CHAPTER 21
Khianna Haiden’s Point of View
“Haide, magpatingin ka na kaya sa doctor? Araw-araw na lang iyang dibdib mo. Ayos ka lang ba? Sa lagay mong iyan ay parang hindi,” nag-aalalang saad ni Ate Rill habang nakahawak sa aking balikat.
“Ate Rill, ayos lang po ako. Hindi ko na po kailangang pumunta sa doctor. Normal na pananakit lang po ito ng dibdib. Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Mawawala rin ito.”
“Ano’ng ayos lang? Hindi ka na nga makahinga kapag inaatake ka ng pananakit,” pasigaw na saad ni Ate Rill kaya alanganin akong ngumiti.
“Ate Rill, iinom na lang po ako ng maraming tubig then mawawala na ito. Saka gastos lang po kapag nagpa-ospital pa ako.”
“Ah, basta, magpapacheck-up pa rin tayo. Sa ayaw at sa gusto mo,” aniya.
“Ate Rill.”
“Khianna Haiden!” sigaw niya sa pangalan ko kaya napatungo na lamang ako.
“Oo na po. Magpapacheck-up na po ako.”
“Haide, ginagawa lang naman namin ito para sa ikabubuti mo. Baka kasi kung ano na iyan tapos hindi natin alam. Mabuti na ang nag-iingat tayo,” mahinahon niyang saad kaya napahinga na lamang ako nang malalim.
“Naiintindihan po kita, Ate. Marami pong salamat.”
Ngumiti na lang siya sa akin at iniwan na ako sa kuwarto. Ilang linggo na rin kasing sumasakit ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Sana naman ay wala lang ito. Kahit ako ay kinakabahan na sa lagay ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang nangyayari sa katawan ko at takot naman akong magpatingin sa doctor. Isa pa ay gastos lamang iyon.
***
“Zhane, ano ang ginagawa natin dito?”
Dinala niya kasi ako sa isang playground at dito sa gilid ay may nakatayo na isang punong malaki. Hindi ko alam kung ano ang trip niya at bigla na lamang akong hinila.
“Picnic,” simpleng sagot niya.
“Picnic?”
“Yup. Nitong mga nakaraan kasi ay hindi na kita masyadong nakakasama kasi busy na tayo dahil malapit na ang mid-term kaya ito, babawiin lang natin ang mga nasayang na oras,” nakangiti niyang saad matapos maglatag ng tela sa damuhan.
Tulad ng mga nakaraang linggo ay parang kakaiba si Zhane. Hindi ko alam pero parang may nagbago sa kaniya. Parang kada kita na lang namin ay may lungkot sa kaniyang mga mata na hindi ko mawari kung para saan.
“Zhane, okay ka lang ba?”
“Oo naman, Khia ko. Okay na okay lang ako as long as okay ka lang din. Ginagawa ko ito para sa ikasasaya nating dalawa,” aniya at kita ko na naman ang lungkot sa kaniyang mga mata. Gusto kong maiyak sa sitwasyon naming dalawa. Hindi ko kasi alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Hindi ko alam kung may problema ba siya dahil ayaw niya naman sabihin sa akin.
Bakit parang may laman iyong sinabi niya?
“By the way, okay na ba iyang dibdib mo? Hindi na ba nananakit iyan?” tanong niya at naupo na sa tela. Ngumiti ako rito bago umupo rin sa kaniyang tabi.
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Ficção AdolescenteA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...
