Chapter 19

759 29 0
                                    

CHAPTER 19
Khianna Haiden’s Point of View

“Anae ko,” mahinang bulong sa tenga sa akin ni Zhane.

“Hmmm?”

“Pansinin mo naman ako,” bulong ulit nito kaya’t nagawi sa kaniya ang aking paningin at ngayon nga ay nakanguso na siya. Parang bata talaga ang lalaking ito minsan.

“Zhane, busy ako. Mamaya na lang. Kailangan ko itong ipasa mamaya.”

“Hmppp, sige na nga,” bulong ulit nito at narinig ko pa ang pag-asik niya.

Natawa na ako dahil sa kaniya. Gumagawa kasi ako ng project at siya naman ay nangungulit lang. Mukhang wala siyang project o assignment na gagawin kaya ako ang kinukulit.

“Dalton! Khianna!”

“Oh, kayo pala Zico, Niel at Chris. Hinahanap n’yo ba kami?” tanong ni Zhane.

Patuloy lang ako sa paggawa ng project ko at si Zhane naman ay inilagay ang kaliwang balikat sa sandalan ng aking upuan habang nakikipag-usap kina Zico.

“Oo, Dalton. Pinapatawag tayo ni Sir Ilagan,” sagot ni Zico kaya’t kusa akong napalingon sa kaniya.

“Bakit daw?” tanong uli ni Zhane.

“Hindi ba this month na iyong battle of the band? Baka dahil doon,” sagot naman ni Chris.

Battle of the band? Parang narinig ko na iyon dati. Ah, tama! Iyon iyong pinag-uusapan dati ng band mate ko. Gusto nilang makarating doon dahil nga malaking competition iyon. Pangarap ko rin na makarating doon ngunit hindi talaga pinapalad ang school namin dahil nga minsan ay perahan na lang ang labanan at isa pa ay malalaking university lang ang nakakapasok doon.

“Battle of the band?”

“Khia, iyon iyong ang mga school band ay naglalaban-laban, hindi mo ba alam iyon?” natatawang tanong sa akin ni Zhane dahilan para batukan ko siya.

“Hoy, alam ko iyon. Pangarap ko ngang makasali sa ganoong competition. Ang kaso lang ay mga malalaking university lang ang puwede roon.”

“Oh? Eh di matutupad na pala ang pangarap mo ngayon. Taon-taon kasing sumasali ang band namin doon,” sabi nya.

Napangiti na lamang ako sa iisiping makakasali na ako sa ganoong competition. Pangarap ko talaga iyon kaso nga lang walang pundo ang school namin dati at katulad nga ng sinabi ko kanina ay mga malalaking university lang ang puwedeng sumali roon. Sisiguraduhin ko na gagalingan ko nang sobra para manalo kami.

***

“Okay, guys, get ready. Malapit na ang battle of the band at gusto ko na sa pagkakataong ito ay maiuwi na natin ang trophy,” sabi ni Sir Ilagan.

“Huwag kayong mag-alala, Coach Ilagan, dahil sisiguraduhin namin na kami ang mananalo ngayong taon,” mayabang na sabi ni Zhane.

Napanguso na lang ako dahil sa sinabi ni Zhane, ang hangin lang. Katulad kanina ay nakaakbay ulit ito sa akin na hinayaan ko na lang. Clingy kasi ang taong ito na hinahayaan ko naman ngunit hanggang akbay at hawak ng kamay lang naman kapag nasa public kami. Baka mabatukan ko siya o masampal kapag hinalikan niya ulit ako sa harap ng maraming tao.

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon