Chapter 10

1.1K 41 0
                                    

CHAPTER 10
Khianna Haiden’s Point of View

“Ayan, mga bakla! Tamang-tama at wala iyong isa nating prof today. Chika-chika muna tayo, ante! Chismis muna natin si Khianna para alam niya ang ganap dito sa atin,” sigaw ni Gelo at kekembot-kembot pa papalapit sa amin.
Napatawa ako nang mahina. Hindi kasi siya nahihiyang ipaglandakan kung ano siya. Mas okay nga itong ganito siya kaysa naman itago niya kung ano talaga siya.

“Pansin lang namin kanina, Khianna, mukhang type ka ng B4 pati na rin si Jhairrus. Iyong mga tinginan nila kanina sa iyo. Naku, girl, ang suwerte mo kapag isa sa kanila ang maging jowa mo,” parang kinikilig na sabi ni Jaja at kinurot pa ako sa pisnge.

“Oo nga. Kainggit ka talaga, ante! Ipakilala mo na lang kami sa kanila kapag may naging jowa ka na sa isa sa kanila, ah,” sang-ayon ni Jiji at hinampas pa ang braso ko kaya napadaing ako pero nag-peace sign lang siya sa akin at ngumingiti-ngiti lang. Ang brutal nilang magkapatid. Hobby yata nila ang manghampas ng taong nakapaligid sa kanila.

“Ano ba iyong B4? Ano iyon F4 lang? Meteor Garden? Saka bakit sila tinitilian ng mga babae? Guwapo nga sila pero bakit kailangang may patili pa?”

“Ayy naku, Khianna. Masanay ka na lang sa mga babaeng tumitili tuwing napapadaan iyong B4. Kasi naman, girl, sobrang guwapo nila kaya mapapatili ka na lang talaga,” sabi ni Jaja at napangiwi ako sa sinabi niya.

“So, ano nga iyong B4 na sinasabi n’yo? Ano? Tumatakbo ba sila sa eleksyon? Partylist ba sila na dapat iboto?”

“Hindi, ‘te. Gagang ‘to! B4 means Billionaire 4,” sabi ni Jiji at halos batukan pa ako dahil sa sinabi ko.

“Billionaire 4? Ano iyon? Organization ba iyon?”

“Jusko namang bakla ka. Hindi mo ba iyon alam? Sabihin mo nga sa amin, saang planeta ka galing? Ano, wala bang guwapo sa school mo rati? Wala bang heartthrobs sa school mo rati? Nakakaloka kang bakla ka,” natatawang tanong ni Gelo dahilan para mapakamot na lang ako sa ulo ko. Sa hindi ko nga alam iyong sinabi nila. Ano ang magagawa ko?

“Haha. Huwag n’yo ngang sabihan ng ganiyan si Khianna. Baka hindi niya lang talaga alam kung ano iyong B4. Siyempre bago lang siya rito kaya malamang ay hindi niya pa talaga alam kung ano or sino iyang B4 na iyan,” pagtatanggol sa akin ni Jaja kaya nginitian ko siya.

“So, ito na nga, ‘te! Kukuwentuhan ka namin tungkol diyan sa B4 para naman alam mo na,” paninimula ni Jiji.

“Okay. Kuwento n’yo sa akin.”

“So, ito na nga bakla. B4 means Billionaire 4 nga. May apat na member iyon. At halata naman. Hahahaha. Kung iniisip mong para silang F4 sa meteor garden mali ka riyan, bakla. Nakakaloka naman iyong sinabi mong parang F4. Ito ay binubuo ng apat na kalalakihan na sobrang yayaman, sa murang edad nila bilyonaryo na sila. Ang mga pangalan nila ay sina Brent Dan Delema, Hanz Austine Montez, Raven Josh Ocampo and Dalton Zhane Laxamana at lahat sila puro gwapo. Emegeshh kenekeleg aketchh,” sabi ni Gelo na hinawi ang kaniyang invisible long hair.

“First Billionaire, Brent Dan Delema. At the age of 18, siya na ang namamahala ng airlines ng Daddy niya kaya ang course niya ngayon ay Pilot. He’s 20 years old now. Sa kanilang apat ay si Brent ang pinakamaloko, madali lang siyang mapasaya like kahit bigyan mo lang siya ng lollipop masaya na siya roon. Napabalitaang may nabuntis dati pero hindi naman napatunayan, assumera kasi iyong babae. Ang adik ng babaeng iyon, may mental disorder pala ang bruha. Anyway, siya ang captain ng basketball team natin and halata naman sa kaniya kasi sa kanilang lahat siya na ang pinakamatangkad. 6’5 kasi height niya, ‘te! Ang tangkad niya! Siguro mahaba rin siya?” paliwanang ni Jiji at kinikilig-kilig pa habang nagkukuwento at hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi.

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon