Khianna Haiden Abelino and
Dalton Zhane Laxamana"Khia."
Napalingon ako sa likod at doo'y nakita si Zhane kaya napangiti ako. Tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit ngunit ang ipinagtataka ko ay hindi siya yumakap pabalik.
"Zhane, mabuti at narito kana."
Ang mga ngiti ko ay napaltan ng pagtataka dahil tinanggal niya ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kaniya.
"Zhane?"
"Let's break up."
"W-what? A-ano'ng sinabi mo? Paki-ulit nga baka nabingi lang ako."
"I said let's break up."
"B-bakit? A-ayos naman tayo, 'di ba? Masaya n-naman tayo, m-mahal mo ako at mahal d-din kita. B-bakit, Zhane?"
"Simple lang, ayaw ko na sa 'yo. Naisip ko kasi na hindi pala tayo bagay dahil langit ako at lupa ka, sikat ako at wala ka lang, mayaman ako at mahirap ka lang, nawala na 'yong spark, nawala na 'yong kilig, hindi ko na nakikita na ikaw 'yong magiging future ko."
"'D-di ba sabi mo walang iwanan? 'Di ba nangako pa ako sa 'yo na hindi kita iiwan? Bakit ganito, Zhane? Bakit!?"
"Naisip ko na hindi naman tayo bagay at saka maaari mo namang kalimutan na lang ang pangako mo sakin, maghanap ka na lang ng iba riyan na nababagay sa 'yo."
"Z-zhane."
"I fell out of love, Khianna."
"You fell out of love?"
"Yeah, hindi ko alam pero nawalan na ako ng gana sa 'yo kaya please, pakawalan mo na lang ako."
D*mn, ang sakit-sakit, Zhane, bakit ka ganito?
"I-ito ba talaga ang gusto mo? Ang pakawalan kita? Magiging masaya ka ba kapag pinalaya kita?"
"Oo, please let me go, let's break up."
"Sige. I want you to be happy kaya I will let you go, kahit masakit, kahit ayaw ko, kahit hindi ko kaya gagawin ko para sa ikasasaya mo. I am now letting you go."
"Thank you, Khianna, let's just pretend na hindi tayo nagkakilala at hindi tayo nagkaroon ng relasyon. Let's just be stranger with each other."
"Kung 'yan ang gusto mo, sige."
"Goodbye, Khianna, and happy birthday"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya, kasabay ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
D*mn, ito ba 'yong sinabi niya na birthday gift na hindi ko makakalimutan? Congrats, Zhane, nagtagumpay ka! Paniguradong hindi ko nga ito makakalimutan.
********************
THIS IS A WORK OF FICTION. THIS STORY IS WRITTEN BY MY IMAGINATION. ANY NAMES, PLACE, OCCASION, EVENTS AND ETC ARE ALL MADE BY MY IMAGINATION AND HAS NOTHING TO DO WITH REAL EVENTS. I REPEAT THIS IS A WORK OF FICTION. PLAGIARISM IS A CRIME.
Hanse_Pen
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Teen FictionA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...