CHAPTER 24
Jhairrus Gil’s Point of ViewMatapos niyang mahimatay ay nasabi ko na sa kaniya na mahal ko siya. Hindi ko alam. Nabigla ako kaya ko nasabi iyon. Alam ko kasing ano mang oras ay puwede na siyang kunin sa amin. Once na sumuko ang puso niya ay wala na talaga siya. Hindi ko kakayanin iyon kasi mahal na mahal ko siya. Kauna-unahang babaeng minahal ko kaya hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa amin. Sa akin kahit hindi pa kami at hindi ko alam kung magiging kami ba.
“Tang*na, bakla! Hindi ako nagmumura pero tang*na talaga. Pinakaba mo ako nang bonggang-bonga, bakla. Huwag ka na uulitin na mahimatay. Tang*na talaga,” mahabang linya ni Gelo pero wala akong pakialam kasi hanggang ngayon nakayakap pa rin ako sa kaniya. Takot na takot ako kanina habang pilit siyang ginigising.
“Khianna, huwag na huwag mo na ulit kaming tatakutin ng ganoon,” naiiyak na sabi ni Jiji.
“Please, Khianna. Wala namang ganyanan. Hindi pa kami handa kaya please lang, huwag muna,” nagpupunas ng luha na sabi ni Jaja.
Halos lahat ng estudyante ay nasa amin ang atensyon dahil nga sa nangyari kay Khianna. Lahat sila ay may pag-aalala sa mukha nila. Ilang sandali pa ay humiwalay na ako ng yakap sa kaniya. Pinunasan ko ang aking luha at tinitigan siya sa mata.
“Okay ka na ba? Nakakahinga ka na ba ulit nang maayos? Hindi na ba sumasakit ang puso mo? Bakit kasi tumakbo ka? Bakit nagpakapagod ka? Hindi ba sinabi ko sa iyong huwag na huwag kang tatakbo? Tang*na, nangako ako sa mga ate mo! Sorry! Sorry! Sorry!”
Para na akong tanga rito pero wala akong pakialam kasi hanggang ngayon nag-aalala pa rin ako sa kaniya.
“G-Gil,” nauutal niyang saad at hinawakan ang aking pisnge.
“Ingatan mo naman ang sarili mo, Khianna, kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka na. Huwag muna, Khianna. Please, huwag muna. Hindi pa namin kaya, hindi ko pa kaya.”
“G-Gil,” kita ko ang ilang butil ng kaniyang luha kaya agad ko itong pinunasan.
“Oo. Alam ko na kaibigan lang ang tingin mo sa akin pero mahal kita. Mahal na mahal kita kahit hindi ako ang mahal mo. Kahit alam kong mahal na mahal mo siya hindi ko maiwasang mahulog sa iyo.”
“G-Gil.”
“Alam kong talo ako sa kaniya. Alam na alam ko iyon. Talong-talo ako sa kaniya. Isip mo pa lang nasa kaniya na paano pa kaya kapag puso na?”
“M-Mahal mo ako?” nauutal niyang tanong kaya tumango ako at pilit na ngumiti.
“Oo, Khianna. Noon pa man ay mahal na kita. Noong unang pagkikita pa lang natin ay minahal na kita pero torpe ako kaya hindi ko naamin sa iyo kaya naunahan ako ng iba.”
“Tulungan mo ako, Gil,” aniya.
Dahil sa sinabi niya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Malapit lang ang table sa amin nila Dalton kaya alam kung narinig niya iyon at alam ko ring alam ni Khianna na malapit lang sa amin si Dalton.
“Ano ang sinabi mo?”
“Ang sabi ko tulungan mo ako. Tulungan mo akong kalimutan siya para kapag nakaalis na ako rito ay mabawasan naman ang sakit. Please, Gil, tulungan mo ako. Tulungan mo ako,” pagmamakaawa niya.

BINABASA MO ANG
Suffer✓
أدب المراهقينA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...