CHAPTER 25
Jhairrus Gil’s Point of View“Namimiss ko na kumanta,” biglang saad ni Khianna at nakatingin sa malayo.
“Bakit hindi ka kumanta? Kasali ka pa rin naman sa band, hindi ba?”
“Oo, kasali pa nga ako pero wala naman gaanong event ngayon kaya hindi rin ako makakanta,” katwiran niya at tumingin sa akin. Ngumiti ako rito at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok.
“Gusto mo ba talaga?”
“Oo naman,” nakangiti niyang sagot.
“Sige. Wait mo lang ako.”
Lumayo ako sa kaniya at tinawagan ko si Zico. Yeah, friend ko si Zico at the same time ay pinsan ko rin.
“Hello, Zic.”
(Oh, Jhai, napatawag ka?)
“Zic, puwede bang humingi ng tulong?”
(Oo naman. Ano ba iyon?)
“Pahiram naman ng gitara mo. Namimiss na raw kasi ni Khianna kumanta kaya gusto ko sanang manghiram ng gitara sa iyo. Can I borrow it?”
(Aysus, iyon lang pala. Sige, dude, dalhin ko na lang mamaya sa cafeteria.)
“Sige. Salamat, Zic.”
(No prob, Jhai.)
Napangiti na lang ako dahil sa wakas ay maririnig ko na naman kumanta si Khianna and this time ako na ang nasa tabi niya habang kumakanta siya. Dati kasi ay palagi lamang akong nasa malayo at pinapanood siyang kumanta. Ngayon ay iba na ang sitwasyon.
May parte sa akin na masaya dahil nagkahiwalay na silang dalawa ni Laxamana. Mararanasan ko na rin ang mga bagay na gusto kong maranasan kasama siya. Ito naman ang gusto ko. Ang makasama siya. Ang mahalin niya ako. Alam kong imposible na mahalin niya ako pero hindi ko magawang hindi umasa. Mahal ko siya. Sobrang mahal ko.
“Khianna.”
“Hmmm?” malambing niyang tanong. I smiled at her.
“Magkita na lang tayo mamaya sa cafeteria.”
“Oh, sige,” tumango siya na parang bata kaya napatawa na lamang ako.
Sana lagi na lang ganito. Iyong makikita ko ang saya sa kaniyang mukha, iyong ngiti niyang nakakahawa.
***
“Hey, Jhai,” bati sa akin ni Zico.
“Zic.”
“Ito na ang gitara ko. Nasaan na si Khianna?” tanong niya at lumingon sa paligid.
“Parating na rin iyon siya kasama ang mga kaibigan niya.”
“Sige, Jhai. Alis na ako. Dinaan ko lang talaga itong gitara ko sa iyo,” aniya at ibinigay sa akin ang gitara.
“Okay, Zic. Thank you ulit.”
“Welcome, Jhai. Sige, alis na ako,” paalam niya.
Ngumiti na lang ako at umalis na siya. Ilang sandali pa ay dumating na si Khianna kasama ang mga kaibigan niya. Nasa likod niya rin sila Dalton na kasama ang mga kaibigan niya. Mukhang sinusubukan niya na ngang kalimutan si Dalton.
![](https://img.wattpad.com/cover/227456312-288-k718009.jpg)
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Novela JuvenilA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...