CHAPTER 4
Khianna Haiden’s Point of ViewNagising ako nang maaga para makapagluto ng makakain namin at naghanda na rin para sa trabaho. Habang nagluluto, nagwalis-walis na ako ng bahay. Kahit man lang dito ay makatulong ako at makabawi man lang sa kabaitan nila. Gusto kong kahit sa maliit man lang na bagay ay mapasaya ko sila. Gusto kong pagsilbihan ang bago kong pamilya. Sana ay magustuhan nila ito. Gusto kong maibalik ang kabutihan na pinaparamdam sa akin.
Masaya ako dahil nakahanap ako ng panibagong pamilya sa katauhan nila. Gagawin ko ang lahat para palagi lang silang nakangiti at hindi ako magiging pabigat sa kanila, kasi sila ang bago kong pamilya. Pamilyang hindi ko naranasan noong kasama ko sila Tita.
“Hmmm, bango naman niyan. Ano iyan, Haide? Mukhang masarap iyan.”
“Ikaw pala, Ate Cole. Good morning po. Nagluto ako ng almusal natin. Sandali na lang ito, Ate Cole, at maluluto na.”
“Oh, Haide. Good morning din, ikaw ang nagluto ng breakfast natin? Dapat hindi mo na lang iyan ginawa at natulog ka na lang muna. Alam kong pagod ka.”
“Opo, Ate Cole. Maaga po kasi akong nagising kaya naisipan kong ipagluto kayo ng almusal. Sorry po, pinakailamanan ko ang kusina n’yo.”
“Naku naman, Haide, nag-abala ka pa magluto samantalang nandito naman ako. Hindi ba nga ay ako ang kusinera? Ikaw talagang bata ka, dapat kasi talaga nagpapahinga ka pa ngayon. Hinayaan mo na lang sana ako riyan kasi ako ang nakatoka sa gawaing iyan.”
“Ano ka ba, Ate Cole? Ito na nga lang ang bayad ko sa inyo kasi sobrang bait n’yong lahat sa akin. Salamat po, ah? Tinanggap n’yo kaagad ako kahit na kakikilala n’yo na lang sa akin.”
“Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan. Kapatid na ang turing namin sa iyo. Gusto ka naming tulungan kasi alam namin na kailangan mo ito at saka unang kita pa lang namin sa iyo ay alam na kaagad na isa kang mabait na tao.”
“Basta po, Ate Cole, maraming salamat po sa lahat ng naitulong n’yo sa akin.”
“Mukhang masarap ang almusal natin, bango!”
Napalingon naman kami ni Ate Cole sa nagsalita at hayun sila Ate Rill at ang iba pa. Nagkukusot ng mata si Ate Jei at Ate Vann at Ate Dein samantalang nagsusuklay naman ng buhok si Ate Rill. Nginitian ko silang lahat at kumaway.
“Good morning po, mga ate.”
“Good morning din, Haide,” sabay-sabay nilang bati.
“Ano palang niluto mong almusal, Jas? Nagugutom na kami. Naamoy ko ang luto mo kaya nagutom ako. Ano ba iyan? Mukhang masarap iyan,” tanong ni Ate Rill.
“Naku, Cass, hindi ako ang nagluto kung hindi si Haide. Pagkababa ko kanina ay nakita ko na lang siya na nagluluto na ng almusal natin,” sagot ni Ate Cole.
“Oh? Talaga? Bakit ikaw ang nagluto, Haide? Gawain ni Jas iyan,” takang tanong ni Ate Rill.
“Simpleng bayad ko lang iyan sa pagkupkop n’yo sa akin at sa kabaitan n’yo. Actually, kulang pa nga po ito.”
“Haide, kapatid na ang turing namin sa iyo. Hindi mo na kailangang gawin iyan,” sabi ni Ate Jei.
“Iyan nga rin ang sinabi ko sa kaniya, Cath, pero makulit. Hindi nakikinig sa akin,” sabi ni Ate Cole.
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Teen FictionA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...