CHAPTER 20
Khianna Haiden’s Point of View“Oh, Khianna, okay ka lang?” tanong ni Jiji nang makita akong nakahawak sa aking dibdib. Naninikip na naman kasi ito katulad kahapon at noong isang araw.
“Oo, Jiji. Medyo sumasakit lang ang dibdib ko pero ayos lang naman ako.”
“Sigurado ka ba? Parang ang tamlay mo ngayon. Kahapon ka pa ganiyan. Ayos ka lang ba talaga? Gusto mong tawagin ko si Dalton?” nag-aalala niyang tanong.
“Okay lang talaga ako, Jiji. Huwag ka na mag-alala riyan.”
“Sigurado ka, ah?” paninigurado niya.
“Oo nga.”
Kanina pa sumasakit ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Umiinom na lang ako ng tubig baka kasi kulang lang ako sa tubig. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa aking dibdib. Dapat na ba akong magpatingin?
“Khia ko, okay ka lang?”
Biglang sumulpot sa aking likod si Zhane at iyon kaagad ang itinanong. Marahil ay nakita niya ang paghawak ko sa aking dibdib.
“Oo naman, Zhane.”
Ayaw ko nang mag-alala pa sila. Hindi naman siguro ito malala at saka baka kulang lang ako sa tubig.
“Oh, come on, Khia ko. Kahit sandaling panahon pa lamang tayong magkakilala ay saulo na kita. May masakit ba sa iyo? Ano ang problema mo?” tanong niya ulit. Ngumiti ako rito bago hinawakan ang kaliwa niyang pisnge. Nag-aalala na naman ang aking boyfriend na pogi.
“Zhane, wala lang ito. Okay lang talaga ako, kinulang lang ako sa tubig.”
“Khianna Haiden Abelino, tell me what is it?” seryoso niyang tanong.
“Aishhhh! Sumasakit ang dibdib ko at kanina pa naman iyon pero huwag kang mag-alala kasi wala lang naman ito.”
“Ano’ng wala lang? Eh parang hindi ka na nga makahinga riyan. Halika na at daldalhin kita sa doctor. Baka kung ano na iyan,” aniya at hinila ang aking kamay ngunit pinigilan ko ito.
“Zhane, ang OA mo. Umiinom naman ako ng tubig kaya maya-maya lang ay mawawala na rin ito.”
“Sigurado ka ba?” tanong niya kaya ngumiti ulit ako upang ipakita na ayos lang ako.
“Oo nga po. Ang kulit.”
“Hays, sige na nga. Kapag hindi nawala at sumasakit pa rin iyan ay sabihin mo sa akin at ipapacheck-up na kita,” aniya.
“Oo na po.”
“Oh, bakla, mukhang nagtatalo kayo ni fafa Dalton,” singit ni Gelo na kararating lang.
“Hindi naman, Gelo. Ito kasing si Zhane ang kulit-kulit.”
“Anae ko, hindi po ako makulit. Nag-aalala lang ako sa iyo. Baka kasi kung ano na iyan,” sabi naman ni Zhane.
“Naku, Dalton, kanina pa nga iyan si Khianna. Nasa room pa lang kami ay hawak na nang hawak iyan sa kaniyang dibdib. Tinanong ko kung ayos lang siya pero ang loka ay nagde-deny pa rin, halata namang hindi” sabi ni Jiji.
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Ficção AdolescenteA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...