CHAPTER 17
Khianna Haiden’s Point of View“So, ano na, bakla? Member ka na ng THE BLUES? You are so suwerte talaga. Ikaw na, ikaw na talaga,” sabi ni Gelo.
“Gelo, mag-aaudition pa lang ako mamaya kaya hindi pa sure kung member na ba ako ng banda. Hindi naman porke sinabi ni Zhane na pasok na ako ay member na talaga ako. Siyempre kailangan ko rin mag-audition. Masyadong unfair sa iba iyon dahil lang sa sinabi ni Zhane.”
“Aysus naman, Khianna. Napaka-imposible naman kung hindi ka makuha. Ang galing mo kayang kumanta. Lahat kami sa cafeteria kahapon ay tulala lang sa iyo. Sure ako na ikaw ang magiging vocalis ng band,” sabi naman ni Jiji.
Ngumiti ako sa kaniya. Sana nga ay totoo ang sinabi ni Jiji. Miss ko na rin kasi sumali sa mga school competitions.
“At kapag natanggap ka riyan, maaaring hindi ka na magtrabaho sa cafeteria,” singit ni Jaja.
“Ha? Ano ang ibig mong sabihin, Jaja?”
“Alam mo kasi, may monthly allowance na natatanggap ang nagiging member ng band na THE BLUES. Si Niel dating nagtatrabaho lang din siya sa cafeteria ngunit nang matanggap siya sa band ay natigil na. Sapat na kasi ang perang nakukuha niya sa band para ipagpatuloy ang buhay. Bukod pa roon ang scholarship allowance niya,” sagot niya.
“Sana nga matanggap ako. Sa katunayan niyan ay medyo napapagod na rin ako. Kahit may dalawang araw na pahinga ako dahil kay Zhane ay pagod pa rin ako. Kailangan ko rin kasing mag-aral at dahil sa trabaho ay nakakaligtaan ko minsan ang mag-review.”
“Ano ka ba? Tiwala lang and we are very sure na matatanggap ka. Believe in yourself,” pagpapagaan ng loob sa akin ni Jiji.
“Okay. Salamat, Jiji.”
Mabilis na lumipas ang oras at ito na nga ako sa harapan ng music room. Pumasok kami sa loob at medyo madami rin ang nag-aaudition. Lalo akong kinabahan nang makita ko si Zhane at isang teacher sa music club na judge. Nandito rin ang ibang member ng band. Ngayon ko lang ulit siya nakitang magseryoso kaya kinakabahan na talaga ako. Nakakatakot kasi ang mukha ni Zhane kapag seryoso, pang-bad boy look ang datingan.
“Guys, kinakabahan ako. Ang dami palang nag-aaudition dito.”
“Huwag ka ngang kabahan diyan, Khianna. Remember, THE BLUES ang pipili at si Sir Ilagan? Kaya mo iyan,” sabi ni Jaja.
“Oo nga. Kaya mo iyan, Khianna. And besides, hindi ka pa ba sanay sa mga ganito?” tanong ni Jiji.
“Sanay na ako sa ganito, Jiji. Pero hindi ko pa rin naman maiwasang kabahan. Ilang buwan na ang lumipas mula noong last na nag-perform ako sa harap ng maraming tao.”
“Kapag kinakabahan ka tingin ka lang kay Dalton para mawala kaba mo,” sabi ni Jaja kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kinakabahan na nga ako tapos nakuha niya pang magbiro. Haynaku, Jaja.
“Ano ka ba, Jaja? Titingin itong si Khianna kay Dalton kapag kinakabahan? Baka madoble ang kaba nito,” biro naman ni Jiji. Magkapatid nga sila, palagi na lang nila akong binibiro.
“Grabe naman kayo sa pambato natin,” awat ni Gelo.
Madami pa ang nag-audition at karamihan din sa kanila ay magagaling. Ako na ang huling magpe-perform. Kinakabahan talaga ako.

BINABASA MO ANG
Suffer✓
Teen FictionA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...