Chapter 22

979 34 2
                                    

CHAPTER 22
Khianna Haiden’s Point of View

Pagkamulat ko ng mata ay puting kisame ang aking nabungaran. Nasaan ako? Ano ang nangyari? Bakit ako narito?

“Oh, thank goodness. You’re awake,” halos pasigaw ng taong nasa tabi ko at nang tignan ko ito ay roon ko nakita si Gil. Gulo-gulo ang buhok nito at tila ba ay miserable.

“Gil?”

“How are you? You need anything? Are you hungry?” Sunod-sunod niyang tanong ngunit umiling lamang ako.

“Okay lang ako, Gil. Nasaan ako? Ano ang ginagawa natin dito?”

“Nasa hospital ka, Khianna,” simpleng sagot niya at umiwas ng tingin.

Hospital? Ano ang ginagawa ko rito?

Inala ko ang nangyari at bigla akong napaluha. Oo nga pala, nag-break nga pala kami ni Zhane at pagkatapos ay hinimatay na ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako hinimatay.

“Shhh, Khianna. Don’t cry. I’m here,” bulong ni Gil bago ko naramdaman ang kaniyang yakap.

Umiyak ako sa balikat niya at inubos ko ang luha ko.

“Gil, ang sakit. Ang sakit-sakit lang. Hindi ko alam kung bakit kami biglang nagkaganoon. Ayos naman kami. Mahal na mahal ko siya pero ganito iyong isinukli niya sa akin. Bakit ganoon, Gil? May nagawa ba akong mali para ganituhin niya ako? Sabihin mo sa akin, Gil.”

“Hey, hey, hey, relax, Khianna. Wala ka namang ginawang mali dahil siya ang may problema sa inyong dalawa. Siguro hindi ka niya ganoon kamahal kaya ka niya iniwan, o kaya naman may rason siya para gawin iyon sa iyo. Tahan na, Khianna. Makasasama sa iyo iyan,” pagpapagaan niya sa loob ko ngunit masyado akong nasasaktan ngayon.

“Hindi ko kasi maintindihan. Hindi ko alam kung nagkulang ba ako, kung sumobra ba ako. Nagsawa na ba siya sa akin. Sobrang sakit, Gil. Hindi ko akalain na mangyayari sa aming dalawa ito. Mahal na mahal ko siya. Akala ko okay kami. Akala ko maayos kami. Hindi ko napaghandaan ito. Hindi ko akalain na makikipaghiwalay siya sa akin sa mismong birthday ko kasi ang sabi niya sa akin ay bibigyan niya ako ng regalo, regalong hindi ko makakalimutan. Hindi ko akalain na ito pala ang regalong tinutukoy niya.”

Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya, inilabas ko lahat ng hinanakit ko. Siya lang naman ang masasandalan ko ngayon. Kailangan ko ng taong makakausap ngayon kasi kung hindi ko iyon gagawin ay baka sumabog ako, sumabog ang sakit na nararamdaman ko.

Okay pa naman kami last week. Okay na okay kami pero biglang nagkaganito, bakit? Ano bang nagawa kong mali? Nagmahal lang naman ako. Pinalaya ko siya kasi ang sabi niya ay iyon ang mapakapagpapasaya sa kaniya kaya iyon ang ginawa ko kahit sobra akong masasaktan. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya kahit pa masaktan ako ng sobra-sobra. Mahal ko siya kaya ganoon.

“Rest for now, Khianna,” bulong niya at hinalikan ang aking noo.

Matapos sabihin ni Gil iyon ay nakatulog na nga ako.

***

“Ms. Abelino, how are you?” tanong ng doctor.

“I’m okay, Doc. Uhmm, tanong ko lang po kung bakit sumasakit ang dibdib ko at bigla na lang akong hinimatay. May problema po ba sa katawan ko, Doc?"

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon