CHAPTER 8
Khianna Haiden’s Point of View“Waahhhhhh, mga ate! Ate! May sasabihin po ako!”
“Oh, bakit, Haide? Ano ang nangyayari sa iyo?”
“May nang-api na naman ba sa iyo?”
”Binalikan ka ba ng Danica-maldita na iyon? Ano? Nasaan na ang babaeng iyon at nang masabunutan ko?”
“Ano? Ipapakulong na ba natin? Tatawag na ba ako ng pulis? Kailangan ba natin ng abogado?”
“May sunog ba?”
Sabay-sabay kaming napalingon sa sinabi ni Ate Jei at nagtawanan. Grabe kasi ang mukha ni Ate Jei. Nanggaling siya sa kusina at paglabas ay may kaunting tomato sauce sa pisnge at may hawak pang sandok.
“Ang OA n’yo naman, mga ate.”
“Bakit ba kasi nasigaw ka riyan? Para kang nanalo sa lotto,” sabi ni Ate Cole.
“Ate Cole, parang nanalo na nga rin ako sa lotto kasi.”
“Kasi ano?” sabay-sabay nilang tanong.
“Kasi nakapasa ako sa exam! May scholarship na ako! Makakapag-aral na po ulit ako!”
“Wahhhh. Totoo ba iyan, Haide?” halos maluha-luha na tanong ni Ate Jei kaya nilapitan ko siya at pinunasan ng tissue ang tomato sauce sa kaniyang pisnge at tumango.
“Sa tingin mo, Cath, bakit magsisinungaling sa atin si Haide?” pambabara ni Ate Vann dahilan kung bakit napasimangot si Ate Jei at inambang hahampasin ito ng sandok.
“Ewan ko sa iyo, Marielle,” nagtatampong sabi ni Ate Jei kaya nilapitan siya ni Ate Vann para aluhin at yakapin. Tumabi naman ako kay Ate Rill upang mayakap ni Ate Vann si Ate Jei.
“Masaya kami para sa iyo, Haide,” sabi ni Ate Rill at niyakap ako mula sa kaniyang gilid.
“And we are so proud of you,” dagdag ni Ate Dein na kasalukuyang nakayakap kay Ate Vann.
“Salamat, mga ate. Kayo po ang inspiration ko.”
“Pero teka, alam na ba ito ni Ate Sheila? Nasabi mo na ba ito sa kaniya? Paniguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang nakapasa ka,” tanong ni Ate Cole.
“Hindi pa, Ate Cole, pero sasabihin ko rin naman po sa kaniya mamaya upang makapagpasalamat ako.”
“Kailan ka ba magsisimulang pumasok?” tanong ni Ate Dein.
“Oo nga at para mabilhan ka na namin ng mga school supplies,” dagdag ni Ate Vann.
“Ang sabi po nila sa akin next week daw.”
“Good luck sa iyo, Haide. Pagbutin mo ang pag-aaral mo at huwag mo kaming bibiguin, ah?” pabirong sabi ni Ate Rill kaya napangiti na lamang ako. Wala sa plano ko ang biguin sila.
“Salamat, Ate Rill. At asahan mong hindi kita bibiguin. Hinding-hindi ko po iyon gagawin sa inyo.”
“Oh, bakit kayo nagtutumpukan diyan? May paparating ng customers,” biglang may nagsalita sa likod namin at nang ito ay aming nilingon ay nakita namin si Ate Sheila. Nakahawak ang isa nitong kamay sa kaniyang bewang at ang isa naman ay nakaturo sa mga customer.
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Roman pour AdolescentsA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...