Chapter 13

840 36 4
                                    

CHAPTER 13
Khianna Haiden’s Point of View

“Aba at talagang nag-luch kayo nang sabay-sabay tapos hindi n’yo man lang ako sinabihan? Nakakatampo naman kayo.”

“Haha. Kasi naman girl, nagtatrabaho ka kaya hayan, hindi ka namin nakasabay nag-lunch. Sorry na, Khianna. Bawi na lang kami sa iyo sa sunod kaya huwag ka nang magtampo,” sabi ni Jiji.

“Ang daya, hindi n’yo pa rin ako sinama.”

“Hoy, bakla ka, maganda ka na kaya please lang, huwag ka na magpa-cute diyan,” sigaw ni Gelo.

“Hindi naman ako nagpapa-cute, ah. Grabe na talaga kayo sa akin. Ano palang order n’yo?”

“Sabihin mo na lang doon sa counter na dagdagan ng tatlo iyong usual na order ko,” sagot ni Gil, nakangiti siya sa akin kaya’t ngumiti rin ako.

“Okay, just wait for a minute.”

Kinuha ko na ang order nila at ibinigay sa kanila then bigla na lang may nagsigawan kaya alam ko nang nandito na ang B4. Ganito naman dito sa cafeteria, iingay at magsisigawan ang mga kababaihan kapag nakita na sina Zhane. Sa mga nakalipas na araw ay nasanay na rin ako sa kanila.

“Hi, Khianna,” bati ni Brent at ngumiti sa akin. Hindi naman ako maldita at wala rin siyang ginagawa sa akin kaya hindi ko na siya tinarayan pa.

“Hello.”

“Kumusta ang weekend mo? Gumala ka ba?” nakangiting tanong ni Raven. Umiling ako bilang sagot sa pangalawa niyang tanong.

“Okay lang naman. Wait po, kukunin ko lang ang order n’yo.”

Ngumiti na lang ako sa kanila at pumunta na uli sa counter. Base sa mga nakaraang araw na nagdaan ay mababait naman silang lahat, may pagkapasaway nga lang minsan. Pansin ko rin ang pananahimik ni Zhane tuwing narito sila ngunit kung minsan ay nakikita ko siyang nakatitig sa akin. Hindi ko maiwasan na mailang sa kaniya lalo na kapag nakikita ko talaga siyang nakatitig sa akin.

Kinuha ko na ang usual order nila at isinerve sa kanila and after that ay balik na uli ako sa trabaho. Palaging ganito ang gawain ko sa mga nakalipas na araw. Nakakapagod ngunit kailangan kong magtiis para makapag-aral ako at magtapos ng pag-aaral.

Gusto ko kasing tulungan ang mga ate ko. Kahit sa ganitong paraan man lang ay alam kong makakatulong ako sa kanila. Ang alam ko kasi ay lahat sila ay wala na ring pamilya katulad ko. Sila na lang din ang bumunuhay sa sarili nila. Gusto kong tuparin ang pangako ko sa kanila na magtatapos ako ng pag-aaral ko.

“Good day, students. I'm sorry for disturbance but please to all students here in our campus please proceed to our gymnasium, now. I repeat to all the students here in our campus please proceed to our gymnasium. ASAP.”

“Uy, Khianna, tara na sa gym,” yaya ni Ate Mitch habang nagtatanggal ng apron. Lumingon ako rito at kumunot ang noo.

“Puwede ba iyon, Ate? May trabaho tayo rito tapos pupunta tayo sa gym?”

“Ano ka ba, puwede iyon at saka hindi mo ba narinig? All students daw. Kaya meaning kasama rin tayo kasi estudyante rin tayo rito,” natatawang sagot niya kaya napatango na lang din ako bago hinubad ang apron na suot.

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon