CHAPTER 12
Khianna Haiden’s Point of View“Kumusta ang pag-aaral mo, Haide?” tanong ni Ate Rill.
“Maayos naman po, Ate Rill. May pagkamahirap pero nakakaya ko naman. Mababait din po ang kasama ko sa trabaho at katulad ko ay scholar lang din sila.”
“May mga kaibigan ka na ba?” tanong ni Ate Vann.
“Madami na rin, Ate Vann. Iyong mga kasamahan ko sa trabaho tapos ang mga kaklase ko pero mas close ko sa room namin sila Jaja, Jiji at Angelo. Kahit makukulit ang tatlong iyon ay mabait naman sila sa akin.”
“Si Jhairrus ba?” parang kinikilig na sabi ni Ate Jei dahilan kung bakit napakunot ang aking noo. Paano nasali si Gil sa usapan?
“Kaibigan ko lang din iyon, Ate Jei.”
“Pero in fairness, bagay kayong dalawa,” tukso niya at medyo kinurot pa ang aking braso.
“Ate Jei naman, kaibigan ko lang talaga iyon. Huwag mo pong bigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin.”
“Oo na, oo na. Joke lang naman, masyado kang defensive. Nagtatanong lang naman ako”
Sinamaan ko ng tingin si Ate Jei pero nag-peace sign lang siya sa akin at nagkuwentuhan na lang ulit kami and after that ay kumain na kami and then natulog. Pagkalapat pa lang ng likod ko sa kama agad na akong nakatulog dahil sa labis na pagod.
***
“Bakla ka, bakit hindi ka nag-open kagabi?” tanong sa akin ni Gelo matapos kong pumasok sa room. Umupo muna ako sa chair ko bago hinarap ang tatlo na nasa harapan ko. Si Gelo ay nakaupo sa armchair ng isang bangko at ang dalawa naman ay busy sa paglagay ng liptint sa kanilang mga labi.
“Bakla ka rin, pasensya naman. Nakatulog kasi kaagad ako pagkatapos kong kumain. Sobrang pagod ko rin kasi kagabi.”
“Bakit ka kasi nakatulog agad? Bakit ka pagod?” pangungulit ni Jiji.
“Pagod po ako kasi ang daming trabaho kahapon.”
“Uy, Khianna, nakita kita kahapon. Kasama mo si Jhairrus, kayo na ba?” ngising tanong ni Jaja habang tinatakpan ang liptint na ginamit nito.
“Nakita mo lang kaming magkasama kailangan kami na agad? Hindi ba puwedeng sabay lang umuwi?”
“Aysus naman, bakla. First time kasi naming nakita si fafa Jhairrus na may kasamang girl at ikaw pa ang girlalu na iyon. Suwerte mo talaga, friend,” singit ni Gelo.
“Oo nga, and base on his face ay masaya siya. Ayiiee, ano ang mayroon sa inyong dalawa? Nanliligaw na ba sa iyo si Jhairrus? Kailan pa, girl?” segunda ni Jaja.
“Huwag n’yo ngang bigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Gil. Magkaibigan lang talaga kami at hindi siya nanliligaw sa akin.”
“Omooo, Gil ang tawag mo sa kaniya?” kinikilig na tanong ni Jiji at parang hindi narinig ang sinabi ko.
“Yeah, what’s the problem with that?”
“Wala naman, girl. Ikaw lang kasi ang tumatawag sa kaniya ng second name niya,” sagot niya.
“Ah, basta. Magkaibigan lang kami. End of the topic.”
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Teen FictionA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...