Epilogue

2.5K 50 3
                                        

EPILOGUE
Dalton Zhane’s Point of View

Sa ilalim ng puno ay narito ang lapida ni Khia. Hindi ko maiwasang malungkot kasi kasalanan ko kung bakit siya nawala.

Huli na para magsisi pa ako. Nangyari na at wala na akong magagawa.

“Hey, Khia, how are you there? Namimiss na kita. Kailan kaya ulit tayo magkikita?”

Nagsimula na namang mamasa ang mata ko at hindi ko maiwasang maiyak. Hindi ko pa rin matanggap.

“Handa na akong ipaglaban ka pero bakit sumuko ka na? Oo, kasalanan ko pero bakit sumuko ka? Magsisimula pa lang ang laban pero talo na tayo kasi wala kana. Bakit ganito? Bakit nangyari sa atin ito? Hindi ko kaya ang sakit, Khia. Hindi ko matanggap na wala ka na sa piling ko. Hindi ko matanggap na wala ka na talaga rito sa tabi ko.”

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko kasi parang ngayon ko lang naisip na wala na talaga siya. Wala na ang babaeng mahal ko.

“Kahit wala ka na, ikaw pa rin at ikaw lang talaga. Mahal na mahal kita, Khia ko. Sobrang mahal kita.”

Tumulo na naman ang mga luha ko. Inilabas ko sa bulsa ko USB na bigay ni Magno at isinaksak sa laptop na dala ko. Handa na akong pakinggan ang message ni Khia sa akin. Papakinggan ko ito kasama siya para kahit papaano ay madama kong hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa tabi ko.

“Dala ko ang USB at papakinggan ko ito kasama ka.”

“Zhane. Nampyeon ko. Are you happy now? You’re with Callie, your first love. Alam kong matapos kong sabihin ito ay hindi mo na ako muling makikita pa. Gusto ko lang sabihin sa iyo na sobra kitang mahal. I love you. Wo ai ne. Saranghaeyo. Ich liebe dich. Je t’aime. Ai shitero. Te amo, Mahal na mahal kita at wala akong pinagsisihan kasi ikaw ang una at huling lalaking minahal ko. Handa akong masaktan maging masaya ka lang. Handa akong gawin ang lahat para sa ikasasaya mo even if it hurts me a lot. I’m so sorry if I give up so easily. Ito lang kasi ang way ko para makalimutan ko ang sakit. Ito lang iyong solusyon na mayroon ako. Pero sumuko rin ako kasi gusto ko nang makasama ang mga magulang ko. Miss na miss ko na kasi sila.  Zhane, sana kapag nawala na ako ay mahalin mo ng sobra-sobra si Callie, ah? Bagay kayong dalawa. Mayaman ka at mayaman din siya. Guwapo ka at maganda naman siya. Matalino ka at ganoon din siya. Pareho kayong langit.”

My Khia . . .

“Sana huwag kang maging malungkot. Dapat palagi kang masaya. Dapat palagi kang nakangiti. Dapat tumawatawa ka pa rin. Huwag na huwag kang malulungkot, ah? Palagi mong iingatan ang sarili mo. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita. Don’t worry kasi I’ll be your guardian angel. Hirap na hirap na ako kaya gusto ko nang wakasan ang paghihirap ko. Bibigay na ang puso ko, Zhane. Goodbye and I love you so much, Nampyeon ko.”

Paano ako sa sasaya kung ikaw ang kasiyahan ko? Paano ako ngingiti kung ikaw lang ang dahilan kung bakit ako ngumingiti? Paano ako tatawa kung ikaw lang ang nakakapagpatawa sa akin? Paano ko siya mamahalin kung ikaw ang taong mahal ko?

Hindi na magkamayaw ang mga luha ko sa pagpatak. Mahal na mahal din kita, Khia ko. I’m sorry kasi wala akong nagawa para ipaglaban ang relasyon natin. I’m so sorry, Anae ko. Mahina ako, duwag ako. Hindi kita ipinaglaban.

Bigla akong nakaisip ng isang desisyon. Hindi ako magsisisi rito kasi gagawin ko ito para sa babaeng mahal ko.

Gagawin ko ito hindi dahil nasasaktan ako, gagawin ko ito dahil ito ang sinasabi ng puso ko. Na ito ang tamang gawin ko. Gagawin ko ito kasi gusto kong sundan ka upang humingi ng tawag sa iyo at ipagpatuloy pa ang  pagmamahalan hanggang sa kabilang buhay at sa mga susunod na yugto pa ng ating buhay.

Wala na akong pakialam kung may masaktan akong iba dahil ang mahalaga ay ikaw lang at wala nang iba.

I love you so much. I will do this for us. Wait for me, my Khia. Hope to see you soon, my Khianna Haiden.

At ginawa ko na ang dapat kong gawin.

***

10 years later . . .

Dhaxine Zhai’s Point of View

It’s been 10 years since Ate Khianna and Kuya Dalton died. Yeah, they are both dead.

Nang araw na iyon ay bibisitahin ko sana si Ate pero nagimbal ako sa natagpuan ko. Nagpakamatay si Kuya. Base sa imbestigasyon ay uminom ng lason si kuya. Nakahiga ito sa tabi ng lapida ni ate at nakahawak sa lapida nito. Lahat kami ay nagulat, lahat kami ay nalungkot dahil sa sinapit nilang dalawa.

Bakit ba kasi ganoon? Bakit hindi naging sila hanggang sa dulo? Bakit kailangan pa nilang mawala para lang magkasama silang dalawa? Bakit ganito ang nangyari?

“Hey, Mom. Dad. Dhaxine. Sana huwag n’yong sisihin si Khia dahil dito sa ginawa ko. Sana huwag n’yong sisihin ang sino man dahil sarili ko itong desisyon. Ginawa ko ito para sundan ang babaeng mahal ko. Ginawa ko ito kasi ito ang sinasabi ng puso ko. Mom. Dad. Sana ingatan n’yo ang sarili n’yo. I love you both. Dhaxine. Lil’ sis, I’m sorry for the last time we talked. I’m so sorry kasi sinaktan ko ang Ate Khia mo. I’m so sorry for everything, Lil’ sis. Ingatan mo ang sarili mo kasi wala nang Kuya ang magtatanggol sa iyo. I love you so much, Lil’ sis. Ingatan mo ang sarili mo. Bye.”

Mukhang bago siya mag-suicide ay naglagay muna siya ng message sa laptop niya. Talagang mahal na mahal niya si Ate to the point na handa siyang mamatay para lang magkasama silang dalawa.

Napalingon ako sa kalangitan at nakikita ko ang mga bituing nagkikislapan. Gabi na kasi ngayon at nandito ako sa terrace namin para magpahangin.

Hey, Ate and Kuya, magkasama ba kayong dalawa ngayon diyan? Masaya ba kayong dalawa? Kung hindi man natuloy ang love story n’yo rito sa baba ay panigurado naman na naituloy n’yo iyan diyan sa taas. Masaya ako para sa inyong dalawa Ate at Kuya.

“Hey.”

“Hanz.”

Hanz is my husband now. Yeah, he’s my husband. Nakakatawa lang isipin na ang dating in love kay Ate Khianna ay asawa ko na ngayon.

“Death anniversary na bukas ni Khianna and after 3 weeks death anniversary naman ni Dalton,” mahina niyang saad at tumingin din sa langit.

“Yeah. I’m sure masayang-masaya ngayon si Kuya kasi paniguradong kasama niya na rin si Ate.”

“Hindi ko nga akalaing magpapakamatay ang isang iyon para makasama si Khianna,” aniya.

Natawa na lang kami pareho pero masaya na kami.

After 10 years sobrang dami ang nabago. Ang mga itinuring na kapatid ni Ate Khianna ay nakapagpatayo ng sarili nilang restaurant at mayroon na rin silang sari-sariling pamilya. Ipinangalan pa nga nila kay Ate ang restaurant nila. Ang mga kaibigan ni Kuya ay busy sa kani-kanilang mga business at pamilya. Ganoon din ang mga kaibigan ni Ate. Pero kahit busy kaming lahat ay nagagawa pa rin naming pumunta sa puntod nilang dalawa kapag birthday o death anniversary nila. Si Kuya Jhairrus naman ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamove on kay Ate. He tried to commit suicide too pero buti na lang ay napigilan namin siya. Sa ngayon ay focus siya sa kompanya niya.

We’re so happy for them. Noong una ay hindi namin kinaya ang pagkawala nila pero sabi nga nila time will heal the wound but the scar would never lost.

Napatingin uli ako sa langit at doon ay nakita ang dalawang star na magkatabi at parehong kumikislap.

Ate Khianna and Kuya Dalton . . .

***THE END***

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon