Chapter 16

799 26 0
                                    

CHAPTER 16
Khianna Haiden’s Point of View

Shockssss, nakakahiya talaga ang ginawa ni Zhane. After ng nangyari ay hinatid niya ako sa room namin and take note, hinalikan niya pa ako sa harap ng mga kaklase ko kaya kaliwa’t kanan na naman ang nang-aasar sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Sa totoo lang ay natakot ako dahil sa ginawa niya. Akala ko talaga ay tatalon siya.

“Bakla, nakakaloka talaga. Jowa mo na si fafa Dalton. Enebeee, kinikilig naman ako sa inyo,” tiling sabi ni Gelo.

“Please lang, Gelo, tigilan mo ako. Hindi ko gusto kung ano man ang nangyari ngayong araw.”

“Aysus naman, bakla. Nakakainggit ka talaga, sobra,” sabi niya pa.

Hindi ko na lang ito pinansin at umayos ng upo. Hinampas pa nito ang aking braso kaya napasimangot ako. Isa siyang mapanakit na kaibigan!

“Ikaw na talaga ang pinakama-suwerteng babae na nakilala ko. Imagine, guys, bago lang dito si Khianna and look, jowa niya na kaagad si Dalton. Pero sino ba naman ang hindi magkakagusto rito sa kaibigan natin? Sobrang ganda nito, mabait at masipag din at tiyaka matalino pa kaya hindi ko rin masisisi si Dalton,” sabi naman ni Jaja.

“Oo nga, and for almost 2 years umibig muli si Dalton,” sabi naman ni Jiji.

Umibig muli? Ibig sabihin ay nagkaroon siya ng girlfriend dati?

“Big big check kayo riyan, mga bakla. Kaya pala sobrang traffic sa EDSA kasi ang haba-haba ng hair ng babaeng ito,” sabat ni Gelo.

“Kailangan ko na bang humanap ng gunting? Naaapakan ko na ang buhok mo, girl,” natatawang sabi ni Jaja. Napasimangot na naman ako dahil sa walang humpay na pang-aasar nilang tatlo.

“Tigilan n’yo na nga ako sa kakaasar tungkol kay Zhane.”

“Bakla ka! If I know, kinikilig ka lang and hindi mo masabi sa amin kasi nahihiya ka. By the way, bakla, may itatanong ako sa iyo,” sabi ni Gelo kaya lumingon ako rito. Seryoso ang mukha niya kaya baka seryoso rin ang itatanong niya.

“Ano naman iyon?”

“Mesherep be?” bigla siyang ngumiti nang nakakaloko bago sinundot ang aking pisnge. Ano raw?

“Mesherep? Ano iyon? Hindi kita maintindihan, Gelo.”

“Gaga, I mean mesherep be eng lips ni fafa Dalton ahihihihi,” kinikilig niyang sabi na dahilan kung bait namula ang aking mukha. Akala ko pa naman ay seryoso ang tanong niya dahil seryoso ang mukha niya kanina. Iyon pala ay kalokohan na naman.

“Ayy, tignan n’yo na si Khianna. Namumula ka, girl. Hahahaha,” asar ni Jiji.

Hindi ko ito pinansin at hinawakan na lang ang aking pisnge. Tama siya, namumula na nga ako at ramdam ko iyon. Sobrang init ng aking pisnge. Hindi na talaga ito tama. 

“Hey, guys, look at this oh, trending na sa website ng University ang ginawa ni Dalton kay Khianna. Si Dhaxine ang nagpost at ang caption 'Congrats to our newly campus couple, anae and nampyeon for the win!” Sabi ni Jaja at may tinitignan sa kaniyang phone.

Si Zhai? Bakit niya naman iyon ipopost? Ang batang iyon talaga.

“Hala, oo nga, ‘no? Grabe, ang daming share and comment. Ang dami n’yong pinakilig. Kahit mga taga-ibang school ay nakikichismis sa inyo. Grabe na kayo,” sabi naman ni Gelo. Napahilamos ako ng mukha. Ano ba ‘to?

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon