Chapter 18

791 27 0
                                    

CHAPTER 18
Khianna Haiden’s Point of View

“Zhane, saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad.”

“Relax ka lang, anae ko. Trust me, magugustuhan mo kung saan tayo pupunta,” maloko niyang saad habang hila-hila ako.

Bigla niya na lang kasi akong hinila kanina pagkatapos ng klase namin at isinakay sa kaniyang kotse. Hindi ko alam kung nasaan na kami o kung saan kami pupunta dahil ayaw niya namang sabihin sa akin.

“Siguraduhin mo lang iyan, Zhane, dahil kung hindi, nakuuuu, tatamaan ka sa akin at hindi ako nagbibiro.”

“Opo. Takot ko lang sa iyo,” sagot niya at bahagya pang sumimangot kaya napatawa na lamang ako ng mahina. Masyado talagang paawa ang isang ito.

Isang buwan na kami ni Zhane. Ganoon pa rin siya sa akin. Sweet pa rin at ngayon nga, mahal na mahal ko na siya. Sino bang hindi mapapamahal sa isang Dalton Zhane Laxamana? Masyado siyang maalaga.

Naalala ko noong nakaraang linggo. Wala noon sina Ate Rill sa bahay dahil may pinuntahan at kaming dalawa lang ang naiwan. Naghihiwa ako ng kamatis noon nang biglang masugatan ang kamay ko. Halos himatayin siya nang makita ang dugo at gusto pa akong isugod sa hospital. Sabi ko nga ay huwag na ngunit sadyang mapilit. Nag-drive pa siya ng halos ilang minuto papuntang hospital para lang matignan ang sugat ko at pagkarating nga namin doon at as usual, nilinisan lang ng nurse ang sugat ko at pinauwi na kami.

“Okay. Khia ko, close your eyes,” nakangiti niyang saad.

“Zhane!”

“Come on, Khia, trust me,” aniya.

Wala na akong nagawa kung hindi pumikit. Monthsary namin ngayon at hindi ko alam kung alam niya ba iyon. May regalo ako sa kaniya, alam kong hindi iyon mahal pero galing naman iyon sa puso ko. Mayroon na siya lahat. Nakukuha niya ang gusto niya sa isang iglap lang pero sana ay magustuhan niya ang ibibigay ko.

Nasanay na rin akong tawagin niyang anae ko or Khia ko. Nang una kong malaman ang meaning ay muntik na akong mahimatay, anae in Korean but in English ay wife. Nasanay na rin akong tawagin siyang nampyeon ko, nampyeon in Korean but in English husband.

“Okay, anae ko. Open your eyes.”

Dumilat ako ng mata at nabungaran ko ang isang harden. Sobrang daming bulaklak at iba’t-ibang klase pa. Ang ganda, sobra. Nakaka-relax at parang nawala lahat ang pagod ko dahil sa tanawing ito.

“You like it?” tanong niya at niyakap ako mula sa likuran.

Humarap naman ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mukha, ngumiti ako. Sobrang guwapo talaga ng lalaking ito.

“No, I don’t like it because I love it.”

“I’m happy at nagustuhan mo ito,” sabi pa niya at ngumiti sa akin.

“Hindi ko alam na mayroon palang garden na malapit lang dito sa school natin. Kung alam ko lang ay rito na lang ako tatambay. Sobrang relaxing ang ambiance dito. Ang tahimik.”

Pinatalikod niya ako at nag-backhug siya sa akin. Ipinatong ang baba sa aking balikat. Kinikilig ako.

Sana hindi ka magsawa sa akin, Zhane. Sana ganito na lang tayo palagi. Sana hindi ka magbago. Sana ganito ka pa rin hanggang tumanda tayong dalawa. Masyado na kitang mahal at hindi ko alam kung kakayanin ko pa kapag iniwan mo ako.

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon