. Pero maybe next time? Right? Puwede next time? I wanna eat with you talaga, Ate. Next time, please.”

“Yeah, sure, next time na lang. Sorry talaga, Zhai. Kailangan ko na kasi talaga umalis. Don’t worry, kakain din tayong magkasama, soon.”

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon