Chapter 11

885 38 0
                                    

CHAPTER 11
Khianna Haiden’s Point of View

“Dito na lang ako, Zhai. Dito ako nakatira.”

“Eh? This is your house, Ate?”

“Yup, kasama ko naman dito sila Ate Rill. Maliit lang ito ngunit kasya naman kaming lahat.”

“Ate Rill? Sila ba sila Ate Cathy? Magkakasama kayo sa iisang bahay?”

“Yeah, second name kasi ang tawag ko sa kanila kaya Ate Rill nga at oo pa rin, magkakasama kami sa iisang bahay. Inampon na kasi nil ako at sila na ang bago kong pamilya.”

“Oh, okay. By the way here, Ate, take this.”

Nandito kasi kami sa sasakyan niya dahil inaya niya akong magmeryenda at nagpresentang siya na lang daw ang maghahatid sa akin, hindi naman ako makatanggi kasi kinukulit-kulit niya ako at ginamit na naman niya sa akin ang mata niya. Kahit ano yatang gustuhin ng batang ito ay agad niyang nakukuha sa pamamagitan lang ng kaniyang mga mata.

“Ano ito? At saka bakit mo ako binibigyan ng ganito? Hindi ko naman kaarawan, malayo pa iyon.”

“Too many question, just open it po.”

Binigyan niya ako ng isang paper bag na may lamang box sa loob, binuksan ko ang box at tumambad sa akin ang isang touch screen na cellphone. Bakit niya ako binibigyan ng ganito?

“Para saan ito, Zhai?”

“It’s for you, Ate, gift ko iyan sa iyo kasi you’re so masipag.”

“Ano ka ba, Zhai, hindi ko na kailangan ang ganito. Hindi ko iyan matatanggap.”

Umiling-iling pa ako at pilit na ibinabalik sa kaniya ang phone ngunit sumimangot lang ang kaniyang mukha at hindi kinuha sa akin ang phone bagkos ay inilagay ulit sa kamay ko.

“I don’t take no for an answer so please take it and besides I want to communicate with you sometimes so para makapag-usap tayo tanggapin mo na lang ‘yan. I wanna talk to you at night po but I don’t know how to contact you kaya I made a way na lang po para magkausap tayo and I bought a phone nga.”

“Hays, ikaw talagang bata ka. Hindi ko naman kailangan ng ganito.”

“Pero I already bili na po niyang phone so you don’t have a choice but to tanggap it na lang. Please.”

“Sige na nga, ang kulit mo talaga.”

“Yes! I already save my number in your phone and may load na rin iyan. I will call you later po and please make sure to answer it, okay?”

‘Oo na po, sasagutin ko na kapag tumawag ka. Thanks para rito, Zhai, I’ll go ahead. Bye, ingat.”

“Okay, Ate. Bye.”

***

“Uyy, bakla, may cellphone ka pala hindi ka man lang nagsasabi. Kakaloka ka talaga,” sabi ni Gelo at kinurot pa ang tagiliran ko. Napadaing na lamang ako dahil sa kaniyang ginawa. Ang sakit!

“Oo nga, nahingi sana namin number mo,” sabi naman ni Jaja habang naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi. Pulang-pula na tuloy ng labi niya, parang sinuntok.

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon