CHAPTER 27
Jhairrus Gil’s Point of ViewIlang oras na ang dumaan ngunit hindi pa rin nagigising si Khianna at mula pa kanina ay hindi ko na binitawan ang kamay niya. Ayaw kong bitawan. Baka kasi kung ano ang mangyari.
Nandito na rin ang mga ate niya at ang mga kaibigan niya at lahat sila ay umiiyak na.
“Haide, please lumaban ka. Para sa amin at para na rin sa sarili mo. Alam kong pinayagan ka na namin na mamahinga pero hindi namin kaya. Please, Haide, hindi namin kaya na mawala ka. Huwag muna, Haide. Nakikiusap ako sa iyo, huwag muna. Hindi namin kaya na mawala ka. Huwag mo kaming iwan, Haide. Please, huwag,” lumuluhang sabi ni Jasmine habang nakatitig sa namumutlang mukha ni Khianna.
“Haide, uyy. Gumising ka na riyan. Gagawin namin lahat ng gusto mo basta gumising ka na riyan,” sabi ni Cassey.
“Haide, please lumaban ka. Hindi namin kaya na mawala ka. Hinding-hindi, kaya sana lumaban ka. Gagawin namin lahat para lumaban ka. Kahit imposibleng makahanap kami ng donor mo gagawin namin. Lumaban ka, Haide. Huwag mo kaming iiwan,” sabi ni Marielle.
“Uyyy, Haide. Pangako ko sa iyo na kapag gumaling ka, hindi na kita aagawan ng lumpia. Gumising ka na riyan," sabi naman ni Cathy.
“Kapatid, malapit na birthday ko. Wish ko, sana humaba pa ang buhay mo. Sana lumaban ka at iyang puso mo. Sana matupad mo ang mga pangarap mo. Sana hindi ka mawala sa amin,” sabi ni Harlene.
Tahimik lang ang mga kaibigan niya pero damang-dama namin ng kalungkutan ng paligid. Kahit ako ay nasasaktan para sa mga ate niya. Tulad nila ay hindi ko rin gustong iwan kami ni Khianna.
Khianna, gising na. Maraming nag-aantay sa iyo rito. Lumaban ka. Huwag kang sumuko kasi hindi rin kami susuko sa iyo. I love you, Khianna. I love you so much. Don’t leave us. Don’t leave me.
***
Mag-isa akong naiwan dito. Sila Jiji, Jaja at Gelo ay umuwi na kasi gabi na rin. Sila Jasmine naman ay kumain sa labas. Niyaya nila ako ngunit hindi ako sumama dahil walang maiiwan dito kay Khianna.
Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang kamay niya. Hinahalikan ko ito at ang mga luha ko ay patuloy lang sa pagtulo. Kanina pa rin ako nagdadasal na sana ay gumising na siya ngunit wala pa rin.
“G-Gil.”
Gulat akong napatingin sa kaniya at nakamulat na siya. May mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata niya. Hinawakan ko ang kaniyang pisnge at ngumiti.
“K-Khianna? D*mn, gising ka na nga.”
Tatayo na sana ako para tawagin ang doktor ngunit hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan akong tumayo. Gulat akong napalingon sa kaniya ngunit siya ay mahina lang na umiling sa akin at nagsenyas na umupo ako sa tabi ng kamang kinahihigaan niya.
“Tatawag ako ng doktor. Sasabihin kong gising ka na. Wait, Khianna.”
Pero hindi niya ako pinayagang umalis. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tumulo na ang mga luha niya kaya hindi ko rin maiwasang lumuha pa nang sobra. Nahihirapan ako sa kalagayan niya. Hinang-hina na ng katawan niya at parang anytime ay susuko na siya, na anytime mawawala na siya sa amin, na anytime kukunin na siya sa amin. F*ck. Hindi ko siya kayang tignan sa ganitong sitwasyon pero kailangan kong magpakatatag. Alam kong ako lang ang maaasahan niya sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Roman pour AdolescentsA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...